*pagdating nina Jill at Kyle sa hatidan ay bumaba na si Jill, pero ganun na din si Kyle...
Jill: Oh bakit ka bumaba?
Kyle: Naninigurado lang ako.
Jill: Naninigurado na?
Kyle: Baka mamaya ay may mag-alok dito sa'yo ng sakay papasok sa inyo. Kailangan kong malaman kung sino yun mismo.
Jill:Baliw ka talaga. Ayan ka na naman eh.
*napangiti nalang si Kyle kay Jill pero maya-maya bumuhos ang malakas na ulan...
Jill: Hala ulan!
Kyle: Dito tayo.
*iniwanan na nila ang motor sa ulan at saka sila nagpasilong sa isang tindahan sa tapat nila. Maya-maya...
"Iha, andito ka?"
Jill: Oh. Lola Mary...
*napatingin si Kyle sa kinakausap ni Jill sa loob ng tindahan na si Lola Mary...
Lola Mary: Oh. Sino to? Nobyo mo?
Jill: Ah, Lola. Hindi po.
Kyle: Hindi pa po, pero nanliligaw na po ako sa kanya. Ako po si Kyle. Anak po ni...
Lola Mary: Ah oo. Yung tatay mo na palaging nagagawi dito. Oo kilala ko sya.
Kyle: Po? Palagi po syang nagagawi dito?
Lola Mary: Oo. Tinatanong sa akin kung nakauwi ba to ng ligtas itong kasama mo. Hindi ko naman nakikita itong babaeng to sa sobrang bilis nyang maglakad kada daan nya dito, kaya naman minsan ay tumatambay nalang sya dito upang sya na mismo yung makakita. Alam mo iha, ang swerte mo sa manliligaw mo. Yung tatay nya, alalang-alala sa'yo. Siguro nakikita nya na ang magiging manugang nya sa itsura mo hihihi.
Jill: Lola naman. Nakakahiya po.
Kyle: Eh? Bakit ka mahihiya? Pinapakita lang naman sa'yo ni Lola yung magandang direksyon sa buhay. At yun ang maging kapiling ko habang buhay.
Jill: Eh umuulan na eh. Tapos nagpapakilig ka pa dyan.
Kyle: Bakit? Kinikilig ka na ba?
Jill: Baliw...
Lola Mary: Hay naku. Ang mga bata talaga ngayon. Basta wag na wag nyong kakalimutan ha? Ang panliligaw andyan lang yan. Pero ang pang habangbuhay na pag-ibig, minsan mo lang madadama yan. Kaya hanggang andyan pa, ay wag nyo nang pakawalan. Naiintindihan nyo ba, iho at iha?
Kyle/Jill: Opo Lola.
Lola Mary: Sige. At maiidlip muna ako habang malamig pa. Wala ba kayong bibilhin, iho iha? Magpapasilong lang kayo dito?
Kyle: Gusto ko po sanang bumili ng softdrinks, kaso malamig na po eh.
Jill: Ah. Alam ko na. Lola, dalawa nga pong malaking tsitsirya. Kakainin po namin.
Lola Mary: Sige iha.
*saka na kumuha si Lola Mary ng dalawang klaseng tsitsirya na itinuro sa kanya ni Jill. Akmang babayaran pa sana ni Kyle ang kinuha ni Jill pero inunahan na sya ni Jill sa pagbayad kay Lola Mary ng pinamili nya. Nang nakaupo na ang dalawa at kumakain ng tsitsirya si Jill, napansin ni Jill na hindi kumakain si Kyle...
Jill: Oh? Bakit hindi ka kumakain dyan? Kumain ka na oh.
Kyle: Ayoko.
Jill: Bakit? Hindi ka ba nagugutom ha? Baka mamaya matagalan pa ang ulan...
Kyle: Eh hindi ko type ang mga tsitsiryang yan eh.
Jill: Sus. Ang hilig-hilig mo nga sa tsitsirya eh. Sinungaling.
Kyle: Oo. Mahilig nga ako sa mga tsitsirya, pero hindi ko gusto yan.
Jill: Bakit naman? Masarap kaya. Etong isa, ayaw mo din.
Kyle: Ayoko.
Jill: Eh magugutom ka nyan eh.
Kyle: Bakit ba concern na concern ka sa akin ha? Bakit? Gusto mo na ba ako ha?
Jill: Baliw. Inaalok ka ng pagkain eh kung anu-ano na ang pumapasok sa isip mo.
Kyle: Gusto mo bang malaman kung bakit ayaw ko sa mga tsitsiryang yan?
Jill: Bakit nga ba? Dali na gusto ko nang malaman.
Kyle: Kiss muna.
Jill: Baliw. Batukan kita dyan eh.
Kyle: Eh kasi...yan yung mga pagkain na gustong-gusto din ni Ping dati mula pa noon.
Jill: Ha? Ano naman ang kinalaman ni Ping dito?
Kyle: Diba crush mo sya dati?
Jill: Ano?
Kyle: Wag ka nang magmaang-maangan. Alam ko naman na mas gwapo sya kaysa sa akin dati eh.
Jill: Baliw ka talaga. Magkaibigan lang kami nun noh?
Kyle: Sus. Kayo talagang mga babae, kunwari kaibigan lang ang turing nyo sa lalaki pero deep inside, crush nyo na pala sila...
Jill: Pinagsasabi nito...
*isinilid na ni Jill ang pakete ng tsitsirya sa bag nya nang biglang sumandal si Kyle sa balikat nito, dahilan upang matigilan sya at mapatingin sa kanya...
Jill: Kyle. Kyle, ang bigat ng ulo mo.
Kyle: Please... let's stay like this. I miss you. I want to hold you. I want to be with you. Nagagalit ako kapag may mga lalaking lapit nang lapit sa'yo. Naiinis ako kapag ibang lalaki ang kausap mo at hindi ako. Mahal na mahal kita, Jill. Mahal na mahal.
Jill: Do you want to be sealed?
Kyle: Ha?
Jill: Do you take promises?
*saka naman napabangon si Kyle at humarap kay Jill...
Kyle: Ha? What do you...
*di na nakapagsalita pa si Kyle nang biglang nilapit ni Jill ang mukha nya at hinalikan si Kyle sa labi...
Jill: You're sealed. I am all yours, mister...
*napangiti nalang si Kyle sa ginawa ni Jill sa kanya. Sa wakas ay alam nya nang may kapalit na ang panliligaw nya sa kanya. Magandang kapalit, ika nga...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...