Chapter 21

14 2 0
                                    

Chapter 21: Pahi

EJ'

Inilayo ko kaagad kay Asher ang kape na in-order ko at mas inilapit sakaniya ang iced chocolate creme, pero mas una pa ring inabot ng kamay niya ang kape ko kahit nakita niya na rin kanina na sinimsiman ko 'yong cup. Lagi niya talagang ginagawa 'yon— 'yong nakikihati sa kape ko.

"Eto'y sa'yo. Akin 'yan." Binawi ko ang cup ng kape na hawak niya at ipinalit ang cup ng iced choco roon.

Umismid siya sa akin at lumabi pa, "Akala ko share your blessings and love thy neighbors?"

Pinilit kong pasiryosohin ang mukha kahit natatawa ako sa dahilan niya. Umupo na rin ako sa upuan na nasa pagitan ng bilog na table ng cafe.

"Acidic ka. H'wag kang makulit."

Katatapos lang nilang tatlo nina Claire sa semi finals ng leagues at lahat 'yon ay pinanuod namin ni mommy. Vini-video call ko rin si Tatang kapag laban ni Asher para live niyang mapapanuod ang laban ng apo niya.

Kagabi nga lang med'yo nagka-foul sa pagitan nilang magkalaban. Hindi pala kasi naisuot ni Asher nang maayos ang head gear niya kaya naalis 'yon no'ng tumilapon siya pabagsak. Ayan at may bukol tuloy sa bandang ulo niya.

Hindi na rin itinuloy 'yong laban nila at considered won by default ito nang napatunayang against the rules ang ginawa ng opponent niya kaya nagkagano'n.

Sinipa kasi niya si Asher nang directly mismo sa mukha, dumaplis 'yon nang onti pero nagawa niya namang sanggahin gamit ang dalawang braso niya kaya natumba siya.

He even tried to swiftly comb his hair in a slick back manner, pero nasagi niya pa ata 'yong bukol niya kaya napa-aray at napabitaw rin siya kaagad sa buhok.

"Patingin nga. Masakit ba?" Tumayo ako para silipin sana 'yong sugat niya. Hahawakan ko pa lang ang buhok ni Asher pero pinigilan niya ang kamay ko. Marahan niyang hinawakan ang pulso ko at hinila ako papalapit kaya halos magkapantay na ang mukha namin kahit nakatayo ako't naka-upo siya.

"Kiss mo nga." Mabilis kong sinilip si mommy, Ark at Claire na nasa gilid lang din ng table namin. Nag-aya kasi si Ark na kumain sa restaurant ng hotel na pinag-ste-stay-an nila. Nasa kabilang table silang tatlo dahil pinilit ni mommy na dito kami umupo ni Ash sa kabilang table. Busy rin sila sa pakikipag-usap sa isa't-isa kaya binalik ko na ang baling kay Ash nang masigurado na hindi nila kami iniintindi.

"Nakita mo ba 'yon? 'Yong ginawa ko kagabi? Astig no?" aniya patungkol sa laban niya kagabi.

I simply smirked at him and showed him my sarcastic reaction, "Oo ang galing mo nga, eh. Sa sobrang astig mo— ayan at may bukol ka," pang-aasar ko sakaniya at umupo na ulit sa upuan ko pabalik.

"EJ, si Daddy." Asher somehow pouted in a manly manner, may sasabihin pa yata siya sa akin pero hindi na natuloy dahil lumapit si Ark at iniabot sa akin ang cellphone.

"Ddy!" Naka-video call 'yon kaya lumipat na rin ako ng upuan sa tabi ni Asher para makita siya ni daddy.

"Oh? Kumusta 'yong laban?"Alam kong ako ang kinakausap ni daddy, pero hinayaan ko na si Asher na sumagot sakaniya para naman magka-usap sila. Gabi-gabi ko naman kasing kausap si daddy dahil walang palya siyang tumatawag sa akin.

"Okay naman, Tito. Panalo ulit. Finals na po sa isang araw." Nagbilin si daddy sakaniya at sa amin na mag-ingat palagi. Binilinan din kaming dalawa ni daddy na kung sakali mang may pupuntahan kaming dalawa'y magsabi pa rin daw sakaniya nang mapalagay ang loob niya. Which is something I think would not happen since mommy's making sure that in every little step we do— she'll be there.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon