Chapter 34

15 1 0
                                    

Chapter 34: Favor

EJ'

Katatapos ko lang mag-work out nang biglang pumasok si Lawrd sa kwarto ko at walang paligoy-ligoy na nagtanong, "Are you already done with your course for this semester?"

"Oo, isipin mo natapos ko'y unang taon ng masters? Isang taon na lang tapos uuwi na ako!" Kaya nga ako napa-work out kanina kasi na-motivate ako. Biruin mo na-survive ko 'yong isang taon ng nag-aaral at ng may trabaho at training, kaya ko pala.

At mas higit sa lahat, kaya ko pala talagang tiisin si Lawrd lalo na't kahit papaano, nagbago siya. Although minsan nagsusungit pa rin siya sa akin, pero nakita ko kung gaano kami naging open sa isa't-isa. Siryoso, para ko na siyang tropa, kaya hindi na rin ako nag-aalangan sa kan'ya dahil sa kan'ya na rin nanggaling na ako lang ang kaibigan na mayroon siya sa phase ng buhay niya na 'to.

Nakaka-proud lang din isipin na unti-unting nalagpasan ni Lawrd 'yong trauma niya kapag nand'yan si Ma'am Shallon. Kung dati lagi niyang iniiwasan o 'di kaya'y nababalisa siya kapag nasa paligid si Ma'am— ngayon parang halos wala na lang sa kan'ya ang presensya ni Ma'am Shallon.

Nagulat nga rin ang lahat sa Metrios sa laki nang adjustment sa ugali ni Lawrd sa mga babae. Kung dati iniiwasan, dine-deadma o 'di kaya nagsusungit siya, ngayon casual lang siya at makakausap na ng matino kahit hindi matino ang sagot mo sa kan'ya.

That is why the past few months have been very bearable for both of us since we're both improving. I also decided to cut my hair a bit shorter than the usual length but not too much. Only 4-5 inches were cut off, and guess who came with me to the salon? The Great Highness himself, Lawrd Avantir.

Who would've even thought that we'd be better with each other and that we'd be friends like this? 'Yong tipon ng pagkakaibigan na umabot na na kahit mag-itsahan kami ng gamit ni Lawrd, walang kaso kahit boss ko pa siya.

"P'wede namang umuwi muna tayo, may isang buwan namang vacant bago ka mag-second year. Let's just go back here after a month," suhestyon niya bago isinandal ang balikat sa bisagra ng pinto. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi, "Huh? Hindi ka magpapaiwan sa Pilipinas?"

Bakit babalik pa siya, eh tapos naman na niya ang PhD niya? To be honest, sobrang na-a-amaze ako sa taong 'to. Kung hindi pa nga siya nag kuk'wento, baka hindi pa ako makapaniwala na nakatapos siya sa PhD sa ganitong edad.

Lawrd's just in his mid-twenties; dalawang taon lang ang tanda niya sa akin, pero ang dami na niyang narating sa buhay. Dito sila nag-aral ng elementary ng kuya niya. Grade 4 pa lang, na-accelerate na siya ng Grade 6, kaya halos kasabayan niya lang ang Kuya Warn niya. Grade 6 niya rin nakilala si Ms.Shallon. Naging magkaibigan sila hanggang Grade 10. Isang linggo na lang bago matapos ang junior high school ng nangyari 'yong pang-aakusa ni Ms. Shallon sa kaniya, kaya napunta siya sa intervention program. At no'ng makalabas siya, tapos na ng senior high school ang kuya niya sa UK, kaya nang lumipat sila sa Pilipinas, sabay lang silang nag-first year college. Hindi kasi siya inabutan ng senior high school sa Pinas. He finished his Bachelor of Science in Business Administration with a major in Financial Management within just a span of three years. Tri-mester niya lang tinapos, kaya mas naunahan niya pang gru-maduate ang kuya niya.

He also pursued a two year masters degree in Accounting and Financial Management, at hindi pa siya tumigil dahil pagkatapos no'n, dumiretso kaagad siyang kumuha ng hybrid 4 year PhD course under Doctor of Philosophy (PhD) Banking & Finance dito sa UK na tinapos niya nitong buwan na 'to. Noong nakaraang buwan niya natapos ang thesis niya, kaya no'ng nakaraang linggo'y opisiyal na siyang may PhD.

He did all of that all throughout his life, while also training under his father's bank company. Kung tutuusin, kung ako si Lawrd? College pa lang naghihingalo na ako, but he pursued all of that because his brother loves photography rather than finance, business, and accounting. But, I guess, studying also became his outlet to escape the trauma he had faced since Miss Shallon's accusation happened and since his mother got sick.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon