Chapter 31

10 1 0
                                    

Chapter 31: Trigger

EJ'

"Hey, wake up. I don't want us to be late again." Napapikit ako nang mariin habang kinakapa ng kamay ko ang unan sa tabi para maipantakip sa mukha ko no'ng bigla na lang binuksan ni Lawrd ang kurtina ng bintana.

Agad tumama sa nakapikit kong mata ang liwanag no'n kaya medyo mahapdi ito para sa akin lalo pa't dalawang oras pa lang halos no'ng tumigil ako sa pag-iyak magdamag.

With a muffled voice, I answered him, "Mauna ka na kasi, sir. P'wede naman, eh."

"Metrial did not support your education and life here in the UK for you to just laze around, Yeujen!" Rinig ko ang iritado niyang pagsinghal pati na ang mabigat niyang mga hakbang papalapit sa kama ko para maialis sa mukha ko ang unan, kaya napamulat na rin talaga ako nang tuluyan niyang nailayo sa akin ang unan.

"Fuck, did you cry again?" Imbis na maawa o magulat man lang, mas nanlisik pa ang mata niyang singkit na kung sakaling nakakamatay—patay na talaga ako, ngayon pa lang.

"Labas na, gagayak na ako." Mabigat ang katawan ko, pero napilit ko ang sariling bumangon, umupo lang ako sa kama habang umaaktong nag-aayos na ng pinaghigaan para umalis na siya sa harap ko.

But instead of leaving, he even crossed his arms in front of me, which flexed his biceps and whole arms at ease. "Should I get a plane ticket for you— so you can go back to the Philippines already?" Naka white Diesel sando lang siya ngayon, wide maong pants, at black boots kaya kitang-kita ko 'yon. Hindi sa pinagnanasaan ko siya, jusq wala na akong panahon para pag-isipan ng gano'n ang nakakairitang lalaking ito, kaya hindi 'yon gano'n.

Imbis na pantayan pa ang pagsusungit niya, walang gana ko na lang siyang tinignan. Namamaga pa talaga ang mata ko, kaya kung makikipagtagisan ako ng sama ng loob sa kan'ya, ako lang ang maaagrabyado.

With forced courtesy, I simply used a calm tone to talk him out of the room, "P'wede po bang mauna ka na lang? Susunod na lang ako."

Lumabas nga siya pagkatapos no'n, kaya nagawa ko ulit na humiga sa kama at matulala sa kisame nang ilang segundo. Nang magsawa roon, napunta ang tingin ko sa bintanang naka-bukas ang kurtina. Lawrd often shuts off all the curtains every night time. Ewan ko ba sa tao na 'yon at gustong madilim na madilim sa gabi, at sobrang liwanag naman sa araw. Pero sa tuwing sisilip ako sa mga kurtina at makikita ang city lights, nag re-relapse lang ako.

The city lights here are not as enchanting as they are in the Philippines. Na kahit ba nasa Cavana lang naman kami, iba 'yong citylights scenery, kasi nandoon si Asher. And for sure, that's why the city lights are not as enchanting as they are for me, even here in the UK, because Asher's not with me.

Napatikhim ako sa sarili. I've somehow really become so dependent on him that it still hurts every time I remember how I hurt him when we parted ways. Pinapili ko ba naman kasi kung ako ba o 'yong pamilya, eh. Gaano ako katanga para ipagsangkalan ang sarili ko laban sa pamilya niya, eh pamilya niya 'yon?

My tears feel down again... especially because I know how good they are as a family. Ipagpapalit ba ni Asher ang pamilya niya sa isang selfish na katulad ko? S'yempre, hindi.

"Erickaidence Jayde Yeujen, hindi titigil ang mundo para sa'yo dahil lang tinalikuran ka ng mahal mo." Dahan-dahang hinanap ng mata ko si Lawrd na nasa tapat na naman pala ng kama ko ngayon at naabutan akong nakahiga ulit. Nakasuot na sa kaniya ang jacket na ipangpapatong niya sa sando niya kaya alam kong handa na talaga siyang umalis ng flat.

Marahas kong pinunasan ang luha ko, tuluyan na akong tumayo sa kama, sinuot ko ang tsinelas ko 'saka ako dumiretso sa cr para makagayak na. "Kung makapagsalita ka, parang may alam ka sa buhay ko," pabulong kong sabi na hindi naman nakatakas sa pandinig niya dahil bago pa ako makapasok sa cr, naka-abot na rin siya sa pinto ng kwarto ko.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon