*kinagabihan, habang nasa bahay nila sina Niño at Anna...
Anna: Anak, imposible naman ata yun. Magkalayo sila at minsan lang silang magkita anak. Sigurado ka ba na sya yung nanliligaw kay Jill?
Niño: Oo mama. Sigurado ako. Ewan ko kung bakit at paano pero ang alam ko ay may gusto dun si Jill sa kanya.
Anna: Naku anak. Malaking problema nga yan anak.
Niño: Yun nga eh. Mama?
Anna: Ha?
Niño: Posible din ba mama na magkagusto pa rin sya sa akin kahit na alam ko na may gusto na syang iba?
Anna: Anak, hindi naman lahat ng gusto natin ay nakatadhana na mismo sa atin eh. Tulad ng iba dyan, akala nila yung napangasawa o pinili na nila na makasama sa habangbuhay eh nakatadhana na sa kanila. Di din natin alam na nagkakalabuan din sila, nagkakalayuan sa isa't-isa at nagkakasukuan sa isa't-isa. Pero di natin mabago na minsan na din silang naging parte ng kanilang buhay.
Niño: So ano ang ibig mong sabihin ma?
Anna: Ang ibig kong sabihin anak, habang may buhay, may pag-asa. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Kasi baka pag sinukuan mo sya, sya naman pala talaga ang nakatadhana para sa'yo. Subukan mo anak na baguhin ang ihip ng hangin. Wala kang magagawang pagbabago sa buhay nya kapag ikaw mismo ang sumuko sa kanya. Naiintindihan mo ba ako anak?
Niño: Opo ma. Thank you talaga ma ha? The best ka talaga.
Anna: Basta para sa'yo anak, magiging best mother ako para sa'yo.
Niño: Love you ma.
Anna: Love you din anak.
*saka sila ngumiti sa isa't-isa bago nag-isip si Niño...
(NIÑO POV: Tama nga si mama. Habang may buhay, may pag-asa. Kaya naman gagawin ko ang lahat para malaman mo lang kung gaano kita kamahal...)
*pagdating ni Kyle sa kanilang bahay nung hapon, agad syang pumasok sa kanyang kwarto at lumundag sa kanyang higaan at nagpagulong-gulong sa kama nya. Nang dumating ang kapatid nya na si Gab...
Gab: Kuya, yung pagkain ni...
*saka na nya inihagis ang isang malaking pakete ng cat food kay Gab. Agad naman itong nasalo ni Gab...
Gab: Kuya naman...
Kyle: Pakainin mo na silang lahat. Damihan mo ha?
Gab: Oo. Eto talaga si Kuya, may pagkaweirdo eh.
*saka na umalis si Gab dala ang isang pakete ng cat food na bigay ng kuya nya. Habang sumunod naman na pumasok ang tatay ni Kyle...
Tatay ni Kyle: Kyle, yung...
*agad namang napabangon si Kyle sa kanyang higaan. Nagulat naman ang kanyang tatay sa pagbangon nya. Lumapit naman si Kyle sa tatay nya na nasa pinto ng kwarto nya...
Kyle: Tay, iutos nyo na po sa akin ang lahat ng iuutos nyo ni mama sa akin. Ako na po ang bahala gumawa ng lahat ng yun. Wala pa po si Kuya diba? Pati po ang mga gawain ni Kuya, ako na din po ang gagawa. Tapos si Gab po paaralin nyo na po sya. Ako na din po ang bahala sa mga gawain nya dito sa bahay. Love you pa. Love you so much.
*saka nya hinalikan ang tatay nya at umalis na sya sa kanyang kwarto. Habang palabas na sya sa kanyang bahay ay nagsalita pa sya...
Kyle: Whoa! I love my life!!!
*habang si tatay nya...
Tatay ni Kyle: Anong nangyari dun? Nakapagtataka naman...
*habang si Kyle naman habang naghuhugas ng pinggan sa kanilang kusina ay panay ang ngiti nya habang naghuhugas...
(KYLE POV: Ngayon alam ko na, na pareho tayo ng nararamdaman...)
*****FLASHBACK*****
Kyle: I like you.
*hindi nakapagsalita kaagad si Jill sa narinig nya. Bagkus halatado sa kanyang pagmumukha ang pamumula ng kanyang mukha dahilan upang makita ito ni Kyle...
Kyle: Yah. Bakit namumula ka? Bakit?
Jill: Eh hindi ko pa kasi sana gustong sabihin sa'yo to pero...gusto din kita Kyle. Dati pa.
Kyle: Ano? Kailan pa?
Jill: Kada pagkikita natin, napakabait mo sa akin. Gusto ko talaga sa mga lalaki yung mabait at di nakakalimot sa kanyang pinanggalingan. Ibig kong sabihin, kahit na marami tayong hindi pagkakaintindihan nung elementary, ngayon para kang artista na nauuna pang kumaway sa akin pag nagkita tayo. At yun, doon ako nagkagusto sa'yo.
Kyle: Ah.
*kita nya din na namula si Kyle kaya...
Jill: Ang gwapo mo pala Kyle kung mamula.
Kyle: A-ah hindi. G-ganito lang t-talaga ako. S-salamat dahil a-ako ang p-pinili mong m-mahalin.
Jill: Nauutal ka rin pala.
Kyle: O-oo eh.
Jill: Saka nalang kita sasagutin pag nakapagtapos na tayo. Konting-konti nalang Kyle. Makakapagtapos na tayo. Magkakadegree na tayo. At gusto ko na sabay nating abutin ang mga pangarap natin. Gusto ko na maligaya ka parati Kyle.
*hinawakan ni Jill ang mukha ni Kyle...
Jill: I love you Kyle.
*saka naman hinawakan ni Kyle ang kamay ni Jill na nakahawak sa kanyang mukha at sinabing...
Kyle: I love you even more, Jill.
*saka sila nagyakapan sa isa't-isa dulot ng saya na nararamdaman nila para sa isa't-isa...
*****END OF FLASHBACK*****
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...