Chapter 26

11 1 0
                                    

Chapter 26: Chances

EJ'

If ever you have the chance to tell people everything that runs through your mind... Would you tell them about it or keep it to yourself until the right time comes? But then, when does the right time come? When everything is all right? Or when you don't have the chance to make everything all right?

"Kumusta na raw sina Tita?" tanong ko pagkatapos ibaba ni Hani ang tawag. Mga isang oras silang magka-video call habang nasa loob ako ng kwarto. Sinabi ni Hani na nag tratrabaho ako kaya wala ako roon, pero technically— nag tratrabaho naman talaga ako sa kwarto dahil rine-review ko ang financial statements na ipinasa sa akin ng senior ko sa Metrial. So, hindi naman nagsinungaling si Hani.

Umirap si Hani sa akin, nag-cross arms at legs pa siya habang sinesermunan ako, "Ikaw naman kasi ate, bakit ayaw mong tawagan sina mommy at Tita para ikaw mismo ang mangumusta sa kanila?"

"Alam mo namang ayaw ko pang ipaalam kay mommy na kukuha na ako ng boards, diba? Baka kasi madulas ako't masabi ko pa." Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at maiinom, habang umiinom ako'y siya na mang tanong sa akin ni Hani.

"Bakit ka ba gano'n ate? Bakit ayaw mong sinasabi sa mga tao kapag may importante kang gagawin sa buhay?" Hmm... Ibinaba ko ang baso sa lababo't tinabihan ko si Hani sa sofa, nakabukas ang tv, doon kami parehas nakatingin dahil naglalaro na ang paburito naming team sa PVL.

"Alam mo naman na ayaw ko ng disappointment, eh. Para lang kung sakaling hindi maging maganda ang outcome, at least hindi sila umasa diba? Ayaw kong mag-alala pa si mommy sa akin."

"Eh paano 'yan? 'De hindi mo rin sinabihan si Kuya Asher sa offer sa'yo ng Metrial?"

Sakto noong nagka-away-away sina KC at Iya, kinabukasan din kailangan nang umalis ng mommy ni Hani papuntang Singapore. Kinuha kasi ni mommy para makapag trabaho rin doon. Si Hani at si LV na lang ang maiiwan kina lolo at lola kaya kailangan ko ring umalis ng ASSC. Tho scholar pa rin naman nila ako, hindi na nga lang ako doon nag do-dorm. Mas lalo lang tuloy akong nalungkot kasi umalis na nga si KC, at si Iya, tapos kailangan ko ring umalis. Si Bhea lang ang natira sa dorm lalo pa't may ibang plano na rin sa buhay si Ace at si Kathia, kaya palagi ko siyang kinukumusta dahil alam ko kung gaano kalungkot na mag-isa ka lang.

The good thing is that Asher was with me throughout those moments. He made sure that I'd never feel alone, and even when 4th-year college was already taking a toll on the both of us, he chose to stay.

Ang swerte ko kay Asher. Halos lahat ng bagay, at iniisip ko sa buong taon na magkarelasyon kami, sinasabi ko sa kan'ya lahat. But then there are certain things I have had to keep from him for a while now... at kasama ito sa mga 'yon.

"Hindi pa... Kapag na lang natapos siyang mag-exam. Mas mauuna naman siya sa akin." Alam ko namang isang araw sasabihin ko rin sakaniya. Hindi na lang muna ngayon na marami siyang pinagkakaabalahan at iniisip.

Parehas naman kaming may internship, parehas ding nag re-review para sa boards, pero siya kasi— inaalagaan niya pa si Tatang. Ako wala naman akong ibang inaalala bukod kay Hani, na kaya na rin naman ang sarili niya. Si LV at ang mga tito't-tita ko na ang kasama nina lolo't lola simula no'ng pumunta kami ni Hani sa Manila. Lumipat sila roon, kaya hindi ko na rin kailangang alalahanin sina lolo dahil dinadalaw-dalaw rin sila nina Daddy at ni Tita Lara.

Asher has stopped having his Taekwondo training since then, pero nakakapag-work out pa rin naman siya sa apartment niya na lang din. He often goes out with his colleagues, but they go out for work. Sa site kung saan sila isinasama ng mga head or lead engineer ng company. But if he needs to go out with friends, college acquaintances perhaps, he doesn't go out—instead, kay Tatang siya pupunta o kaya sa akin.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon