*15 years ago sa loob ng isang classroom sa elementary school...
Ella: Grabe, Jill! Top 4 ka na naman.
Kaye: Oo nga.
Jill: Kayo talaga. Mas nakakainggit nga kayo eh. Ikaw, Kaye top 1 ka. Tapos ikaw, Ella Top 3 ka.
*maya-maya ay dumating ang grupo ni Kyle, Ping at Mark...
Ella: Hi, couz.
Kyle: Hi.
Jill: Hi.
Kyle: Che...
*umalis na ang grupo ni Kyle...
Jill: Grabe. Mas mabuti pa si Ping, mabait.
Kaye: Yuuu crush mo sya noh?
Jill: Tumahimik nga kayo. Hindi ko nga yan type eh.
Ella: Eh si Kyle?
Jill: Mas lalo na yun. Grabe as in...hindi naman sya kagwapuhan. Mas matalino pa nga ako kaysa sa kanya eh. Ang yayabang.
Kaye: Eh si Mark?
Jill: Not talking about him. Mga walang modo.
*nagring na ang bell para sa uwian...
Ella: Oh, uwian na pala. Ayan na ang sundo ko. Bye!
Kaye: Uwi na rin ako. Baka kasi gabihin ako. Kaya babye!
Jill: Bye! Uwi na rin ako. Nasaan na kaya ang mga kasama ko?
*hinanap ni Jill ang mga kasama nya at...
Joy: Oh! Andito ka lang pala, Jill.
Macmac: Tara na Jill at umuwi na tayo.
Jill: Sige.
*umuwi na sina Jill, Joy at Macmac nang bigla nilang nakita ang magkakaibigang sina Niño, Leo at Ariel...
Ariel: Guys, tingnan nyo kung anong meron kami.
*pinakita ni Ariel ang palakang nasa kamay nya...
Joy: Yuck! Palaka!
"AAAHHHHH!!!!"
*nagsitakbuhan sina Joy at Jill...
Niño: Hahaha mga takot sa palaka.
Ariel: Tara na. Itapon na natin.
*binitawan na ni Ariel ang palaka saka humabol ang magkakaibigan kina Jill. Pagdating nila...
Niño: Ah mga takot pala kayo sa palaka ha?
Jill: Bwiset kayo! Pinagod nyo lang kami.
Niño: Bakit? Anong paki mo hahaha. Ang sarap kasi nyong pagmasdan habang tumatakbo na takot na takot eh.
Jill: Ewan ko sa inyo.
*paalis na sana si Jill pero nahawakan ni Niño ang braso nito...
Niño: Bakit? Ano na bang pinagmamalaki mo ha?
Leo: Ayuuu sweet sila!
Ariel: Inggit ako.
Niño: Nimal kayo sweet hahaha. Eh ang pangit² nya eh.
Jill: Mas pangit ka. Isusumbong kita sa ina mo.
Niño: Sige. Isumbong mo. Tingnan natin kung paniniwalaan ka hahaha. Mauna na nga tayo. Ayokong makipagsabay sa loser na to.
Ariel: Sige.
*saka na umalis sina Niño, Ariel at Leo...
(JILL POV: Mga walang pinag-aralan.)
Ako si Jill. Honor student ako. But I've been bullied as well dahil hindi ako yung tipo ng tao na nakikipag-away. Ewan ko nga ba. Bakit ba ang hilig nila na saktan at kutyain ako? Ano ba ang kasalanan nila sa akin. Someday I will make them pay. Lalo na yung Niño na yun. Buong elementary days ay pinahirapan ako ng gunggong na yun. Mas matanda pa nga ako sa kanya eh. Ang gusto ko lang naman is ang makipagkaibigan sa kanila. Since I see them as a very cool person. Pero Tama nga. Cool nga sila. Actually, cold-hearted pa. Tapos yung walang hiya ko na classmate na si Kyle. Kung hindi lang talaga teacher ang nanay nito at may desenteng trabaho di tulad ng mga magulang ko, aba tinusukan ko na ito ng ballpen sa balikat at pinaiyak. Well, when I finished my elementary days, doon na natapos ang mga araw ng kalbaryo ng isang pagiging honor student.
*12 years ago pagkatapos ng election...
Rena: Ay eto na pala si Jill.
Jill: Opo, tita. Nice to meet you po.
"Hi, tita."
Rena: Oh, eto na pala si Kyle at Ping. Andito si Jill oh.
(JILL POV: Oh no...)
*pumasok na si Kyle at Ping...
Kyle: Hi, Jill.
*paglingon ni Jill kina Kyle at Ping, napatingala sya dahil ang tatangkad nila...
(JILL POV: Jusko. Ano ba ang nakain nito? At ang tatangkad at babait nila jusko.)
Kyle: Hi, Jill.
Jill: Hello.
(JILL POV: Jusko ang gagwapo pa nila. Parang ayoko nang umuwi uwu)
Grabe! Ibang-iba na nga sila kaysa sa nakilala ko dati. Hindi na sila yung mga bully na nakilala ko dati. Lahat ng mga nambully sa akin, nagmature na sila ngayon. Grabe! Pati si...
*sa bahay...
Niño: Hi, Jill.
Jill: Ah hello Niño bakit?
Niño: May mga notes ka pa ba sa Filipino? Hihiramin ko sana baka kasi yan din ang mapag-aralan namin.
Jill: Ah. Di ko sure eh. Baka kasi kulang yung iba.
Niño: Okay lang. May mapagkukunan lang ako ng lessons. Para di rin naman ako mapag-iwanan ng mga kaklase ko.
Jill: Sige. Pero hihingi na ako ng pasensya ha? Kasi napakakalat ng mga sulat sa notebook ko eh.
Niño: Ok lang. Hihihi
Jill: Sige.
Niño: Sige.
Dumaan ang mga buwan at naging abala na ako para sa graduation ko at college entrance exam kaya di ko na binigay ang mga notes ko dati kay Niño. Tinadtad nya ako ng chat per di ko na nabasa dahil naging busy na ako para sa college. Naging gwapo din naman sya pero hindi pa rin kami naging close. Ok lang. At least di nya na ako binubully ngayon. At yun ang pinakamapayapang part ng buhay lol ngayon.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...