Chapter 17

11 1 0
                                    

Chapter 17: Day Five

EJ'

"Delivery po!" malakas na sigaw ni Kathia pagkapasok niya sa dorm space namin. Bumaba kasi siya kanina sa first floor dahil nakalimutan niyang mag-refil ng tubig sa water bottle niya, nakisabay pa si Bhea kaya siguro medyo natagalan siya. Lahat kami'y naka-higa sa kaniya-kaniya naming kama nang naabutan niya kami. Nakikinig kami ni KC at ni Iya ng bagong released na album ni Taylor Swift habang nanahi ng uniform si Ace tapos si Bhea'y may ka-chat sa cellphone.

"Ano 'yan, Kathia? Ikauunlad ba 'yan ng buhay ko?" Inalis ni Bhea ang atensyon niya sa phone para agawin sana kay Kath ang winawagayway niyang nakatiklop na papel na mabilis namang iniwas ni Kath sakaniya. Tinarayan pa siya ni Kath at pinandilatan ng mata. "Hindi para sa'yo 'to, B. Pasensya ka na, ah. Magsikap kang mabuti para sa buhay mo."

Ace laughed a bit, triggering Bhea's temper. "Che! Kanino ba kasi 'yan, dzai?"

"EJ, oh. Pinapaabot ni Asher." Doon na nga tuluyang lumapit sa harap ng kama ko si Kathia para i-abot sa akin ang hawak niyang pilit niya pa ring iniiwas kay Bhea. Akala mong giraffe ang gaga, kung makahanap nang t'yempo para makita kung ano'ng binigay ni Kathia, gagawin talaga lahat para makasilip lang sa papel!

Itinampal ko tuloy sa noo niya, 'yong letter. "Oh, ano? Gusto mo ba ikaw na magbasa, B?"

"H'wag na. Love letter pala para sa'yo, akala ko naman ayuda." Bhea shook her head after. Lumayo na rin siya sa akin, pero imbis na bumalik sa kama niya, pinalo niya ang pwet ni Iya 'saka ito tinabihan. "Love language nilang magpinsan 'yong pag-sulat ng letter no, Iya?"

"Aba malay ko."

"Ay, hindi ba ikaw 'yong sinusulatan ng letter no'ng pinsan ni Asher?" Halatang-halata kay Bhea na gusto niyang asarin si Iya kaya siya na tuloy ang lumipat ng p'westo at sa kama siya ni Bhea pumunta para lang makalayo sa isa. Berat na berat kasi 'tong bruha na 'to.

"Ewan ko sa'yo, Bhea. Bahala ka r'yan." Nagkatinginan pa tuloy kaming tatlo ni Kathia at KC no'ng nagtalukbong na lang siya bigla ng kumot. Tumatawa si Bhea at gano'n din si Ace na nagawa pang sakyan pasimple ang biro ni Bhea.

Hinayaan ko muna silang magbiruan. Kinuha ko na rin ang salamin ko sa side table bago ko binuklat 'yong nakatuping papel para basahin. Kagaya no'n ang huling ibinigay na letter sa akin ni Asher.


Jayde,

Pasensya ka na kung hindi man maganda ang naging reaksyon ko kanina dahil sa nangyari. Hindi ko lang talaga nagustuhan na may humahawak sa'yo nang hindi mo alam at hindi mo binibigyang permiso. Sa susunod mas hahabaan ko rin ang pasensya ko sa mga gano'ng bagay.

See you on day 5, I'll make you proud of me.

-Mendler


Medyo malungkot akong napangiti. Naiintindihan ko kasi kung bakit siya parang naiinis kanina. Sinigurado ko na rin 'yong nangyari tapos nalaman ko pa kay Ark na hindi pala talaga siya 'yong nasa likod ko no'ng papalabas kami ng gym. Ibig sabihin, tama nga 'yong nakita ni Asher na may humawak sa beywang ko na ang akala ko talaga— si Ark na inaalalayan lang ako. Hindi pala.

Medyo kinilabutan nga rin ako dahil ang gago no'ng lalaking 'yon. Hinimas kasi bahagya 'yong tagiliran ko. Nakaka-bother na nakampante ako ngayong dapat lagi akong alerto sa gano'n. Tapos kaya pala sa dean's office sila dumiretso ni Niqui pagkatapos no'n dahil nagsabi kaagad sila ng report. Nakita rin ni Niqui 'yong ginawa no'ng lalaki kaya isa pa siyang witness. Senior daw 'yon, at officer pa ng local council ng department nila kaya hindi rin talaga p'wedeng palampasin.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon