Chapter 7

31 5 0
                                    

Chapter 7: Palpitation

EJ'

"Gusto mo na ba'ng umuwi?" Taas kilay kong minata si Asher. Nasa labas kami ng cafe, katabi ng Podium. Sa railings sa entrance kung saan nakikita ang mga dumadaang mga sasakyan sa kalsada. Ang mga ilaw nito'y may streaks sa aking paningin dahil sa aking astigmatism. Inalis ko na kasi ang contact lense kong may grado matapos kong maubos ang isang slice sa cake na binigay ng ninang niya. Inaya rin akong lumabas ng Podium ni Ash, pagkatapos kaya nandito kami ngayon.

Only for him to ask me this question.

Kanina ko pa napapansin... Kating-kati si Asher sa presensya ko rito. It seems like he doesn't want me to be here but with courtesy and respect, he's accompanying me.

"P'wede na ba akong umuwi?" hamon ko. Tutal, nandito na rin ako sa labas, p'wede na akong umuwi. Kay Asher at sa dorm ko na lang isasauli ang damit ng ate niya para hindi na ako pumasok pang muli sa loob.

Ash chuckled, showing me his phone with several texts from Ark. "Kung gusto mo nang umuwi, ihahatid na kita. Kanina pa ako binubulabog at tine-text ng Kuya mo." May dalawang text pa ngang kaka-deliver pa lang sa phone niya. Galing din kay Ark.

Dahil doon ay nagbago ang isip ko. "Hayaan mo siya, siya naman ang nagsabi na pumunta ako rito."

"Pumunta ka rito dahil sinunod mo si Ark?" taas kilay ring tanong sa akin ni Asher.

"Oo? Siguro..." I muttered, unsure of the answer because I had a lot of reasons on my list for going here.

Ash looked at me with sudden disappointment. Umiwas ng tingin at isinandal ang dalawang bisig niya sa railings.

"Akala ko, pumunta ka dahil kay Tatang," aniya. Nakatingin kami parehas sa sasakyang busina nang busina sa harap. Nagka-traffic pa sa kalsada kahit gabing-gabi na.

Mabilis ko siyang siniko, "Oo naman!" sabi at aksyon ko na pinagsisihan ko rin sa huli. Ash and I were both shocked by my sudden action. But instead of showing him that it really felt weird, tumalikod ako sa railings 'saka ko sinandal ang likod ko roon at nagpatuloy sa sasabihin," Ang balak ko nga'y magpapakita lang ako sandali kay Tatang— tapos uuwi na rin ako. Hindi ko naman alam na buong angkan mo na pala ang makikilala ko."

"Huwag kang mag-alala. You did not meet all of them yet. 'Yong iba hindi na pumunta," he responded in a serious tone.

"Why? Akala ko ba hiling ni Tatang na mag-reunion kayong lahat?"

"Other family members can't handle the tension well. Mas mabuting huwag na lang pumunta kaysa magka-ilangan at magka-initan pa." Hmm. Sabagay, napansin at naramdaman ko rin iyon kanina. I tought, it's because I am not just a part of their family circle pero, mayroon na pala talagang tensyon sa kanila. Dart and Ash's tension earlier was on fire, already. Or should I say, it's too obvious not to notice?

" Mag pinsan pala kayo ni Dart, no? Small world."

"Why do I feel like you have a certain comment for that statement?" hula niya base sa tono nang pananalita ko. Tumango ako at ngumisi, "Tensyonado ka kanina no'ng lumapit sina Dart. Kung hindi siya lumapit, hinding-hindi ko iisiping mag pinsan kayo. 'Ni hindi kayo nagpapansinan kapag napapadaan siya sa dorm. Kung tignan mo siya kanina, parang pagliliyabin mo nang buhay si Dart."

Ash burst into brief laughter. But soon enough he became serious again, "Hindi kami nagpapansinan, dahil kailangan." Weh? Talaga ba?

"Kailangan? Eh si Ate mo nga pinahiram pa ng kotse. Anong reason mo? Kaartihan?" bara ko sakaniya, nanghahamon uli.

I thought Ash would backlash at me like how he does every time but he just breathes heavily, as he answered, "Lumang kaartihan ng matatanda, Jayde. Nadamay lang kami."

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon