CHAPTER 25: SH*TTING FRIENDS

0 0 0
                                    

*sa labas ng bar mga 2am, nagsipaalam na sina Kyle at ang mga barkada nila sa isa't-isa...

Nicko: Oh paano tol mauna na kami ha? Ingat nalang kayo ni Frankie pauwi. Text text nalang kapag nakauwi na tayong lahat.

Kyle: Sige tol. Thank you.

Kiera: Ipakilala mo si Jill next time sa amin ha? Wow. I can't wait na makilala sya at maging part sya ng friendship natin.

Kyle: Sige. Next time, ipapakilala ko kaagad sya sa inyo.

Nicko: Sige bye.

Kyle/Frankie: Bye.

*saka na lumayo sa eksena ang mga barkada ni Kyle, habang naglakad na rin palayo si Frankie at Kyle. Habang naglalakad sila...

Frankie: Tol?

Kyle: Ha?

Frankie: Kayo na ba ng Jill na yan? Mukhang iba ang ngiti mo kanina habang pinag-uusapan sya ah.

Kyle: Ha? Hindi naman. Nililigawan ko palang sya. Bakit?

Frankie: Alam mo ba na gustong-gusto ka ni Mimay ha?

*saka naman nagulat si Kyle sa sinabi ni Frankie...

Kyle: Tol tama na nga yan. Paano naman ako magugustuhan ni Mimay eh mayaman sila. Kami naman ay may kaya lang.

Frankie: Tol hindi mo ba nakikita? Lahat ng ginagawa ni Mimay ay para sa'yo. Nung nasa island tayo, yung mga meet-up natin sa school. Lahat ng yun tol, nagbibigay sya ng motibo upang mapansin mo sya. Pero ewan ko lang kung bakit sa lahat ng yun na ginagawa nya para sa'yo ay di mo pa rin sya mapansin.

Kyle: Tol, hindi ko talaga alam na may pagtingin palang ganun si Mimay sa akin. Ewan ko kung totoo yan kasi gusto ko mismo na ako ang makarinig mula sa kanya. Pero kahit na gawin nya yun, di pa rin mababago sa isip ko na si Jill pa rin ang mahal ko. Tol, alam mo naman na mahal ko na si Jill mula pa nung elementary kami. Kaya pasensya tol. Pasensya kasi di ko talaga alam ang mga sinasabi mo ngayon. I'm sorry, tol.

Frankie: Tol...

Kyle: It's okay. Sh*tting friends can be a normal thing as well.

*saka na nauna si Kyle na umalis habang si Frankie naman...

Frankie: Tol...tol...

*di na sya narinig ni Kyle at tuluyan na nga itong nakalayo sa kanya. Sa apartment naman ni Kyle, habang nag-aaral ito, agad nyang kinuha ang glasses nya mula sa kanyang mata at kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata bago ito napasandal sa kanyang upuan...

(KYLE POV: God I can't focus...)

*saka sya napasabunot sa kanyang sariling buhok dahil sa pagkayamot. Maya-maya ay may tumawag sa kanyang cellphone at medyo nag-alinlangan pa sya na sagutin ang tawag pero kinalaunan ay sinagot nya din...

*sa tawag

KYLE:
Hello?

MIMAY:
Hey, Kyle. Gising ka pa?

KYLE:
Yes. Nag-aaral nga ako eh. Ikaw bakit gising ka pa?

MIMAY:
Hindi kasi ako makatulog eh. Andito ako sa tabi ng swimming pool ng bahay namin. Nagpapahangin.

KYLE:
Ah. Okay.

MIMAY:
Yah. Bakit ka ganyan? Disappointed ka ba na ako ang tumawag sa'yo?

KYLE:
Hindi. Hindi kasi ako makafocus eh. Kailangan kong magkalap ng impormasyon ngayon para sa paparating na board exam ko next year pero di ko talaga maintindihan. Parang may bumabagabag talaga sa isip ko eh.

MIMAY:
Ah. Is it because of your girl that our friends were talking about earlier?

KYLE:
Ha?

MIMAY:
Akala mo siguro wala lang sa akin yung mga kuntyawan nila kanina. I may have known you for awhile Kyle pero nagulat pa rin talaga ako na may babae na pala na nagpapatibok sa puso mo ngayon. You better introduce me to her ha? Gustong-gusto ko talaga sya na makilala.

KYLE:
Don't rush me okay? Ipapakilala ko naman talaga sya sa inyo someday eh. Don't worry.

MIMAY:
I am not rushing you tho. You can take your time if you want.

KYLE:
Okay.

MIMAY:
Actually, I heard from Frankie na nag-away daw kayo kanina. Okay ka lang ba?

KYLE:
Sinabi nya sa'yo yun?

MIMAY:
Yes. Of course. And sinabihan nya ako na kausapin daw kita upang makapag-ayos daw kayo. I don't know why kung bakit sa akin nya pa pinapagawa ito, but as his friend I just did it for the two of you. Tell me what happened. I'll listen.

KYLE:
Uhm...meron lang talaga kaming hindi pagkakaunawaan kanina. It's some sort of a private matter kaya hindi ko masabi sa'yo kung ano ba talaga ang pinag-awayan namin. I'm sorry.

MIMAY:
Bakit? Ano ba yan? Boy talk?

KYLE:
Basta. Let's say na parang ganun na nga yun.

MIMAY:
Well, if ever na ganun na nga yun. Eh maaayos nyo naman yan sa pamamagitan ng mabuting usapan. Hindi mabote ha? Kundi mabuti okay?

KYLE:
Yes.

MIMAY:
It's better to decide on your own, but it is sometimes the best to prefer advice from others. Lalo na sa mga ganyan. Okay?

KYLE:
Yes.

*saka na mas lalong nagtagal ang pag-uusap nilang dalawa sa telepono...

"SOMETIMES SH*TS ARE JUST WITH YOU. YOU JUST NEED TO PLAY ALONG WITH THEM TO PROVE THAT YOU'RE NOT SUSPECTING THEM AT ALL..."

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now