Chapter 10

20 5 0
                                    

Chapter 10: Commit

EJ'

"Bakit? Anong problema?" Kuha nang atensyon sa akin ni Ash habang nakapila kami papasok sa arena kung saan gaganapin ang match ng volleybal league na papanoorin namin. 

"Ha? Wala. Excited lang." Hindi ko inalis ang tingin sa gawi nang nakita ko kaninang lalaki na naka-akbay sa isang babae. Kanina, nakatayo lang sila doon pero ngayon hindi ko na sila makita at parang nawala na lang bigla. I coulnd't help but bite my lip and stop myself from taking an action without enough evidence, or just think as if I saw nothing.

Parang napansin din ni Ash ang bigla kong pag-iba nang mood dahil humarap siya sa akin nang buo, nasa harapan ko kasi siya dahil nasa kaniya ang ticket namin, para kapag nakapasok na, magkasunod lang kami sa pila.

Humalukipkip siya at tumingin din sa paligid bago binalik ang tingin sa akin, "Mukha kang nakakita ng multo." Mabilis naman akong umayos ng tayo pati tindig.  "Hindi wala, parang may nakita lang akong kakilala." 

Ngumisi si Asher sa akin, muli niyang nilingon ang paligid habang inuusyoso ako, "Ex mo? Nandito rin si Primo?"

"Hindi 'yon. Ano namang pakialam ko kung nandito siya?" tangi ko sa akusa niya sa akin. Minata ko pa siya at tinignan ang buong gayak niya. He's wearing a white sheer oversized polo, na naka-tacked in sa loose black slacks niya. He's wearing his necklace, and a silver hoop earing on his left ears. Naka shades pang black, akala mo namang kung sinong artistang dudumugin dito sa arena.Silver din 'yong singsing at relo na suot niya. Tapos puti na sneakers. 

Maayos na nakahawi at nakahati nang pa-sideway ang buhok niyang itim. Kaya mas na-e-emphasize tuloy 'yong mukha niya. 

"Bakit namumutla ka? Na swipe right mo siguro sa Tinder?" pang-aasar niya pa sa akin, kaya laharan ko na siyang inirapan. "Hindi nga! Imbyerna 'to."

'Di ko mapigilang alalahanin ang itsura ko. Si KC ang nag-ayos ng isusuot ko dahil mas excited pa siya sa akin. Puti na assymetric sheer crop top, tapos medyo low waist na black maong pants ang pinasuot niya sa akin. Gusto ata ako no'ng pasukin ng lamig kaya dinagdagan ko ng cardigan na itim para naman may roon akong pang patong. 'Di ko alam na mag bla-black and white si Asher kaya nagulat pa nga ako kanina no'ng pinuna ni Ark na magka-kulay pa raw kami ng damit. Nakalugay lang din ang buhok ko at ang usual na gold earings at necklace na galing kay mommy ang suot ko, tapos bracelet naman na galing kay daddy.

Hindi ako naglagay ng make-up. Lip cream lang para hindi masyadong maputla. Pagkagaling ko sa PAU, gumayak na kaagad ako dahil bya-byahe pa kami, tapos baka traffic pa. Buti na lang talaga nataong isang subject lang kami sa araw na 'to.

Papausog na kami sa pila nang biglang hinawakan ni Ash ang pulso ko. Malapit na kaming makapasok kaya hinila ko siya pabalik. Saan pa ba pupunta 'to? "Sa'n ka pupunta?"

Tinignan niya ako at medyo napapalatak, "May nakita rin ako, halika." I suddenly felt nervous. Hindi ako mabilis kabahan pero ang isiping nakita niya rin ang nakita ko'y nabahala ako. 

"Huy! Dito na lang tayo!" Mabuti at sinunod niya ako. Pero 'di katagalan inangat niya ang kamay niya sa ere na parang may tinatawag. Nang sinundan ko ang gawi na nililingunan niya'y napapikit na lang ako.

I just confirmed that he saw what I saw. 

Nakapikit pa rin ako sa kadahilanang tinatantya ko kung tama bang kausapin ko si Ash para h'wag na siyang madaldal o mas tamang kuhanin ko na lang ang cellphone ko para payuhan ang kaibigan ko o mas mabuting 'wag na lang akong makialam sa kanila nang biglang umimik si Ash sa gilid ko, "Juindro."

Tumama sa sapatos ng lalaking nakita ko kanina ang mata ko nang binuksan ko ang mata ko. Malinaw na malinaw sa akin ang brand ng sapatos niya lalo pa't suot-suot ko ang salamin ko. Wala siyang kasama dahil walang paang nakatabi sa paa niya. 

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon