CHAPTER 13: BE IMPRESSED

0 0 0
                                    

*pagdating ni Kyle sa kwarto nila ni Frankie ay naabutan nya si Frankie na naglalabas ng kanyang mga gamit sa bag...

Frankie: Saan ka ba nagsusuot ha? Di ka pa naglalabas ng gamit mo.

Kyle: Wala. Natagalan kasi ako sa labas eh.

Frankie: At bakit?

Kyle: Wala. Nagmasid-masid muna ako sa paligid.

Frankie: Bakit? Oh ano? Fascinating diba?

Kyle: Pfft. Pwede na rin.

Frankie: Nakakamangha noh? Paano kaya na afford nina Mimay ang private island na ito? Ang gara ah. Parang pwede nang tirhan ng buong barangay ang island na ito.

Kyle: Wow. Buong barangay talaga?

Frankie: Aba syempre. Ang laki-laki at ang gara-gara ng private island na ito. Kainggit. Alam mo, kung sinuman ang magiging asawa ni Mimay balang araw, naku! Talagang seswertihin talaga yung lalaking yun kapag sya na ang magmamay-ari ng buong island na ito.

Kyle: Oo nga.

Frankie: Oo nga pala. Bababa pala tayo mamaya mga 11:30 para kumain ng tanghalian. At biruin mo yun, yung dalawang bodyguards nya pa ang magluluto ng tanghalian natin.

Kyle: Ah. Pinagsabihan nya na ako eh.

Frankie: Ayu. Mukhang nag-uusap kayo ng masinsinan ah. Di nyo man lang ako sinabihan makikinig din sana ako eh hahaha.

Kyle: Tumahimik ka nga. Masyado kang madaldal eh.

Frankie: Kalma lang, kalma lang. Eto naman masyadong defensive eh.

Kyle: Hindi magandang joke yun baliw ka.

Frankie: Tss. Hindi mo kasi nakikita eh. Obvious naman na gusto ka ni Mimay. Bakit di nalang sya ang gustuhin mo at hindi na yung elementary crush mo na binasted ka na din naman?

Kyle: Bakit? Ano na naman ba ang problema mo sa elementary crush ko ha?

Frankie: Tingnan mo bro. Be practical nalang sana okay? Si Mimay, matalino. May private island. Mayaman. Tapos may brace naks! Tapos yang crush mo na yan, wala yang binatbat kay Mimay. Kaya kung ako sa'yo, kay Mimay ka nalang pre. Wag ka na dun sa crush mo. Nakita ko pa nga sa phone mo, ang pangit nya at pangit ng pangalan nya eh hahaha.

Kyle: Yung bibig mo talaga. Bakit ko naman sya papalitan ha? Nang dahil sa yaman? Pfft. Ikaw nalang kung gusto mo.

Frankie: Pfft. Kaya nga kita nirereto sa kanya dahil ikaw ang gusto nya. Halatado naman na ikaw ang gusto nya eh. Hay naku naman bestfriend oh. Hay naku.

"Guys, punta muna kayo dali!"

Kyle: Narinig mo yun?

Frankie: Si Jade ata yun.

Kyle: Puntahan natin?

Frankie: Tara.

*pumunta na sina Kyle at Frankie sa kinaroroonan nina Jade. Andun na din ang kanilang mga kaibigan na si Kiera, Aya, Klint, Nicko, Jed at Mimay. Nang nakadating na sila sa kinaroroonan ng kanilang mga kaibigan...

Kyle: Ano yun? Bakit?

Jade: Wow. I never thought na ganito na pala kadami ang mga medals na nakuha mo sa pagsasayaw.

Klint: Wow. Sa tagal na natin na magkaibigan ha?

Jade: Sst...

Mimay: Hindi naman. Sa tingin ko nga eh kulang pa yan eh.

Jed: Eh bakit dito mo dinisplay ang mga to? Hindi mo ba ito idinisplay sa bahay nyo?

Mimay: Wala. Dinala ko talaga ito dito upang makita nyo.

(MIMAY POV: Upang makita ito ng taong mahal ko hihihi...)

Nicko: Pero kakaiba ka Bess ah. Para ka nang alien sa mga parangal mo eh.

Mimay: Sus! Hindi naman.

Frankie: Tingin ko tol, gutom ka na kaya kumain na tayo.

Nicko: Gutom? Aba grabe ka naman sa akin tol ah.

*muntik nang mag-away sina Nicko at Frankie pero inawat kaagad ito ni Kyle...

Kyle: Tama na nga yan. Pareho lang naman tayong gutom eh.

Mimay: By the way Kyle, may masasabi ka ba sa mga parangal na nakuha ko sa pagsasayaw?

Kiera: Oo nga. Dancer ka din naman eh.

Jed: Oo nga. Malay mo magkapartner pa kayong dalawa.

Frankie: Uy! Partner daw. Baka partners-in-life!

Lahat: Ayiee!!!

Kyle: Pinagsasabi nyo dyan. Tara na nga kumain na tayo.

*nauna nang umalis si Kyle para pumunta sa kusina...

Frankie: Uy! Kainin ka na daw nya Mimay hahaha.

Jade: Yuck! Puro talaga kamanyakan yang nasa utak mo.

Frankie: At least nakikinig kayo.

Jade: Yuck! Di kaya kami nakikinig.

Frankie: Sus. Mga kunwari pa kayo eh.

*isa-isa nang umalis ang mga kaibigan ni Kyle maliban kina Mimay at Jade...

Jade: Ok ka lang ba bessy?

Mimay: Oo. Ok lang ako bessy.

Jade: Tara na.

Mimay: Sige.

*umalis na sina Jade at Mimay at sumunod na kina Kyle sa kusina. Pagdating nila sa kusina kung saan na naroon sina Kyle na nakaupo na sa hapag-kainan...

Frankie: Wow. Pati ang kusina ng hotel nyo, Mimay ang napakaganda.

Klint: Alam mo, Frankie. Kanina ka pa dyan nagpapabibo eh. Parang may pinaparinggan ka.

Frankie: Ha? Ewan ko nga din kung naririnig nya eh.

Klint: Kita mo lang.

Frankie: Bakit? May masama ba sa mga sinasabi ko ha?

Kyle: Oo meron.

Lahat: HA??!

*lahat ay nagulat sa sinabi ni Kyle...

Mimay: Ha? Meron?

*napatingin din silang lahat kay Mimay...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now