Chapter 33

10 1 0
                                    

Chapter 33: Reasons Why

Trigger Warning: Some parts of this chapter will mention topics about physical and sexual abuse. In case of any discomfort, you may skip this chapter. ⚠️

EJ'

Four days after Christmas Day, my mind can't get over thinking about Lawrd and his whereabouts that evening. Kung bakit siya naglasing at kung ano'ng ginawa niya kung bakit siya nagkagano'n.

"Feeling ko talaga Kaye, may something eh." Pumangalumbaba ako sa harap ng phone kung saan nakikita ko si Kaye dahil sa video call at kanina ko pa sinasabi sa kan'ya ang mga bagay na gumugulo sa utak ko nitong mga nakaraan. Halos isang oras na kaming magka-usap dahil day-off niya raw ngayon dahil holiday sa Pilipinas, dito kasi sa UK hindi.

Sa pangatlong pagkakataon, bumuntong-hininga si Kaye at umismid, "Edi tanungin mo nga kasi siya?"

Kanina pa niya sina-suggest 'yon, at kanina ko pa rin dine-disregard ang suggestion niya na 'yon dahil ayaw ko nga ring masungitan lang ni Lawrd.

Kaya itinuloy ko na lang ang mga naiisip, "Pero sa tingin mo, 'di kaya na-broken hearted siya sa girlfriend niya dati? O kaya, nag-cheat sa kan'ya'y girlfriend niya kaya nagkagano'n siya? Kaso may sense rin naman kasing hindi siya magkaka-girlfriend. Sa sama ba naman ng ugali niya, may makakatagal sa kaniya?" Natawa nang malakas si Kaye, at pinagsabihan pa akong 'bwisit' pero kalaunan ay sumiryoso rin siya pero napapangiti nang kaonti.

"Pero natutuwa ako sa'yo, may improvement ka na."

"Ano'ng ibig mong sabihin d'yan?"

"Kasi kapag tatawagan kita dati, puro si Asher laman ng bibig mo. Ngayon naman, puro si Lawrd na nababanggit mo."

Nakagat ko nang wala sa oras ang ibabang labi ko, bigla-bigla ba naman niya kasing binabanggit si Asher. Iniiwasan ko na ngang pag-usapan 'yong tao. Puro kasi siya na lang ang nasasabi ko sa kanila nina Bhea at Claire dati, ayaw ko namang sa tuwing tatawag sila, hindi na ako maka-move on sa topic na 'yon.

"Weh? Gusto mo atang simulan ulit kita ng mga naiisip ko patukol kay Asher? Gusto mo yatang mag-iyakan na naman tayo, Kaye. Inilalabas ko nga sa'yo'y frustrations ko kay Lawrd tapos ipapaalala mo naman bigla si Asher." I've been out here in the UK for months already, tapos na ang three month rule na applicable sa break-up space. Paano pala kung nakahanap na ng iba si Asher? Tapos mukha akong tangang k'wento nang k'wento o nakikimusta tungkol sa kan'ya?

"Alam mo? Sa k'wento mo dati, gan'yan din kayo nagsimula ni Asher. Parang aso't-pusa, hanggang minahal mo nang sobra."

"Wala ba talagang preno 'yang bibig mo, Kaye?"

"Nagsasabi lang ako ng tutuo.Come to think of it, would Asher really be able to love someone again? Perhaps, someone who is not me?

Haha, patawa rin ako, akala mo kung sinong relevant at pinakamahalagang tao sa mundo. Eh ang dami pang mas mahalaga sa buhay kaysa sa iniisip o nararamdaman ko. Panigurado andoon ang pokus ni Asher ngayon.

Kaya dapat ako rin. Jusq, Erickaidence Jayde, grow up.

"Iba naman si Asher kay Lawrd!" Sa ilang taon kong nakasama si Asher, nakita ko kung gaano 'yon ka-mature. Oo may pagka makulit minsan pero sa mga siryosong bagay, ibang-iba siya.

"At iba rin si Primo kay Asher, mahilig ka sa gan'yang trope, eh. Enemies to friends, to lovers?"

'Yon nga lang, ayaw talagang paawat nitong si Kaye, kaya napapasibangot na talaga ako sa kaniya, napansin niya rin 'yon kaya natawa na lang siya at nagpaalam na rin. Hindi naman kasi sa akin iikot ang mundo ni Kaye, may iba rin siyang kailangang gawin kagaya ni Bhea at ni Claire. Sobrang laking tulong na sa akin 'yong paminsan-minsang pagtawag nila.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon