*sa tiangge na katabi ng barangay hall, pinuntahan ni Jill si Niño at ibinigay sa kanya ang isang bote ng softdrinks na dala-dala nya. Uminom muna ng kaunti si Niño bago sya nagsalita...
Niño: Hay naku. Akala ko naman malaki-laking pera ang matatanggap ko. 50 pesos lang naman pala.
Jill: Ayan na. Nag-sorry na ako sa'yo ha? Wala din kasi akong alam na eto lang pala ang matatanggap natin dito eh.
Niño: Ok lang. Magsasawa din naman ako dun sa loob ng bahay eh. Maririnig ko na naman si papa na maaga pang naglasing.
Jill: Ano? Maaga pang naglasing ang papa mo?
Niño: Oo eh. Kaya ok na rin at nakagala naman ako kahit papaano. By the way, bakit di mo man lang kinuha ang pera ko nang bilhan mo ako nito? Para saan to?
Jill: Para sa paghatid mo sa akin ngayon yan. Tsaka di mo na ako kailangang bayaran nyan. Ako naman ang nagpumilit na bilhan ka eh.
*maya-maya ay dumating naman ang mga kaibigan ni Niño na si Lie at si Merto sakay ng kani-kanilang mga motor. Agad naman silang huminto sa kinaroroonan nina Jill at Niño...
Lie: Oh kanina pa kayo ritong dalawa?
Niño: Hindi naman masyado.
Merto: Tol, nasaan na yung school supplies?
Niño: Andun sa barangay hall. Puntahan nyo na dun.
Lie: Sure. Tara na, Merto.
Merto: Sige.
*pumunta na sina Lie at Merto sa barangay hall upang kumuha ng school supplies. Habang sina Niño at Jill naman...
Jill: Ano? Hihintayin mo pa ba sina Lie at Merto?
Niño: Oo. Para sabay-sabay na rin tayong umuwi. Ikaw ba? Hindi ka ba hinahanap dun sa inyo?
Jill: Hindi naman. Ano naman ang gagawin ko dun sa bahay eh boring² dun.
*napangiti nalang si Niño sa sinabi ni Jill...
Niño: Magpahinga muna tayo. Nakakapagod din kasing maghintay dun sa loob eh.
Jill: Sure. Hindi naman ako nagmamadali eh.
Niño: Good.
*di nila alam na nagmamasid pala si Kyle sa kanila ng tahimik. Maya-maya naman ay kinalabit sya ni Ping, kaya nagulat ito sa kanya...
Kyle: Ay! Baliw na pusa...
*nagulat naman sina Jill at Niño sa sumigaw kaya nagmasid-masid sila sa paligid kung sino ang sumigaw. Agad namang tinago ni Kyle si Ping at ang sarili nya sa sulok. Agad namang tinakpan ni Kyle ang bibig nito sa sobrang gulat.
Ping: Anong ginagawa mo at bakit ka nagtatago dito ha?
Kyle: Ikaw. Bakit ka naman nanggugulat ha? Parang aatakihin naman ako nito sa puso eh.
Ping: Eh kasi naman eh, pokus na pokus ka dun sa tinitingnan mo eh. Ano ba ang meron dun ha?
Kyle: Sandali lang. Baka makita ka nila at madamay mo pa ako dito.
*di pa rin nakinig si Ping at tiningnan nya kung sino ang sinisilipan ni Kyle. Pagkatingin nya...
Ping: Oh! Si Jill yun ah. Wow! Akala ko talaga nakamove-on ka na eh.
Kyle: Gagi ka. Eh nakamove-on na din naman talaga ako ah.
Ping: At...diba nag-aaral yun sa school natin?
Kyle: Ha? Talaga?
*tiningnan na din ni Kyle ang tinutukoy ni Ping na kasama ni Jill. Nagulat ito...
Kyle: Gagi sya nga. Pero di ko lang alam kung anong pangalan nya.
Ping: Gagi hindi kaya boyfriend nya yun?
Kyle: Yung bibig mo talaga. Boyfriend kaagad? Hindi ba pwedeng bestfriend lang?
*maya-maya ay may nagsidatingang dalawang motor sa kinaroroonan nina Jill at Niño. Sinilipan naman nilang maigi ni Kyle at ni Ping ang mga nangyayari...
Lie: Oh eto tapos na kami. Grabe hinintay nyo pa talaga kami dito ha?
Merto: Uy ang sweet nyo. Mukha kayong mga lovebirds hihihi.
Niño: Lovebirds mo mukha mo. Bakit di ka nalang mag-aral ng maayos? Katulad ni Jill. Isang taon nalang ay gagraduate na sya ng college.
Lie: Waah nakakainggit naman.
Jill: Kayo talaga. Makakagraduate din naman kayo kagaya ko eh.
Lie: Naku sana nga ay magdilang-anghel ka, Jill.
Niño: Tara na. Umuwi na tayo. Wala na ba kayong ibang bibilhin?
Merto: Wala na. Kulang pa nga itong pera na binigay sa atin panggastos sa school eh.
Jill: Merto naman. Yung bibig mo.
Niño: Oo nga. Kayo talaga.
Lie: Sige na. Umuwi nalang tayo at para makapagpahinga din ako kaagad.
Niño: Sure. Tara na, Jill.
Jill: Tara na.
*umangkas na kaagad si Jill sa motor ni Niño at umalis na sila sa barangay hall. Nagmamadali namang umalis sina Kyle at Ping sa kinatatayuan nila upang masilayan ulit sa kalye sina Jill at Niño sa huling pagkakataon. Nang di na nila mahagilap sina Kyle at Ping ay hinatak naman ni Ping si Kyle sa isang sulok. Pagkadating nila...
Ping: Kyle, narinig mo ba yun? Para daw silang lovebirds kung magkatabi.
Kyle: Ano ka ba? Eh mas gwapo pa nga akong lovebird kaysa sa kanya eh.
Ping: Pero tol, ano pa bang iniisip mo ha? Mag-move on ka na kasi, okay?
Kyle: Move on?
(KYLE POV: Move on nga ba talaga dapat ang gagawin ko? Or just keep walking forward?)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...