Epilogue

18 1 0
                                    

Epilogue: Aisles of Discrete Time

Asher'

"Ang sutil mo na naman daw sabi ni Ate Shanti!" Malakas na hampas sa likod ang nakuha ko kay Ate Ashauntae nang bumaba ako sa kitchen para kumuha ng tubig. Malaki ang ngisi sa akin ni ate na para bang handang-handa na siyang asarin ako dahil malamang sa malamang, ay higit pa roon ang kwinento ng panganay kong kapatid sa dalawa ko pang ate.

Kaaalis lang din ni Ate Shanti sa bahay para lumuwas na ulit pa Maynila. Hindi talaga ako bumaba hangga't nand'yan pa siya dahil paniguradong papagalitan niya ako nang dahil sa nangyari kanina. Balak ko pa naman sanang ihatid siya sa terminal, kaso nga ay badshot pa ako kay ate.

"Siryoso nga, Ate Shauntae, akala ko talaga bag ni Ate Shanti 'yon." Isang oras na simula no'ng makauwi kami ni Ate Ashanti galing mall, at no'ng mangyari ang pakikipagtalo ko sa isang babae nang dahil sa bag ni ate. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga agad na-realize na binitbit na ni ate ang bag niya, kaya kinuha ko ang kalapit na bag. Kamukhang-kamukha kasi ng bag niya! Kukuhanin ko ba kung hindi, at kung alam kong hindi sa kan'ya 'yon?

Mabilis pa naman mawaglit sa isip ng mga ate ko ang mga gamit nila, kaya sinisigurado ko palaging ako na ang nagsisinop no'n. Malay ko bang mali pala ako sa puntong 'yon.

"Ate said, nakahanap ka ng katapat mo."Tumayo sa pagkakaupo sa high chair ang pangalawa kong kapatid na si Ate Ashuanni, at'saka siya na mismo ang nagsalin ng tubig at iniabot na rin sa akin. Kagaya ni Ate Shauntae, nang-aasar din si Ate Ashuanni, pero sa malumanay na paraan lang.

"Grabe namang katapat, para namang napaka sama kong tao?" Minsan, iniisip ko kung paano ko natagalan ang pagkakaiba, at pagkakaparehas ng mga ugali ng mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid, at ako ang pinaka bunso at nagiisang lalaki. Si Ate Ashanti ang pinaka panganay, at masasabi kong siya ang pinaka malumanay sa kanilang tatlo. Pero may pagka-istrikta ang ate. Idagdag pa na madalas, lagi siyang siryoso sa buhay, kaya kailangan kapag nasa pagkasiryoso siya'y— siryoso rin kami.

Si Ate Ashuanni naman ang pangalawa, minsan malumanay, madalas may pagka-hyper din. Pero hindi naman siya istrikta, straight to the point lang magsalita madalas, pero hindi naman gano'n kay Ate Ashanti na manginginig ka kapag nag siryoso na.

At si Ate Ashauntae ang pinaka hyper sa kanilang lahat. Palaging may energy 'to at parang minsan nga'y kahit malungkot, mataas pa rin ang amats. Kaya nga madalas, lalo na kapag may mga gustong gawin ay hindi ko na rin masabayan ang ate dahil sa sobrang active sa buhay.

Moderator ni Ate Ashanti at Ate Ashauntae si Ate Ashuanni. Madalas kapag may mga panahong sobrang siryoso ni Ate Shanti at hindi makapag siryoso si Ate Sauntae, si Ate Ashuanni na ang pumapagitna sa kanilang dalawa. P'wera na lang kung magsabay-sabay ang topak nilang tatlo, wala akong choice kun'di pumagitan sa kanila.

Pero, gusto ko rin naman 'yon. 'Yong inaalagaan sila at sinasamahan sila sa lahat ng gusto nilang ginagawa. Mahal na mahal ko 'tong tatlo kahit ang pagkakamukha nila ng ugali sa isa't-isa ay 'yong pagiging mapang-asar sa akin dahil 'yon na yata ang pinaka-bonding namin sa isa't-isa.

"I mean, what if that's the person you'll love pala? Theory of the red string of fate, duh?" Tumikhim si Ate Wani at humalukipkip, tinaas niya pa ang kilay niya sa akin na parang napaka obyus ng sinasabi niya at ang hibang ko para hindi 'yon ma-gets ka agad.

Umismid ako kay ate at tatawa-tawang umimik, "Disisyon ka, Ate Wani?"

"Ay, wait, mamaya na kayo magtalo." Biglang umilaw ang mukha ni Ate Shauntae nang may nabasa sa cellphone, kaya imbis na patulan ako ni Ate Wani'y lumapit siya kay Ate para makisilip sa cellphone.

"Hoy, Asher, 'wag kang aalis, ah! Pupunta raw si Lawrd at si Warn dito mamaya. Ihahatid 'yong pinadalang bibingka ni Nanang." Parehas silang natuwa sa nabasang text na siguro ay pinadala lang din kay Ate Ashanti. Sabagay, paborito naman kasi naming lahat ang bibingka ni Nanang.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon