Chapter 11

16 5 0
                                    

Chapter 11: Fault

EJ'

"Nakauwi ka na ba?" bungad na tanong ko kay Ark nang masagot ko ang tawag niya. Nandito ako ngayon sa cr ng dorm space, gumagayak na para makauwi ako. Sa bahay ni Daddy ako uuwi ngayon dahil nando'n daw sila ni tita. Tapos doon din pinadala ni mommy 'yong balikbayan box niya para sa amin, dahil mas safe daw na doon muna kaysa sa amin kaagad.

"Hindi pa. Nandito pa ako sa gym. May training pa kami. Hintayin mo na ako para hindi ka na mamasahe." Maagang umalis si Ark kaya akala ko nauna na siyang umuwi pero mukhang hindi pa nga siya nakakauwi dahil dinig na dinig ko ang boses ni Ash at ng ibang tao sa background niya.

"Asaan ba kayo nag te-training?" Kasi doon ko na lang siya hihintayin. Baka mamaya may makakita sa aming sabay na umuwi galing dito sa dorm, kung ano pa maisip nila.

"Training Grounds Department. Second Floor sa Westlerian. Malapit sa CAS." Tinapos kong ayusin ang sarili ko. Since pupuntahan namin sina daddy, medyo inayos ko naman ang pananamit ko kahit kaonti kahit pa hindi naman talaga problema ni daddy kung paano ako manamit. Nag maong pants lang ako na highwaisted at puting t-shirt na may nakalagay na Michigan sa harapan. Ti-nack-in ko iyon 'saka ako nag sandals. Sinuot ko na rin ang salamin ko bago ako lumabas.

"Uuwi ka na, J?" Naabutan ko si Bhea na kagigising lang at naghahanda na rin ng gamit para gumayak.

Kinuha ko ang bag sa kama ko, bago ko siya hinarap. "Hindi, pupunta pa ako sa gym. Ikaw? May pasok ka?" Medyo kumunot ang noo niya sa akin, pero 'di kalaunan maloko siyang ngumisi at nagawa na naman akong biruin, "Wow, healthy living ka na, ah. Char. Ibabalik ko lang 'tong libro sa library, nautusan pa ako ni Niquita, eh. 'Saka mag a-attendance lang yata mamaya kaya pamaya-maya na ako pupunta sa school."

Hindi na nagtanong pa nang marami si Bhea, hinayaan niya rin ako kaagad na maka-alis lalo pa't parang naiihi na rin ata siya kaya walang problema akong nakapunta sa Westlerian. Sabado kaya hindi gaano'ng mahigpit. Medyo kaonti lang din ang studyante sa paligid. Mostly mga nursing student pa ata. Dire-diretso lang akong pinapasok ng guard tapos tinuro pa sa akin kung saan ang Training Grounds Department.

Malaki ang department na 'yon na sa tingin ko, para sa lahat ng organization ng school na itinayo para sa lahat ng klase ng training. Sa second floor, may tatlong hiwa-hiwalay na kwarto, puro glass door kaya kita ko ang loob. 'Yon nga lang, wala akong taong makita kaya inalala ko pa kung tama ba ang floor na pinuntahan ko o baka naman nabingi lang ako kanina no'ng kausap ko si Ark dahil wala naman sila dito.

"Uhm? May kailangan ka? Mag tra-try outs ka ba?" Napalingon ako kaagad sa babaeng umagaw ng atensyon ko. Maliit ang mukha niya na kayang-kaya atang sakupin ng palad ko. Natural na mahaba ang pilik mata tapos pinkish ang labi. Naka-pony-tail ang buhok niyang kulay ginger. Natural na wavy ata 'yon at halos hanggang bewang na niya ang haba. Naka puti siyang t-shirt na oversize at sports shorts 'saka rubber shoes na itim.

Matagal ko siyang tinitigan habang hinihintay niya lang akong sumagot kaya dalawang beses pa akong napakurap bago ko siya natugunan. "Ha? Hindi. May hinahanap lang ako."

Luminga ang tingin niya sa paligid bago niya ibinalik ang tingin sa akin, "Sino 'yon? Baka kilala ko." Malalim siya kung tumitig, kaya nakita ko na kakulay ng buhok niya ang mata niya. Ginger din. Malaki ang ngiti niya sa akin kaya hindi ako nabahala. Mukhang mabait naman kasi siya.

Pero lumiit nang bahagya ang ngiti niya sa akin ng binangit ko ang pangalan ng hinahanap ko. "Si Ark Ljanzaro." Para siyang medyo napasinghap, Dino-ble check niya ang paligid at medyo nahihiya akong tinignan ulit. Iniiwasan na ang mata ko, 'di kagaya kanina na parang confident na confident siya.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon