*sa ground ng school, habang tumigil sina Kyle at Jill sa paglalakad, nakita ni Kyle na nagulat si Jill sa sinabi nito...
Kyle: Bakit? May nakakagulat ba sa sinabi ko?
(JILL POV: Bakit? Ano sa tingin mo ha? Wala?)
Jill: Kyle, kung bahagi man ito ng prank mo at may hidden cameras dyan, please Kyle ha? Wag ako.
Kyle: Ha? Hindi kita maintindihan.
Jill: No...
Kyle: Ha?
Jill: I-disregard mo na yang lahat ng feelings mo tungkol sa akin. Magkaibigan lang naman tayo diba?
(JILL POV: Sa totoo lang, hindi talaga pwede na maging tayo eh. Sa pagkadami-dami ng rason para hindi dapat maging tayo, ay naluluha ako sa mga pinagsasabi ko sa'yo ngayon. I'm sorry Kyle. I'm sorry...)
*tumunog na ang bell ng kanilang tactical...
Jill: Sorry, Kyle. Kailangan ko nang umalis.
*nauna na si Jill sa kanilang training...
Kyle: Jill! Jill, sandali!
*di na sya narinig ni Jill at tuluyan na itong nakalayo sa kanya...
Kyle: Why? Why?
*kinagabihan, nang dumating si Jill sa kanilang boarding house ay napahiga nalang ito sa kanyang higaan dahil sa sobrang pagod. Pagkahiga nya...
(JILL POV: Those thoughts. Yung mga bawal. Nakakasira talaga sila ng kasiyahan ko. The doubts. The fears. The insecurities. Lahat ng yun, sinira ang kaligayahan ko. First boyfriend ko na sana yun eh. Si Kyle. Tapos ang gwapo-gwapo nya pa ngayon jusko. Tapos sisirain ko lang ang feelings nya nang dahil sa nanay nya, sa differences naming dalawa. Eh hindi naman pwede na maging mag-jowa kami kung hindi naman pabor sa akin ang mama nya. Teacher ba naman yun. Hindi madaling pakisamahan. Strikta pa. Buti nga yung papa nya close ko eh. Pero yung umabot sa punto na maging kami ni Kyle, mukhang magbabago na ang ihip ng hangin nun. Tapos engineering pa sya. Sus! Ang dami-dami namang magagandang babae sa school nila ah. Ako pa talaga ang minahal nya ha? Ano sya sira? Tapos ang layo-layo pa namin sa isa't-isa. Nasa syudad sya nag-aaral, tapos ako sa simpleng bayan lang. Tapos hindi pa ako perpekto. Puro pa palya. Siguradong hindi nya ako magugustuhan. Susukuan nya lang ako. Tapos pagtatawanan lang ako ng mga barkada nya kapag nalaman nila na ako ang jinowa ni Kyle. Tsk! Ayoko naman na mapahiya noh? Tapos ang mga babaeng may crush sa kanya. Susugurin ako at sasaktan hangga't hindi ko hihiwalayan si Kyle. Tsk! Ang daming bawal sa mundo. Hay naku!)
*nakatulog nalang habang umiiyak si Jill sa kanyang higaan. Di pa sya nakapagbihis ng pantulog. Kinabukasan ay nagising sya sa kanyang higaan bandang alas-7 ng umaga. Early bird kasi sya. Pagkagising nya...
(JILL POV: Good. Walang klase ngayon...)
*bumangon na si Jill sa kanyang higaan...
Jill: This day, I will make the most out of it...
*tumayo si Jill upang gawin na ang kanyang mga gawaing-bahay. Habang si Kyle naman kinagabihan ay nagpakalasing kasama sina Ping at Issa sa isang restaurant malapit sa kanilang boarding house. Pagkatapos nya uminom ng isang baso ng wine...
Ping: Tama na nga yan. Lasing ka na eh.
Kyle: Hindi...Hindi...ako...titigil!
Issa: Hayaan mo na. May pinagdadaanan siguro yan.
Kyle: Tama ka, bespren.
*iniangat ni Kyle ang kanyang kanang kamay upang purihin si Issa...
Issa: See? Cousin nya ako pero ang tawag nya sa akin bespren.
Kyle: Sis naman. Alam mo naman na sa pagkadami-daming cousins ko sa pamilya natin, eh ikaw...ikaw ang pinakapaborito ko...
*sinisinok si Kyle dahil sa sobrang kalasingan...
Issa: Sus! Ngayon sis na ang tinatawag mo sa akin eh hindi naman tayo magkapatid. Naku Ping iuwi mo na nga yan. Ako na ang magbabayad ng lahat ng ito.
*tumayo na si Ping at inalalayan si Kyle sa pagtayo...
Kyle: Oh saan na kami pupunta?
Issa: Umuwi ka na. Lasing ka na eh.
Kyle: Pero hindi ko pa nasasabi sa inyo ang problema ko. Ano ba?
Issa: Strong-willed ka naman eh. Kaya keri mo na yan.
Kyle: Ah hindi...
Ping: Tol umuwi nalang tayo.
Kyle: Di pa ako lasing!!!
*tuluyan nang lumabas ng restaurant sina Kyle at Ping upang umuwi sa kanilang boarding house. Habang si Issa naman...
Issa: Hayst ngayon ko lang sya nakitang uminom ng ganito ah.
*maya-maya ay nakadating na sina Kyle at Ping sa kanilang boarding house. Pinahiga na ni Ping si Kyle sa kanyang higaan. Pagkahiga nya...
Ping: Hayst gusto ko nang magpahinga. Pahinga ka na. Maglalaba pa tayo bukas. Hindi pwede na manakit ang buong katawan ko.
*natulog na si Ping dahil sa sobrang pagod. Habang si Kyle naman na nakahiga na sa kanyang higaan...
(KYLE POV: Ako din. Gusto ko na din na magpahinga...)
*****3 YEARS LATER*****
*Nung nakadating na si Jill sa bahay nina Niño...
Jill: Tita Anna?
Anna: Oh, Jill?
*pinuntahan kaagad ni Anna si Jill...
Anna: Ano yun, iha?
Jill: Tita, andyan po ba si Niño?
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
Literatura KobiecaMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...