Chapter 12

24 6 0
                                    

Chapter 12: Indifference

EJ'

"Happy Valentine." Nanlaki agad ang mata ko nang bumungad sa akin ang isang tangkay ng rosas pagkapasok ko sa room. Kulang na lang isampal ni Jin sa mukha ko ang rose na 'yon dahil sa pagkakadikit no'n sa mukha ko. Partida, hindi pa ako nakaka-upo at nagmamadali pa akong pumasok sa room, kaya gano'n na lang ang gulat ko sa ginawa niya.

Maraming nakatingin sa amin. Kita ko ang mga kaklase kong babae na kilig na kilig sa mga natatanggap nilang mga chocolates at roses. As if there's really something to celebrate this day.

I'd admit it really felt awkward standing here. Lalo pa't ngiting-ngiti si Jin sa harap ko at hinihintay na kuhanin ko ang rose na nakaharap pa rin sa akin.

Basa pa ang buhok ko, pero nasuklay ko naman na. Naka-uniform ako pero medyo naiilang ako dahil alam kong medyo nabasa ang likod ko dahil sa buhok kong hindi ko masyadong napatuyo dahil sa pagmamadali. Si Kaye kasi, sabi nandito na ang prof namin kaya nagmadali ako, pero wala pa naman pala ata, dahil nagkakagulo pa sila.

Montik ko pang makalimutan 'yong salamin ko na hinagis pa sa akin ni Iya kanina. Berat talaga na 'yon buti't nasalo ko nang maayos.

Kung hindi pa ako kinurot sa tagiliran ni Hadee'y hindi pa yata ako makakabalik sa wisyo. "Tanggapin mo na, J! Lahat naman halos ng babae sa room binigyan ng roses ni Jin," sabi niya at ipinakita pa ang rose na hawak, na siguro— galing din kay Jin.

Tinanggap niya 'yon ng walang pag-aalinlangan kahit may girlfriend siya kaya wala siguro talagang malisya ang pagbibigay ni Jin kaya sige, tatanggapin ko na rin.

"Okay sige. Salamat Jin." Nginitian lang ulit ako nito tapos tumalikod na. Ako na yata ang pinakahuling dumating dahil 'yong iba namang pumasok sa room, hindi na niya inabutan ng bulaklak.

Inulan kaagad ako ng pang-aasar ng tatlo pagka-upo namin sa row na kinalalagyan ni Ares at Kaye. Itinabi ko lang sa gilid ng bag ko 'yong rose, dahil wala naman akong ibang paglalagyan. Buti't bumalik na rin 'yong prof namin kaya nakapag-settle down na lahat at hindi na ako binulabog ng tatlo.

I had the chance to enjoy my peace of mind during class. Galing pa ako sa bahay ni daddy bago ako umuwi ng madaling araw pabalik sa dorm kasama si Ark para makagayak kami. Gladly pagka-akyat namin sa taas, si Iya pa lang ang gising kaya nakagayak ako kaagad. Hindi ko alam kung nakita niya kami ni Ark na magkasamang bumaba ng sasakyan pero hindi ko na naisip pa 'yon kanina lalo pa't ang panliligaw ni Asher ang tumakbo sa isip ko kanina.

He was already so close with my father's side of the family, isang araw pa lang. But what bothers me most is, how long can he keep up with those efforts? Because for all I know, nanliligaw pa lang siya. Paano nga kung sa una lang pala talaga siya magaling? Pero paano kung tama rin pala si Tita Lara?

I don't know. I'm extra sensitive this day. Lalo pa't alam ko sa sarili ko na mayroon akong post valentine trauma. Akala ko kasi no'ng bata ako, kapag valentines, masaya lang at puno ng pagmamahalan, but I experienced the negative side of it firsthand. 'Yong parang tinangalan ka ng kaluluwa at puso sa mismong araw ng 'puso at pagmamahal'.

It was Valentine's Day when I saw the video of Primo doing it with another girl. Naging malaking scandal 'yon sa school namin at kahit nando'n ang mga kaibigan ko, parang ako lang mag-isa ang sumalo nang lahat ng sama nang loob no'ng araw na 'yon. Humahagulgol ako pauwi sa bahay. I was longing for my mother's hug and comfort, but when I came home, I received none of it since mommy's too drunk to even notice I arrived home. Wala na raw si Daddy. Akala ko namatay si daddy, pero no'ng sinabi niya na sumama na raw sa ibang babae, hindi ko napigilang magmatigas. Dahil alam kong mas kailangan ako ni mommy kaysa sa pangangailangan ko sakaniya.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon