Chapter 30

14 1 0
                                    

Chapter 30: End of the Path

EJ'

Nag-iiyakan pa kami ni Asher no'ng tumawag si Ate Tey sa akin at si Ate Wani naman kay Asher para ibalitang nagising na si Tatang. Walang oras na sinayang si Asher at agad kaming nagpunta ng Victoria para bisitahin si Tatang.

Although we were both silent, we know to ourselves that we heaved a big sigh when we heard about Tatang. Kaya pagkarating, agad naming yinakap si Tatang at kinumusta.

Nakalabas na siya ng ICU, pero marami pa ring nakalagay na aparato sa kan'ya. Hindi pa rin niya kayang makapag salita no'n kaya sina Ate Shanti ang k'wento nang k'wento kay Tatang para malibang.

Nasa gilid kami ng upuan ni Asher. Parehas tahimik at pasimpleng tumutulong lang kung may kailangan si Tatang. Dumating din ang nanay at tatay ni Asher, pati na sina Frost at iba pang pinsan nila.

They even joked about my puffy eyes and Asher's. Akala nila naiyak kami kasi nagising na si Tatang. Ngumiti lang si Asher no'n no'ng binanggit 'yon ni Tatay kaya nakisabay na lang din ako.

Mas mabuti nang gano'n ang isipin nila, kaysa malaman kung ano talagang nangyari sa Dela Vera.

I stayed there until Saturday evening. Luluwas pa Maynila si Ate Wani para sa isang project sa trabaho, kaya isinabay niya na rin ako.

Mabuti na rin na hindi masyadong nagtanong si Ate Wani kung kumusta na kami ni Asher dahil 'yong trabaho ko ang tinanong niya kaya 'yon ang napag-usapan namin.

Buong linggo ko lang din ipinokus ang sarili ko sa trabaho at sa mga iilang kailangang tapusin bago ako umalis. Hindi p'wedeng may maiwan akong hindi naiaayos dahil nahihiya ako kay Sir Harry. Pinilit ko ring maiwasang mabuti si Sir Lawrd dahil masisira lang ang linggo ko kung siya ang makikita ko sa huling linggo ko rito sa Pilipinas.

Dalawang taon ko na nga siyang iintindihin— ibigay naman na niya sa akin ang peace of mind sa linggong ito.

Tinawagan ko na rin si mommy at si daddy. Sinabi ko ang plano ko at ang pagpunta sa UK. Wala namang problema sa kanila lalo pa't sagot naman ng Metrial lahat ng gastos. Basta ang bilin lang nila parehas na mag-enjoy ako roon.

Gano'n din si Tita Lara, sabi nga ni Ark— kung ano-ano pa ang ibinili ni Tita para sa akin. Mga essentials daw na baka kailanganin ko. Mas umiiyak pa nga raw si Tita Lara kaysa kay daddy. Natatawa tuloy ako, kasi sobrang soft ni Tita pagdating sa amin ni Ark.

Gusto pa sana ni Sir Harry na magpa-despidida para sa amin ni Sir Lawrd, kaso hindi pumayag si sungit. Sabi kasi ni Sir Lawrd, babalik din naman daw kami, kaya hindi na kailangang magpa-despidida. Kaya ayon, hindi na lang ako pinapasok ni Sir Harry sa natiturang araw na mayroon ako para makapagpahinga, tutal natapos ko naman na ang lahat nang kailangang tapusin na trabaho. Hihintayin ko na lang talaga ang araw ng alis namin ni Sir Lawrd.

Tinulungan na lang tuloy ako ni Claire na ihanda ang ibang gamit na kailangan kong dalhin no'ng Sabado ng gabi. Malungkot siya, pero masaya rin. Wala na raw kasi siyang kakampi kapag inaaway siya ni Ark— kaya halos sampung minuto yata siyang nakayakap sa akin. Sinabihan ko naman siyang p'wede niya akong tawagan kapag 'inaaway' siya ni Ark.

Si Ark na rin ang naghatid sa akin pabalik sa Cavana kinabukasan ng linggo. Nag-bonding lang kaming apat nina daddy at ni Tita Lara bago ako pumunta sa bahay nina lolo at lola dahil ando'n naman talaga ang mga gamit ko. Mas excited rin si Hani at si LV para sa akin dahil sila na rin mismo ang naghanda ng mga kailangan kong ilagay sa maleta. Di-nouble check ko lang dahil baka hindi naman gano'ng importante, so far— rational naman ang mga bagay na hinanda nila kaya sinama ko na rin. Sakanila ko na rin ibinilin si Kali. Ang dami ko tuoy picture ni Kali sa phone ko dahil sigurado akong mami-miss ko siya nang sobra.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon