*pagdating ni Kyle sa kanila galing kina Mimay, agad syang sinalubong ng tatay nito. Pagkababa nya sa motor nya pagkatapos nya itong iparada sa kanilang garahe...
Tatay ni Kyle: Hinahanap ka ni Issa dito pagdaan nya. Hindi ka daw nakapagpaalam kay Jill na may pinuntahan ka.
Kyle: Ay oo nga pala. Nakalimutan ko.
Tatay ni Kyle: Tawagan mo daw kaagad si Jill pag nakadating ka na dito. Ewan ko kung bakit eh nagtataka din kasi ako eh. Basta tawagan mo nalang sya pagkatapos mong magbihis.Kyle: Sige pa. Thank you po talaga.
Tatay ni Kyle: Sige.
*saka na sya pumasok sa kanilang bahay para magbihis. Papasok na sana sya sa kanilang bahay nang makasalubong nya din ang nanay nya sa kanilang pintuan ng bahay...
Nanay ni Kyle: Oh anak bakit ngayon ka lang?
Kyle: Sorry po ma. Ngayon lang po kasi din ako nakasingit ng uwi eh. Hindi din po kasi ako pinauwi kaagad ng nanay ni Mimay dahil ako nalang din po mag-isa ang uuwi dito sa atin.
Nanay ni Kyle: Eh bakit? Si Frankie ba hindi mo kasama pauwi dito?
Kyle: Hindi po eh. Doon po kasi sya matutulog kina Mimay. May sleepover daw po sila dun.
Nanay ni Kyle: Hindi ka sumama? Alam mong papayagan ka namin ng papa mo sa mga ganyan basta magpapaalam ka lang sa amin ng husto.
Kyle: Ayoko din naman pong sumama eh. Wala po ako sa mood para sa mga ganyan.
Nanay ni Kyle: Sus nagiging loyal ka lang kay Jill eh. Dami-dami mo pang sinasabi dyan.
Kyle: Mama naman...
Nanay ni Kyle: Oo nga pala. Sabi ni Issa, hindi ka daw nakapagpaalam kay Jill na may pupuntahan ka kanina. Alam mo bang nakakapagsimula yan ng problema sa isang relasyon ang hindi mo pagsasabi ng totoo sa karelasyon mo?
Kyle: Nakalimutan ko nga po eh sorry. Pero sinabihan na din naman po ako ni papa ma tungkol dyan. Tatawagan ko mismo si Jill agad-agad. Sorry po talaga ma?
Nanay ni Kyle: Sige. Basta ang sinasabi ko sa'yo Kyle ha? Magsorry ka kaagad kay Jill pag mag-usap na kayo.
Kyle: Sige po ma. Sorry po talaga.
Nanay ni Kyle: Sige.
*saka na pumasok si Kyle sa kanilang bahay at lumabas naman ang nanay ni Jill sa pintuan. Papasok na sana si Kyle sa kanyang kwarto nang bigla nyang makasalubong si Gab na bunsong kapatid nya...
Kyle: Oh may sasabihin ka din?
Gab: Pumunta dito si Ate Issa kanina. Ang sabi nya-
Kyle: Oo na. Alam ko na. Dalawang tao na ang nagsabi sa akin nyan. Pangatlo ka na kung magsasalita ka pa dyan.
Gab: Hala. Lagot ka Kuya...
Kyle: Lagot mo mukha mo.
*saka nalang napa-iling iling si Kyle na iniwanan si Gab at pumasok na sa kanyang kwarto. Tinawagan nya kaagad si Jill habang namimili na sya ng damit-pambahay na susuotin nya. Habang nasa basketball court naman si Jill at nagpapasignal, agad syang nilapitan ni Niño at tinabihan sa bench na inuupuan nito...
Niño: Oh bakit hindi naman ata maidrowing yang mukha mo ha? May hinihintay kang tawag noh?
Jill: Wala.
Niño: Oh eh bakit matamlay ka? May sakit ka ba?
Jill: Wala din.
Niño: Oh. Eh anong-
*hindi na naipagpatuloy pa ni Niño ang kanyang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ni Jill, na sya namang ikinasaya nito at sinagot nang husto...
*sa tawag
JILL:
Hello?*sa kwarto ni Kyle habang nagbibihis sya...
KYLE:
Hey, babe. I really would like to apologize. Hindi kita nasabihan na may pinuntahan ako kanina. I sincerely apologize. Nakalimutan ko talaga na sabihin sa'yo na may pinuntahan ako kanina.*habang si Jill naman sa basketball court at katabi pa rin si Niño...
JILL:
No, no, no. It's okay. OA lang talaga yang pinsan mo. Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin palagi ang schedule mo eh...Niño: J-ji...
*hindi na nakapagpaalam pa si Niño nang husto nang bigla syang sinenyasan ni Jill ng aprub sign, hudyat na pwede na itong umalis. Kaya umalis nalang si Niño na malungkot dahil sa inasta ni Jill sa kanya. Pauwi na sana sya nang nakasalubong nya sina RR at Mico na pinsan nya...
RR: Oh bro uuwi ka na?
Niño: Oo eh. Hapon na din eh may gagawin pa ako sa bahay.
Mico: Yudie natabihan nya yung crush nya. Ayuu
*saka nila tiningnang tatlo si Jill mula sa malayo na ngayon ay kausap pa rin si Kyle sa cellphone...
RR: Oh bakit ka umalis kaagad tol?
Niño: Wala. May kausap kasi sya sa phone eh. Ayaw ko din naman na maka isturbo sa kanilang pag-uusap.
Mico: Bakit? Sino ba yang kausap nya at parang hindi na nila maihinto yang pag-uusap nilang yan ha? At tsaka napaka importante mo namang tao para kay Ate Jill ah. Mas importante pa ba yang kausap nya kaysa sa'yo? Mas may ka-importante pa ba kaysa sa'yo?
Niño: Oo. Importante pa yan sa importante ang kausap nya.
Mico/RR: Ah ganun ba?
Niño: Sige tol. Uwi na ako ha? Magpapahinga lang ako saglit.
RR: Tapos shot na ulit?
Niño: Ulol hindi ah hahaha.
*saka na umuwi si Niño sa kanila na tawang-tawa kina Mico at RR. Pero kailanman ay hinding-hindi matatakpan ng tuwa ng barkada ang sakit na naranasan nya ngayong araw sa kamay ni Jill at ng nobyo nitong si Kyle...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...