Chapter 25

13 1 0
                                    

(Note: If ever you feel at a loss with some parts of this scene, please refer to TLDS Chapter 23. Soon, in the next book series/parts, all of this will further unfold and be explained from our main character's point of view. Thank you for staying and reading up until here!)

Chapter 25: Changes

EJ'

"Great! 'Yan— 'yan ang hinahanap namin sa study niyo. Good job. This time, we can say that you totally aced the defense. Congratulations mga anak, you are officially, thesis defended. Good luck with your OJT for the next semester, and we'll see each other again in your senior year." Isa-isa kaming kinamayan ng mga panelist, at ng chairman ng defense namin. Pati si Sir Sanchez ay hindi matigil sa kakapalakpak. Ilang beses na niya akong tinatapik sa balikat at sinabihang 'god job'. Ti-next niya pa nga mismo si Frost a nakapasa na kami, kaya kanina pa ring ng ring ang phone ko sa mga message ni Frost.

Finally, Thesis Defended na kami with Minor Revisions. Sabi ni Kaye, sila na ni Markus ang bahala sa minor revisions. Si Markus na raw kasi mismo ang bumulong sakaniya kanina, para raw makabawi. Alam ko namang nahihiya siya sa akin dahil simula pa no'ng pumasok kami rito sa loob ng defense room, 'ni hindi niya na ako matignan sa mata.

Hindi ko alam kung natauhan siya noong sinampal ko'y nakaraang thesis paper sakaniya, pero ngayong na-defend naman na namin ng maayos 'yong study, at hindi na siya nagmagaling. Okay na 'yon sa akin.

'Di na rin ako naghihintay na mag so-sorry siya sa akin dahil kung ayaw niya'y hindi ko naman pipilitin. Basta alam na lang namin ni Kaye na nakapag-reflect siya kahit papaano, ayos na. Panigurado naman hindi ko na siya kaklase next sem, kaya't ano pa bang pro-problemahin ko sakaniya?

Nauna na rin siyang umalis, pero hindi na muna ako sumunod kaya hinintay na rin ako ni Kaye.

Ti-next ko pa kasi si mommy at si daddy, tapos ni-reply-an ko na rin si Frost at nagpasalamat sakaniya sa pagtulong na kausapin si Sir Sanchez bilang thesis adviser namin. Nakatanggap ako ng mga positive replies galing sa parents ko.

Pati 'yong GC namin nina KC na nabubulok na, in-update ko na rin. Pero hindi katulad ng dating parang fiesta sa GC, tanging reactions lang ng 'heart' o kaya 'congrats' ang nakuha ko sakanila. Siguro mga busy. Panigurado mamayang pagka-uwi mag-aaya 'yong mga mag-celebrate.

Another 'finally' at 'chance' para magkasama-sama kami. Excited na tuloy ako para mamayang hapon para makasama sina Iya, KC, Kath, Ace, at Bhea sa dorm.

When Kaye and I got out of the defense room, my smile further widened as I realized how Asher made sure to always stick to his words.

No'ng sinabi niyang siya ang huli at una kong makikita sa pagpasok at paglabas ko sa pinto ng defense room, alam ko na kaagad kung ano'ng aabangan ko.

Si Asher na nakatayo sa harap ng pinto at handang yakapin ako.

"Congratulation, Pahi." Kaagad niya akong yinakap gamit ang isang kamay niya, dahil ang kanang kamay niya'y may hawak ng sunflower and dandelions na bouquet. May naka rolyo rin na papel doon— for sure, letter niya ulit para sa akin.

"Salamat sa walang sawang pagtitiwala sa akin, Asher." Mahigpit kong yinakap si Asher. Naluluha na naman ang gilid ng mata ko, pero dahil na ngayon sa saya.

Minsan, hindi ko naiintindihan kung bakit ako ang pahinga niya. Kasi sa tuwing magkasama kami, hinding-hindi kami nawawalan ng ginagawa ni Asher. Palaging kapag kaming dalawa, dapat may pinag-uusapan kami, o kaya pinagkakaabalahan. Kung tutuusin, hindi pahinga 'yon, kasi minsan pa, may mga oras na nagbabangayan kami nang walang sense dahil nga nakasanayan na lang namin, sa huli naman— tinatawanan lang din namin 'yon.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon