Chapter 22

14 2 0
                                    

ellie_xy Hello! Thank you so much for waiting and supporting my stories. I felt so much loved and appreciated by your message when I knew that you were still waiting for my story's update. Because of that, this chapter is dedicated to you. (Sending hugs!)

Chapter 22: Unfair

EJ'

"Tignan mo nga naman, umalis ng bansa na walang jowa, tapos pagkabalik, taken na!" bungad sa akin ni Kath pagka-pasok ko sa G-meet link na si-nend ni Iya. Ako, si Iya, si Kath at Ace pa lang ang nandito.

Pilyang ngumiti si Ace dahil sa sinabi ni Kath at sinakyan ang sinasabi niya, "Gusto mo ba Kath, mag-ibang bansa ka na rin? Kami na sasagot sa ticket mo."

"Gaga! Baka hindi niyo kayanin, mahal ang ticket sa bansang gusto kong puntahan."

"What if simulan na nating mag paluwagan para kay Kathia?" Naka-upo ako ngayon sa harap ng study table ko dahil ngayon namin lahat sabay-sabay titignan 'yong email na si-nend sa amin ng ASSC. Pagka-uwing pagka-uwi ko pa lang, eto kaagad ang binulabog nila sa akin dahil atat na ring magpa-enroll sina Kathia.

"Sabi na nga ba't hindi rin pasasaan, at sasagutin mo rin si Ash!" I immediately rolled my eyes when Bhea entered the link, ako kaagad ang nakita niya sa screen ng cellphone niya't dinuro pa ako.

"Oo, pinatagal ko lang talaga. Hindi mo kasi ako kasing bold sa buhay, Bheanna," masungit kong sagot sakaniya na ikinasinghap niya.

"Taragis ka, may laman 'yan, ah?"

As usual, even when we're just in the video call— they were all chaotic. Ewan ko ba. Mula high-school hanggang ngayon ang gulo ng mga babaeng ito. Ako lang ata ang nag ma-mature sa amin sa hindi masyadong pagiging galawgaw, eh.

Soon enough, KC also joined the link, making Iya sigh, "Ano na? Buksan na natin 'tong email. Ready na ba lahat?" Tinanguan namin si Iya. Halatang mga kabado kami lalo't patungkol 'to sa scholarship namin, pero halata ko rin na trina-try nila 'yong best nilang ipakita na unbothered sila.

"Naka-open na ang site sa akin," imporma ni Kath. Ready naman na ako. Naka-open sa cellphone ko 'yong portal ng automate sa PAU, tapos sa laptop ko naman nakabukas 'yong gmail.

Kapag kasi in-accept namin 'yong terms and regulations sa email, kung sakali mang scholar pa rin kami— kailangan lumabas kaagad sa portal namin sa automate na scholar kami under ASSC.

It took us a minute before we finally opened the email at the same time. Ang bilis nag-load ng email na kaagad ko tuloy nakita ang resulta. Nangingiti na ako nang marinig kong nagtititili sina Kath, pero napansin kong nakatulala lang sa screen si KC kaya mas inintindi ko siya.

"Huy, KC? Okay ka lang?" Parang biglang natauhan si KC at kinamot ang bandang kaliwang kilay niya.

"Ano, besh... mabagal lang 'yong internet dito sa amin."

"Ahh, sige. Gusto mo ako na mag bukas ng sa'yo?" Alam ko naman kasi ang password ng email niya. Ako kaya ang gumawa no'n no'ng high school pa kami. Hindi naman niya binago, kasi hindi ko naman pinapakialaman.

I noticed that she trembled a bit but still managed to force a smile, "H-hindi! Ako na!"

Sa pagkakataong 'yon, I also heard Iya hissing on the side, kaya si Ace naman ang pumansin sakaniya, "Iya? KC? May problema ba?" Umiling si Iya at umismid, "Wala. Eligible pa rin naman ako bilang scholar."

Expected na namin 'yon kay Iya kaya mas binalingan ko ng pansin si KC na hanggang ngayon ay halata kong hindi maipinta ang mukha. Sinabihan niya kami kaagad na pumasa pa rin naman daw siya kaya nakahinga na nang maluwag sina Kathia. Ako lang ata ang hindi dahil kabisadong-kabisado ko si KC.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon