Chapter 18

13 1 0
                                    

Chapter 18: Foreign

EJ'

Dahan-dahan kong ipinahid ang bulak na may betadine sa kaliwang banda ng mukha ni Asher. May daplis kasi ng sugat ang taas ng kilay niya doon at buti na lang hindi gaano'ng malalim. Gusto pa nga siyang ipadala ni Ate Tey sa ospital kanina— ipatahi na raw para sure, pinigilan lang ni Ate Wani.

Parehas kaming nasa first floor sa lobby ng dorm ngayon. Magkatabi kami sa sofa at nakalatag naman sa table ang first aid kit na hiniram ko kay Mrs. Saga.

"Na-disappoint ba kita?" malokong tanong ni Asher sa akin. Naka-ngisi pa ang loko pero nababasa ko naman sa mata n'yang iba ang tutuo niyang nararamdaman.

"Bakit naman ako ma-di-disappoint?"

"Natalo ako ng grand finals. Sabi ko pa naman sa letter ko sa'yo, I'll make you proud." Pinanatili niya ang peke niyang ngisi sa akin na dahilan nang pagka-irap ko sakaniya.

Naiirita ako dahil alam na alam kong hindi tutuo 'yong ngisi niya. Hindi naman kasi gan'yan si Asher. Kapag ngumisi 'yan at kapag may kalokohan— talagang umaabot hanggang mata ang pag-ngisi niya. Ibang-iba sa pinapakita niya ngayon na halatang pilit pa.

"Sabi ni Ate Shanti, pinag bigyan mo lang si Dart kasi nando'n ang Amang niya," patay malisya kong sagot. Inalis ko rin sandali ang bulak na may betadine para makakuha ng bago at malagyan ng alcohol.

S'yempre, alangan naman sabihin kong hindi ako na-di-disappoint pero naiinis ako sakaniya dahil hindi tutuo ang ipinapakita niyang reaksyon? Alam ko namang nalulungkot 'to, eh. Hindi ko na lang sasabayan. Sa susunod ko na siya iinisin kapag nasa tamang kaluluwa na siya.

"Magaling talaga si Dart. Kung hindi lang siya problemado at nilalagnat no'ng nag-nationals kami—sigurado ako, siya ang nanalo sa aming dalawa." Sumandal sa sofa si Asher. Ipinatong niya ang parehas na magkasaklop na kamay sa bandang t'yan niya at ang batok doon sa sofa para makatingala sa kisame.

Asher had always shown confidence and been precise since the day I met him. But now that he's acting all caught up just because he thinks that he disappointed me, it makes me feel something foreign.

It's as if I am stepping into his open shoe, and I could think of the things that he might be thinking about, currently. Thoughts like... What if I'm the one who disappoints him? What would he think of me? How would we handle it? Can we talk about it in a positive way, or will we end up having a toxic conversation?

Kasi dati hindi ko naman naiisip 'yon. Kapag nagkakausap kami ni Primo at may mga nagawa siyang mali, puro mali na lang niya ang naiisip ko. Hindi ko na naiiisip kung paano kapag ako ang nakasakit sakaniya. Hindi ko na rin iniisip dati kung paano namin pag-uusapan nang maayos, basta kapag galit ako. Galit ako sakaniya, bahala siya sa buhay niya.

But looking at Asher right now, Parang mas gusto ko pang malaman kung ano ang iniisip niya. Kung bakit niya naiisip 'yon, at kung paano namin mapag-uusapan 'yon nang maayos.

"Ikaw ba 'yan, Ashaunte? Nasaan na 'yong confident na Asher ng mga Mendler?" pabiro kong imik at idiniin ang bulak na may alcohol sa sugat niya, kaya medyo napa-igtad siya sa p'westo.

Hinawi niya ang kamay ko palayo nang marahan. "Bakit? Saan ka pa makakahanap ng ibang Asher sa buhay mo? Sa gwapo, talented at down to earth kong tao—may makikita ka pa ba'ng ibang kagayang-kagaya ko?"

Tignan mo 'to. Kapag kahanginan talaga! "Down to earth, amp. Baka kamo— masarap ingudngod sa lupa sa kalakasan ng apog, mana pa." Natawa na siya nang totoo pagkatapos. Ito na 'yong tipo ng ngisi niya na alam kong hindi pilit o peke kaya parang sandali pa akong tumutok sa mukha niya para pagmasdan siyang mabuti.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon