Chapter 2

47 7 0
                                    

Chapter 2: Incidental

EJ'

Sa loob ng ilang buwan na magkakasama kami nina Iya sa dorm— feeling ko mas nakilala ko sila. At mas nakilala ko rin ang sarili ko nang paunti-unti. I am not really sure if I'm feeling home sick but everytime I go home, mas tina-try ko na ngayong kumonekta sa mga tao sa bahay. Dahil hindi ko na sila palagi nakakasama.

Daddy and I even had a deep and casual talk one time. Tinanong niya kung ano'ng iniisip ko patungkol sa set-up ng pamilya namin kaya sinabi ko sakaniya ang tutuo. Sa huli, kahit pa medyo mabigat sa loob ko'y may mga naintindihan naman akong pinunto niya. That's why even if it was quite hard for me to adjust with my step-brother; ginawa ko para kay daddy.

No'ng pumunta uli sila ni Tita Lara rito sa bahay ay nag-usap kami ni Ark. We actually had a lot to talk about lalo pa't kakilala niya rin pala si Bhea at si Iya dati. I can say that— that talk went well. We both adjusted with each other.

And I can freely say that— now, we are currently on good terms. Pamwisit lang talaga si Ark dahil 'Bunso' ang tawag niya sa akin. Mas okay na rin dahil mas natuwa si mommy. Sakaniya kasi, wala namang problema sa pagitan nila ni Tita Lara dahil matagal na silang hiwalay ni daddy at tanggap niya na talaga. Ako lang naman 'tong matigas ang puso na nagmatigas sakanila dati.

Mag-isa akong lumalabas ng campus ngayon dahil nauna ako sa mga ka-blockmate ko na mag-iikot pa raw sa buong PAU. Hindi ko alam kung ano'ng ganap ni Iya ngayon kaya hindi niya ako madaraanan dahil paniguradong hindi niya susunduin sina Ace sa CEUST ngayon at baka pagod pa sa ganap niya kagabi. Kapapatay ko lang din ng tawag sa cellphone. Tumawag sa akin si KC kanina para magreklamo. Pinatawag daw si KC ng prof niya sa office. Pumasok na may hang-over, buti na lang at mabilis na nawala 'yong tama ko kasi parehas kaming nakainom ng pure na lambanog doon sa party kagabi, kung hindi— pati siguro ako na sa Office of the Student Affairs. Lasing na lasing kasi si gaga matapos naming magpunta sa party kagabi dahil may supposed to be gig sana si Iya na hindi natuloy. Puro tawa lang at pangkukutya ang naabot sa akin ni KC kaya ayon, napikon. Pinatay ang tawag.

Ang daming studyanteng papauwi na rin kahit alas dos pa lang. Malaki ang PAU pero parang halos lahat ng nakikita kong mukha ay kakilala ko. Siguro dahil karamihan sa mga studyante no'ng JHS kami sa Dela Vera— dito din ginustong mag-college.

Nag-abang pa muna ako ng tricycle imbis na mag jeep dahil matatagalan pa akong makauwi kung do'n ako sasakay. Traffic kasi lagi sa Crossing. Buti na lang at may tricycle na lumapit sa akin. Tatlo kaming sakay at do'n ako pum'westo sa malapit sa malalabasan.

Pinili kong mag lagay ng earphones sa teinga ko dahil ayokong marinig ang usapan ng katabi ko. Kausap niya ang boyfriend niya at humahagikgik pa ang berat. Tss, magbre-break din naman 'yang mga 'yan! Anong feeling nila? You and me against the world? Sus!

Nailagay ko na ang earphone sa kanang teniga ko nang naka-receive ako ng text galing kay Ark. Nag-play muna ako ng music bago ko iyon binukas. Hay, iba talaga ang hatak ni Taylor Swift sa akin.


From: Kapatid

Bunso, andito na ako sa ASSC. Pauwi ka na ba?


Agad akong napabuntonghininga. Naik'wento niya sa akin minsan na cover din ng ASSC ang scholarship niya. Kung tutuusin, mas mataas pa nga ang passing grade nila bilang scholar kaysa sa amin ni Iya no'ng nag-exam, at mas nauna pa pala silang mga scholar ng ASSC kaysa sa amin. Pero hindi niya kinuha uli ang Third floor ng ASSC.  Pinag-exchange student kasi siya ng Westlerian sa ibang bansa ng isang sem kaya wala siya nitong mga nakaraang buwan. Bumabalik lang minsan dito sa Pinas kapag nagkataon na may laban sa Taekwondo Leagues na ginaganap ata sa Manila.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon