Chapter 28

12 1 0
                                    

Chapter 28: Priority

EJ'

"OMG, Ate! Sabi na familiar siya, eh!" Gulat kong tinignan si Hani na nakatutok naman sa cellphone, pero kung nakahampas sa balikat ko, eh akalam mong nanghihingi ng tulong.

"Sino ba?" Pabalang ko siyang binawal sa paghampas sa akin, pero literal na nahulog naman ako sa sofa nang bigla niya naman akong sinipa.

"Siya 'yon!" hiyaw niya sabay baba na rin sa sofa para tabihan ako sa lapag.

"Sino ba?!" irita kong tano'ng.

"Si Ms. Emerald. Siya 'yong tita no'ng kaklase ko sa F.E.U. Tignan mo, oh?" Tinuro-turo niya pa sa akin 'yong cellphone niya na nakalagay ngayon sa isang profile sa IG.

Pinindot niya ang isang picture kung saan may katabing babae si Emerald. Naka type- A uniform ng F.E.U 'yong babae na siguro kaklase nga ni Hani. Samantalang si Emerald naman ay eleganteng nakatayo sa gilid ng pamangkin niya, naka tube fitted black mini dress siya na may malaking puting ribbon sa bandang dibdib kaya kitang-kita ang collarbone niya.

Naka diamond necklace rin siya at ang buhok niyang maikli ay eleganteng naka tali sa likod niya, at dahil nga hanggang leeg lang ang buhok niya, medyo nakaspike-'yon sa pagkakatali na mas nakadagdag ng style sa ayos niya.

"Bakit kaya siya nasa La Maximoff, kung Tejero naman pala siya?"Rinig na rinig ko ang mga side comments ni Hani, nagpatuloy pa 'yon no'ng ang cellphone ko naman ang napansin niya.


Esme.Tejero wants to follow you.


"Uy, ate, finollow ka?" Walang pakundangang pinindot ni Hani ang cellphone ko, hindi naman niya in-accept ang follow request, pero pinuntahan niya ang profile ni Emerald.

May 60 posts doon, at nasa 8.6K ang followers niya, pero apat lang ang fina-follow, Tatlong Tejerong account tapos ang kay Asher.

"Pahi..." aligaga at kinakabahan na tinago ni Hani ang cellphone no'ng lumabas si Asher sa kwarto namin ni Hani. Nagiinat siyang lumapit sa salas habang nagkunwari namang naglilinis ng kuko sa papa si Hani, kahit wala naman siyang gamit panglinis do'n.

Naiiling ko na lang tuloy siyang iniwan sa sahig para lapitan si Asher na kaagad na yumakap sa akin.

"Hang-over?" Umiling siya sa akin. Dinukdok niya ang mukha niya sa leeg ko at mas hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin. Pabulong siyang nagsasalita, pero sapat pa rin naman para marinig ko lang, "Tumawag ba sina Ate?"

"Nag-text ako kay Ate Tey kanina. 'Wag ka raw mag-alala, stable si Tatay." He simply nodded his head as he was already starting to leave marks on my neck, but then he stopped when Hani started bugging us again.

"Kuya, may nakakalimutan ka yata?" hindi ko nakikita si Hani dahil nakatalikod ako sa kan'ya, pero inangat naman ni Asher ang ulo niya para matignan ang pinsan kong usasera.

"Ano?" walang ideyang rinig kong sagot ni Asher. He started carving my waist, or maybe trying to distract me from something else.

"KUYA?! Siryoso ba?" Simply maybe, from Hani's overrated self-proclaimed 'lovely' voice.

"Ano ba 'yon?" an'ya pa kay Hani na siguradong OA nang umaarte sa harap niya. Kung nakikita ko lang talaga si Thaneea, baka binatukan ko na, eh.

"Hala, grabe. Hindi ko sasabihin sa'yo. Bahala ka, kuya." Pigil na humagikgik si Asher, ramdam ko 'yon dahil nga hindi naman siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin kaya para matigil na silang dalawa sa trip nila'y tinapik ko na ang balikat ni Asher para makapunta sa gawing kusina ng apartment para mapaghanda na rin siya ng pagkain.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon