Chapter 35

13 1 0
                                    

Chapter 35: Gold-Rushed Memories

EJ'

Parehas kaming naka-upo ni Claire sa sofa ng apartment nila ni Ark. Siya lang ang naabutan ko rito dahil nasa trabaho pa raw talaga si Kuya. Samantalang day off niya naman kaya naabutan ko rin siya. "Kaya ka na mro-mroblema ngayon, gano'n ba?"

"Oo, gano'n na nga." Nai'wento ko na kay Claire ang nangyari kanina't parang natatawa lang siyang pakinggan ang lahat ng sinasabi ko imbis na damayan ako sa prinoproblema.

"So, ano'ng gagawin mo?"

"Mas madaling kausapin si Asher, kesa maging CEO ng kumpanya, Claire, alam mo 'yan." Hindi ko alam kung ano'ng naisip ni Lawrd at nailista niya sa utak niyang gawin akong CEO ng kumpanya niya gayong bagong-bagong gagawin pa lang ito. Ano sa tingin niya, kaya kong palaguin 'yon? Hindi ako kasing utak niya, no!

"Eh akala ko ba, hindi ka na magpapakita kahit kailan kay Asher? Sabi mo pa nga, 'wag ka na naming mabanggit-banggit sa kan'ya dahil gusto mong hindi ka na niya maalala, kasi sabi mo— nahihiya ka sa kan'ya?" Maloko ang tono ng pananalita ni Claire. Halata sa kan'ya na tinitignan niya kung hanggang saan ang kakayanin ng pasensya ko sa pang-aasar niya sa akin kaya iwinaksi ko muna sa isip ko ang selos, mga tanong, at iba pang pansariling nararamdaman dahil mas maganda yata kung iisipin ko muna kung paano ko isasalba ang sarili ko sa plano ni Lawrd, dahil mas ikakamatay ko yata 'yon.

"Iba naman na ngayon Claire, ikakasal na siya— meaning, okay na siya. Naka-move on na siya sa akin. Tapos kitang-kita naman na umunlad talaga ng sobra 'yong buhay niya. Ibig sabihin, tama 'yong didisyon niya sa buhay. Hindi naman siguro kasalanan kung gusto kong tulungan si Lawrd, sila ang nagpaaral sa akin sa masters at—"

"Okay-okay. Get's ko na. May utang ng loob ka kay Lawrd, sige. Gusto mong isalba ang sarili mo, sige. Ikaw ang bahala! Doon pa rin naman nagtratrabaho si Lawrd sa La Maximoff, punta kang Pampanga kung disisido ka talagang puntahan siya. 'Yon ay, kung kaya mo ba talaga o nagtatapang-tapangan ka lang?" Hindi na pang-aasar 'yon. Mas pagbabanta na nga sa akin 'yon ngayong kaya bigla akong nagdalawang isip na pumunta mag-isa.

Mas mabuti sigurong may kasama ako, pero hindi ko naman maaasahan si Lawrd dahil wala sa option niya na kausapin ang fiance ni Emerald. Sinabi niya na 'yon sa akin kanina, kaya nga ipinag gigitgitan niyang maging CEO ako ng kumpanya na parang ang dali-dali lang no'n gawin.

"Ahh, oo nga pala... sa huling balita ko kay Asher mas madalas siya ngayon sa Cavana. May maliit na opisina sila malapit sa Westlerian, may project kasi sila roon."

"'Di mo ako ihahatid?"

"Hindi." ngumiwi ako kaagad ng umiling si Claire at basta na lang akong iniwan sa upuan para makapag handa na ng pagkain para sa amin. Dito niya rin muna ako pinatulog dahil naka-lock at nakay Ark ang susi ng dati kong apartment na si Hani na ngayon ang gumagamit. Kaso wala rin naman siya dahil bakasyon na nila. Supposedly, graduate na si Hani this year, pero dahil may mga hindi siya kinuhang unit noong 3rd year, may isang taon pa siya sa college.

Bigla ko tuloy gustong umuwi sa Cavana kasi andoon sila ni Kali. Na-miss ko naman si Claire, pero gusto ko ring puntahan sina Daddy at Tita Lara. Kaso kung hihintayin ko pang matapos lahat ng ginagawa at responsibilidad ni Ark, aabutin ako nang s'yam-s'yam dito sa Maynila kaya mukhang mauuna na talaga ako roon.


🌻


Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maagang gumayak si Claire para sa trabaho. Ako ang naiwang mag-isa kaya bago umalis, nag-linis ako ng buong apartment nila. I-kino-nect ko sa Bluetooth ang phone ko't nagpatugtog para sana ganahan akong maglinis. No'ng una'y ang mga favorite kong upbeat na k-pop songs ang nag ple-play hanggang sa nag switch yata ang algorithm kay Taylor Swift at nag-play na lang bigla ang 'Cornelia Street' sobrang mahal ko si Taylor Swift, believe me. Pero sa araw na ito'y ayaw ko munang mapakinggan ang kanta na 'yon, kaya nilipat ko ang kanta sa ibang playlist na wala si Taylor Swift.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon