Chapter 29

12 1 0
                                    

Chapter 29: Silence

EJ'

"Have you packed all you need?" Napatingin lahat ng natirang tao sa loob ng meeting room nang sa p'westo ko dumiretso si Sir Lawrd pagkatapos ng meeting.

Akala ko talaga kanina, no'ng dinis-miss niya kami'y aalis na siya, pero ngayong nilapitan ako nito'y napatulala ako.

It's been two weeks since Asher and I had a fight. Kung tutuusin, hindi ko pa naman talaga napipirmahan ang offer sa akin. Balak ko na ngang sabihin kay Sir Harry na humanap na lang ng ibang taong p'wedeng i-recommend kay Sir Lawrd dahil nga parang natauhan ako no'ng nag-away kami ni Asher pero pagka balik ko rito sa Metrial, nagulat na lang akong ina-prubahan na raw pala ni Sir Lawrd ang reccomendation ni Sir Harry, kahit hindi ko pa napipirmahan.

They were all certain that I'd be leaving at the end of this month, even though I hadn't signed the final agreement yet.

Kaya nga siguro lutang ang isip ko at hindi nakasagot ng tama, "Hindi ko naman po kayang i-pack ang buong bahay ko." Kung kaya ko nga lang din imaleta si Asher ginawa ko na sana. Only if I am that selfish...

Kumunot ang noo ni Sir Lawrd sa harap ko. Mas lalo siyang naging mukhang masungit lalo pa no'ng nagsalita na naman ito.

"Do you want your contract to be terminated, Ms. Yeujen?" Sa buong taon ko rito sa Metrial, tatlong beses ko pa lang siyang nakita.

Una no'ng nakasabay ko siya sa elevator, pangalawa 'yong ipinakilala siya ni Sir Harry, at itong pangatlo ay ngayong meeting. Ngayon ko lang din siya natignan nang malapitan. Ang kinis ng mukha ni Sir Lawrd, sa tutuo lang. His eyes are sharp and wide, with just very thin lids on. He has a high nose bridge and a slim nose. He has a rectangular face shape, with fair skin, and he's about 6 feet tall. He seemed a bit familiar, but also not so much.

Tutuo pala 'yong mga komento ng mga ka co-intern ko na he would look sexy and gentle at the same time, but only if he didn't show his usual resting bitch face every time. Kaya para sa akin, he looks more like a fox or a cat, wearing his branded black chrome eyeglasses.

" Sir, sorry. I mean— mag-aayos na po ako ng mga gamit mamaya pagka-uwi."

"Make sure that you have everything you need with you. I don't want a nuisance during the whole time you stay there," aniya at humakbang papalayo sa akin. Inayos ko na rin ulit ang laptop at mga notes na nakalagay pa sa lamesa sa harap ko. Akala ko nakalayo na nang tuluyan sa akin Sir Lawrd, kaya hindi ko na lang napigilan ang sarili ko na mag side comment.

"Bakit kasi ako pa ang sinama niyo, mukhang labag naman sa loob niyo."

"Let me just remind you that Mr. Harry Elonzo recommended you despite being an intern. Now, be honest with me— is he your backer?" Hindi ko napigilang mapasinghap sa sinabi niya. At talagang huminto pa siya sa pagkakabukas ng pinto para lang sabihin 'yan?

"Ano po'ng sabi niyo? " bigay pagkakataon ko sa kan'ya para bawiin ang sinabi, pero hi-nead to foot niya pa ako sa nakakainsultong paraan at 'saka ulit ibinuka ang matabil n'yang bibig.

"Kamag-anak mo ba, o ano?"

Parang biglang nag-init ang pisngi ko sa galit. Lalo pa't may ilang mga intern din na natira sa meeting room na kanina pa kami pinakikinggan at pinagbubulungan.

"Sir, mawalang galang na, pero hindi naman po ako gan'yang babae."

"Hindi 'yon ang sinasabi ko, pero 'yon ang inisip mo. Problema mo na 'yan." Sarkastiko na naman n'yang usal. Feeling ko tuloy ay mapuputol ang ugat ko sa pagpapakalma sa sarili.

Kung bakit ba naman kasi naunang lumabas si Sir Harry, kung nandito siya malamang ipagtatanggol ako no'n dahil may respetado siyang pamilya. Nakakainis lang na ganito ang tingin niya sa akin. Ayaw ko pa naman sa lahat 'yong may nasisirang pamilya, tapos ganito ang ipaparating niya sa akin?

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon