Chapter 39

17 1 0
                                    

( ⚠️; Please be aware that this chapter covers sensitive topics such as physical abuse, emotional abuse, and depression. If you find these topics distressing, I encourage you to skip this chapter and prioritize your mental well-being, my genuine.)

Chapter 39: Justice

EJ'

"Hani, bakit hindi mo sinabi sa akin, o sa amin?" Hawak-hawak ko ang kamay ni Hani habang nakadukdok siya sa lamesa kung saan kanina pa siya umiiyak.

Si KC at si Ace na ang nag-asikaso sa kaniya kanina na ibalik at ihatid sa hotel room, kaya dito kaagad ako dumiretso nang ma-i-clear ng mga police na ligtas na ang lugar. Mabuti na lang at walang kasama 'yong lalaki kanina.

Sumunod kaagad si Claire sa hotel at siya na mismo ang nagpaliwanag sa akin ng lahat habang tinutulungan ni KC at ni Ace si Hani na mag-ayos at magbihis ng komportable.

Sa salas ako pinaupo ni Claire at pinainom muna ng isang bagong tubig bago niya sinabi sa akin ang lahat.

Sa pagkakak'wento ni Claire at pagkakaimbistiga raw nina Iya, stalker na raw pala ni Hani 'yong Ruiz na 'yon mula Junior High School. Siya pala 'yong lalaking add nang add at gawa nang gawa ng social media accounts para i-add si Hani, pero pagi naman niyang blina-block at ang weird nga raw.

Naalala ko na minsan napag-usapan namin 'to ni Hani no'ng high school pa lang siya kaya nakumpirma kong siya nga 'yon.

Simula raw junior high school hanggang senior high school ay palaging sinusundan no'ng lalaki si Hani. Siya rin pala 'yong palaging nagbibigay ng bulaklak kay Hani buwan-buwan, pero dahil nga mas gusto ni Hani ang isang kaibigan na babae'y binabalewala niya lang si Ruiz.

Hindi naman daw gano'n nakakaalarma 'yong mga ginagawa no'ng lalaki dahil parang isang manliligaw lang na pursigido talagang mapasagot ang babae pero no'ng malapit na nga raw mag college si Hani ay palagi na lang siya nitong pinapadalhan ng kung ano-anong nakaka-alarmang mensahe o bigla na lang susulpot sa tabi niya para bantaan o paalalahanan siyang isang araw ay pipiliin din siya ni Hani.

Kaya rin pala napagdisisyunan ni Hani na sa FEU na mag-aral ng college. She doesn't feel safe in Cavana anymore. Maayos naman ang lahat. Alam ko 'yon dahil magkasama kami sa apartment. Nawalan na lang naman ako ng sa mag-third year siya, 'yon na 'yong nakaalis na ako ng bansa. Bigla na lang daw ulit sumulpot si Ruiz at palagi pa siyang inaabangan sa labas ng FEU at nag alok na gawing hatid sundo.

Kaya nga dumating pa sa punto na sa mismong apartment ni Ark at ni Claire tumutuloy si Hani. Pinakiusapan din ni Hani si Claire at Ark na 'wag na lang banggitin sa akin dahil alam daw niyang kagagaling ko lang sa break-up at ayaw niyang pati siya'y isipin ko pa.

I guess the hardest part is listening to Claire about the next things that happened during Hani's third year in college. Nag thi-thesis daw siya kasama ang mga ka-groupmate niya sa condo ng kaklase niya at inabot na ng hating gabi.

He texted Ark to fetch her, but Ark was apparently out of town because of a project, so Kuya told her to wait for him since he'd be running a little bit late. Kaso nauna na raw na bumaba si Hani at sa labas na ng condo nag-hintay para kay Ark.

"Nahihiya at natatakot ako, ate. Sina Kuya Asher lang talaga ang pinagsabihan ko ng lahat dahil sila ang nakakita sa akin no'ng mga panahon na 'yon kaya gano'n," aniya habang humihikbi. Siguro'y dahil bumabalik na naman sa sisip niya kung ano'ng nangyari sa oanahon na 'yon at hanggang ngayon ay mahirap 'yon para sa kan'ya.

Base kasi sa k'wento ni Hani kay Claire, may huminto raw na sasakyan sa harap niya at bigla na lang siyang nawalan ng malay ng parang may panyo na naitakip sa ilong niya.

Hani woke up in a dark apartment-like room. Walang tao, kaya agad niyang tinawagan si Ark, pero busy ang number— apparently, Ark was calling Claire at that time. Tinatanong daw kung tinawagan ba siya ni Hani dahil hindi na niya mahanap si Hani no'ng dumating siya sa condo'ng pagsusunduan.

Kaya si Asher ang tinawagan ni Hani. Kasasagot lang daw ng Kuya Asher niya ang tawag no'ng biglang may bumukas na pinto at inilabas si Ruiz na parang kahihithit lang ng ipinagnabawal na gamot.

Natakot raw si Hani, kaya naibagsak ang cellphone, gladly, it fell upside down. That's why Ruiz did not see it as soon as he entered the room.

I was already sobbing so much when Claire told me that Asher heard the whole thing. According to Claire, Asher heard how Ruiz treated my cousin so badly and dirtyly that all you could hear was her begging, sobbing, and screaming.

Walang ano-anong nag drive si Asher papuntang Manila, na kahit hindi niya alam kung saan hahanapin si Hani, buong magdamag siyang bumyahe.

Hindi niya pinatay ang tawag, kaya na-text niya lang si Ark at nasabihan sa kung ano'ng nangyayari. Parehas silang naghanap at tumawag ng tulong buong gabi.

At kahit pa sobrang nangagalaiti at nagagalit na si Asher sa mga naririnig, tinibayan niya ang sikmura niya para lang masiguradong mahahanap niya at mai-uuwing buhay si Hani.

It went on for two hours when they thought—Ruiz saw the phone on the floor. Nataranta raw no'ng nakita kung gaano kahaba ang tawag, kaya pinatay niya muna ang cellphone bago tumakas at iniwan si Hani sa lugar na 'yon.

Hindi ko rin alam kung paano nila nahagilap si Kathia, pero base sa sinabi ni Claire, si Kathia raw ang naging dahilan kung paano nila na-trace ang kinalalagyan ni Hani.

Asher was the first one who arrived there and took care of my cousin as he brought her to the hospital. Ark and Claire did everything so that the police would not easily drop the case, but Ruiz is nowhere to be found.

Dalawang araw rin ang lumipas bago nagising si Hani at saktong araw 'yon no'ng lumabas ang mga resulta sa mga test na ginawa sa kan'ya. Nagmakaawa pa nga raw si Hani sa kanilang tatlo na walang pagsasabihang kahit na sino no'ng nakumpirma nila sa doktor na may masama ngang ginawa sa kan'ya si Ruiz.

Once again, Ark was going back and forth from Pampanga to Manila just to make sure that Hani was well treated every time and to also make sure that the case that they filed against Ruiz was progressing.

Na kaya pala kinailangan pa alagang mag fifth year ni Hani ay hindi dahil sa may mga naiwan siyang subjects, pero dahil pinahinto muna siya sa pag-aaral ni Claire no'ng nalamang dalawang buwan na siyang buntis.

Hani was also depressed at that time, so studying would not help her at all, especially since it was already the hardest year of her college years. Kung ano-ano na ang naiisip ni Hani at sobra na siyang naaapektuhan nang dahil sa nangyari at isa si Dart sa tumulong sa kan'yang makahanap ng magaling na psychiatrist at guidance community.

'Yon daw 'yong mga panahon na hindi ko matawagan si Hani dahil iniiwasan niyang makausap ako.

And all the while, Asher, Ark, Claire, and Dart were busy with their careers. They made sure that they were there all throughout to take care of my cousin. And of course, Iya had her own way of knowing about this issue. That's why Iya made sure that she used her growing connections to find the best attorney to take care of the case if the police ever found Ruiz.

Na kaya pala nauwi si Iya sa law firm na pinagtratrabahuhan niya ngayon ay dahil sa ang isang attorney roon ang hiningan niya ng pabor na kuhanin ang case para kay Hani at ang kapalit ay doon siya magtrabaho kapag nakapasa na sa bar exam.

Kathia also made sure that she was hands-on by tracking Ruiz. Si Kathia ang nag retrieve ng lahat ng messages na si-nend ni Ruiz kay Hani sa lahat ng account na nagawa niya. Ilang taon ding hinanap at binantayan ni Kathia si Ruiz para lang masiguradong nasa Pilipinas pa ito, dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakatakas daw si Ruiz sa kasalanang ginawa niya.

May lakas ng loob pa raw, kasi itong nagpakita kay Hani sa labas ng psychiatrist clinic. Hindi naman daw niya nilapitan si Hani o ano pero sa takot ni Hani ay na-stress ito at nakunan sa mismong araw na rin na 'yon kaya simula no'n at hindi na tinantanan ni Kathia si Ruiz para lang masiguradong hindi na ulit makakatakas.

Kaya no'ng medyo umayos at nakabalik na sa pag-aaral si Hani— walang palya nilang sinigurado na palaging ligtas ang pinsan ko. Si Asher na rin ang nag-offer sa kan'ya na sa Mendler Engineering Company sa Pampanga na mag-intern at magtrabaho, kaya doon na rin siya lumipat no'ng makatapos.

Hani lived with KC, dahil si KC ang pinakamalapit na kakilala ni Asher na isa pang pinagkakatiwalaan niya at alam nilang pagkakatiwalaan ko rin. All this time, Hani and KC were with each other.


It took them years. Years of making sure that my cousin would have justice while they made sure that they were fixing her life and that she had a better life ahead of her.

Kaya no'ng na-trace ni Kathia at nakumpirma sa imbestigasyon nina Iya na nasa Taguig si Ruiz. Doon na sila nagsimulang magplano kung paano ito mapapasuko.

"Pasensya na ate. Hindi ko gustong saktan ka. Pero naka-ayon kasi lahat ng ito sa planong ginawa nina Kuya Asher para mapalabas sa pagtatago at mahuli si Ruiz. Pasensya na ate. Hindi ko gustong—"

"Hani, naiintindihan ko. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan okay? Pasensya ka na at wala ako no'ng mga panahon na sobrang kailangan mo ng makakasama..." alo ko sa kan'ya dahil ngayon niya na lang nakuha ang pagkakataon na manghingi ng tawad sa akin at magpaliwanag.

Hindi ko naman na kailangan ng magpapasensya sa akin para sa lahat ng ito dahil sobrang naiintindihan ko. At sobrang laki ng utang ng loob ko sa kanilang lahat ng dahil sa ginawa nila kay Hani kaya ang ilang linggong pag-iyak ko dahil sa pag-aakalang tutuo ang lahat ng ito ay wala na sa akin ngayon dahil ang mas mahalaga ay 'yong masigurado naming lahat na makukulong talaga si Ruiz.

Base sa napag-usapang plano — kinumpirma ni Kathia kay Hani kung ano ang lebel ng pagkaka-obsessed ni Ruiz sa kan'ya at nasabi nga niyang sumosobra ito dahil minsan na siya nitong pinagbantaan na hindi pup'wedeng magpakasal sa iba o pumili ng ibang tao bukod sa kan'ya dahil hindi raw ito makakapayag.

Kaya doon nagsimula ang plano nila para sa kasal na ito.

It was Kathia and Iya's idea, as per Dart's approval. Base raw kasi sa gawi ng pag-iisip ni Ruiz, malaki ang pursyentong ma tritrigger ito na magpakita ulit at mahuli kung sakali.

Kaya pala ilang buwan ding plinano ni Kathia kung paano ma se-set-up si Ruiz. Siya ang nagpadala rito ng softcopy ng wedding invitation ni Hani at ni Ark.

No'n na lang din nalaman ni Ace at ni Bhea ang plano, no'ng umagree na ang lahat sa gagawin.

And they were all busy polishing the setup, making sure that there was no room for mistakes because it was a one-shot deal.

Na kaya pala hindi talaga nila sinabi sa akin o sa kahit na sinong m'yembro ng pamilya namin dahil ganito na pala kabigat ang lahat. Alam naman ng pamilya ni Asher, at lahat sila'y tumulong sa plano.

Hindi rin daw talaga p'wedeng saigin sa akin dahil napansin ni Kathia na imbis na si Hani ay ako na pala ang minamatyagan ni Ruiz no'ng mga nakaraan. Siguro dahil sinisigurado niya kung turuo ba ang kasal o set-up lang. and I guess my every break down session with Lawrd helped since he was convinced that everything was indeed real, just like I also thought it to be.

Kasalukuyan nang inaayos ng lahat ang kaso. Na pati ang pamilya ni Asher ang nagsisilbing kaagay sa side ng pamilya namin para ipaliwanag din sa lahat ang nangyari. Lalo na kay tita na paniguradong nasasaktan ngayon dahil sa sinapit ng anak.

And believe me... This hurt me so much, but I felt relieved knowing that justice was finally served for my dear cousin.


"Ate... 'wag ka sanang magagalit kahit kanino sa kanila dahil ako ang humiling na 'wag sabihin kahit kanino sa pamilya natin. 'Wag kang magtampo kay Kuya Asher dahil tinupad lang ni kuya ang pangako niya. Ate hindi ako pinabayaan ni Kuya. Nand'yan siya palagi at ginagabayan ako. Ate hindi ako pinabayaan ni Kuya."

Yinakap ko nang mahigpit ang pinsan ko at pinakalma. Parang ayaw ko na ngang umalis sa tabi niya at yakapin na lang siya hanggang malinis ko nalaht ang maruming nagawa sa kan'yang ng lalaking iyon, pero nandito na rin naman kasi.



Nagtagumpay sila sa plano at alam kong sisiguraduhin nilang lahat na mabubulok sa kulungan ang lalaki na 'yon kahit gaano pa kakurap at karumi ang patakaran ng batas dito sa Pilipinas.


🌻



That day ended with tears from me and, of course, my family. Especially Tita, Mommy, and Lola, who felt the most bad for Hani.

Kaya hindi na rin ako nagpasundo kay Lawrd at tinabihan na lang si Hani sa pagtulog hanggang sa kinabukasan.

I also asked Mia to clear my schedule for the day so I could talk to Iya about the case since she's already handling Hani's case. At ang dating attorney na hiningan niya ng pabor ay ang magiging judge ng kaso. Hindi naman daw magiging problema, 'yon dahil halos lahat ng ebendensya ay nagtuturo kay Ruiz sa kasamaang ginawa niya sa pinsan ko.

But still, I want to know how and for how many years Ruiz will face the consequences of what he did to Hani.

"That's how much Asher loves you, EJ. And I don't think he will ever unlove you," Iya confidently said as he finished everything she said, with the same details Claire had spoken to me yesterday.

Ngayon, siguro mas ine-emphasize lang ni Iya na si Asher talaga ang oinaka naging puning abala sa pag aasikaso ng lahat ng ito—at sinasabi niyang dahil 'yon sa mahal ako ni Asher.

Pero hindi. Sa tingin ko ay dahil siya ang huling tinawagan ni Hani no'ng gabing 'yon kaya naramdaman niyang responsable siya para sa pinsan ko at sobrang nagpapasalamat ako sa ginawa niya dahil nakabawi si Hani sa buhay ng dahil sa tulong niya.

Isipin mo, busy siyang buuin ang mga oinangako niya kay Tatay pero binigyan niya ng maraming oras ang pinsan ko pero hindi naman tungkol sa amin ni Asher ang ipinunta ko rito ngayon kaya iniba ko na lang ang punto ng usapan.

"Salamat Iya, hindi ko alam na ilang taon niyo nang inaasikaso ni Dart 'tong kasong 'to." Iya smiled at me for a moment. Naka-formal attire siya dahil kagagaling niya lang daw sa korte, at pinuntahan kaagad ako para masagot ang kahit na anong tanong ko patungkol sa kaso.

Humigop siya sa matcha latte niya bago ako sinagot.

"Hani's like a sister to me already, alam mo 'yan. Kapatid ko kayong lahat kaya hindi ko kayo papabayaan." Ang sarap talagang isipin na kahit ilang taon ang lumipas— at kung ano man ang nangyari sa amin dati, ganito pa rin ang naiisip at itinuturing niya sa amin.

Bihirang magkaroon ng kaibigang ganito. Na kahit ilang taon kayong mag-usap ay hindi magbabago ang tingin at pakikitungo sa'yo.

"Ahh, nga pala... nag de-declutter ako no'ng nakaraan no'ng nakita ko 'to." May inilabas siyang brown paperbag at itinulak iyon papunta sa akin kaya sinilip ko ito.

"Mga letter 'yan ni Asher, sinulat niya 'yan habang nasa ibang bansa ka." Maraming papel ang nakalagay sa medyo malaking paperbag. Halos mapuno na nga 'yon.

"Lahat 'to?" Natawa si Iya at tumango.

"Araw-araw s'yang sumusulat sa'yo, EJ. Tapos lulukutin niya lang o itatapon kaya pinupulot ko." Hmm, for her to do these things... she was with Asher all these years...

Balak ko na sanang bilangin kung ilan 'yon, kaso nagabot ng panibangong papel na nakatiklop si Iya.

"And also, he wrote this song for you." Mabilis kong binuklat ang papel at binasa ang lyrics ng kanta, kaya naging pamilyar sa akin ang mga lin'yang narinig ko na kay Asher dati.

"He only stopped writing letters for you when he saw you in the UK," kwento niya para pukawin ulit ang atens'yon ko.

"May project siya noon, no'ng nakita ka niya sa park kasama si Lawrd. He said that it's already time to let you go... because he saw in your eyes that you're already in love and ready to love again."

Hmm... Isn't that a bit contradictory to what I believed in the past few years?

"Ano'ng ibig niyang sabihin? Eh, sa buong taon na mga lumipas siya pa rin ang minahal ko?"

Hindi nawala ang pagmamahal ko kay Asher. Na kahit ang manahimik at magsawalang kibo na lang para sa akala kong kasiyahan niya ay isasakripisyo ko pero mas marami pa pala talaga siyang nagawa at naisakripisyo hindi lang dahil sa pagmamahal sa akin pero dahil buong pamilya ko ay minahal din niya.

"Hindi ko rin alam... kung gusto mo sigurong malaman, ikaw na mismo ang magtanong n'yan sa kan'ya kasi siya lang naman ang makakasagot ng tanong mo."

All this time, I kept on saying I loved Asher and Asher's family, but it turned out he was actually the one loving beyond the deals.

Because if he isn't, I don't think he'd do all of these. Kasi sino lang ba ako at si Hani? Ex niya lang naman ako at pinsan lang naman si Hani ng ex niya, pero para gawin ang lahat ng ito?

I guess, Tatang really made sure that he thought Asher about what genuine love really is, and here he is, proving to me that his kind of genuine love truly exists without asking for anything else in return.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon