*sa labas ng office nina Jill, habang umiinit na ang tensyon sa pagitan nina Kyle at Niño...
Jill: Guys, tama na yan.
Kyle: Hindi eh. Naririndang na rin ako sa mga sinasabi nito eh. Ang sakit magsalita.
Niño: Oh nasaktan ka pala dun? Akala ko talaga kasingtigas ng ulo mo ang damdamin mo
Jill: Guys, tama na nga yan! Ako na ang uuwi mag-isa.
Kyle/Niño: Ano?
Kyle: Teka. Hindi kita hahayaan na umuwi mag-isa.
Niño: Ganun din ako. Sayang naman ang pagpunta ko dito.
Jill: Pwes kung mag-aaway-away lang naman kayo dito sa harapan ko, mas mabuti nang ako ang umalis.
*saka na umalis si Jill patungo sa direksyon ng park...
Kyle: Pero Jill...
Jill: Wag nyo akong susundan. May gumalaw lang o humawak sa akin uupakan ko talaga.
*hindi na sumunod sina Kyle at Niño kay Jill na ngayon ay nagseselfie na sa park. Hindi sya makapagselfie ng maayos kaya naman nilalagay nya ang kanyang cellphone sa lupa at pinapatayo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bato sa likod nito. Hindi man sya nakakakuha ng lahat na maayos na shots pero kahit papaano ay maganda pa rin ang kinalalabasan ng mga pictures. Nang matapos na si Jill sa park ay bumaba sya ulit sa hallway nang makita nya si Kyle na nandun pa rin sa kanyang motor...
Jill: Oh andito ka pa rin...
Kyle: Oo eh. Gagala din ako.
Jill: Gagala? Saan?
Kyle: Edi sa puso mo.
(JILL POV: Please Kyle tama na yan please...)
Kyle: Tara na umalis na tayo.
Jill: Di mo nga ako sinagot ng maayos eh.
Kyle: Ako? Sinagot? E diba dapat ikaw ang sasagot sa akin?
Jill: Sasagot? Eh wala ka pa ngang tanong eh.
Kyle: Hay never mind. Tara na sakay na.
Jill: Sakay? Ngayon na?
Kyle: Oo. Ako na ang maghahatid sa'yo.
Jill: Teka. Eh nasaan na si Niño?
Kyle: Umalis sya saglit. Pero baka matatagalan na din yun. Kaya tara na sakay na.
Jill: Pero...
Kyle: Sige na. Habang andito pa ang offer.
Jill: S-sige...
*saka na sumakay si Jill sa motor ni Kyle at saka na sila umalis pauwi. Maya-maya, nang dumating na si Niño sa labas ng office...
(NIÑO POV: Yah. Asan na kaya sila?..)
*sa byahe nina Kyle at Jill...
Jill: Yah. Ano na naman ba ang pumasok sa isip at naisipan mo na sunduin ako dito?
Kyle: Anong sunduin? Eh gumala nga ako.
Jill: Gumala ka nga, di mo naman sinabi sa akin kung saan.
Kyle: Bakit ka interesado? Gusto mong malaman?
Jill: Hindi. Curious lang ako.
Kyle: Oo nga pala. Sinabi daw ni Kuya na dito ka nag-oojt.
(JILL POV: Sinasabi ko na nga ba eh...)
Jill: Oo. Dito nga.
Kyle: So kamusta? Mahirap ba?
Jill: Hindi naman.
Kyle: Kamusta yung boss mo? Yung mga katrabaho mo? Ok lang din?
Jill: Ok naman sila. Natutuwa nga sila sa akin eh.
(KYLE POV: Eh sino ba naman ang hindi matutuwa sa'yo eh ang bait-bait at ang ganda-ganda mo?...)
Kyle: Buti naman yun.
Jill: Eh ikaw wala ka bang ojt?
Kyle: Wala eh. Webinar kasi kami ngayon at nagrereview na rin ako para sa board exam namin.
Jill: Wow. Talaga ba?
Kyle: Teka. Eh diba pareho lang tayo ng school. Pinagbigyan kayo na mag-ojt outside?
Jill: Hindi. Webinar lang din kami pero di ko kaya na magwebinar lalo na at gasto sa load at mahina din ang signal sa amin.
(KYLE POV: I know how you feel...)
Jill: Oo nga pala. May board exam ka pala ngayon?
Kyle: Oo eh. Unang board exam namin since yung ikalawa at ang pinakalast sa susunod na taon ko yun kukunin. If papalarin ako sa board exam ko na ito.
Jill: Sus. Ikaw pa. Kaya mo yan noh?
Kyle: Talaga?
Jill: Oo. Kakayanin, Kyle.
Kyle: Oo nga. Kakayanin hihihi. By the way, gusto mo bang iangat ang isang kamay mo habang nagmamaneho ako?
Jill: Ha? Bakit naman?
Kyle: Tulad nung nasa movies. Inaangat ng girl yung isang kamay nila habang tumatakbo ang motor na sinasakyan nila ng lalaki.
Jill: Ayy. Pwede ko bang gawin yun?
Kyle: Oo naman. Wag kang matakot. Babagalan ko lang yung pagpapatakbo ko.
Jill: Sige.
*saka na binagalan ni Kyle ang takbo ng motor nya at unti-unti nang iniangat ni Jill ang isang kamay nya habang ang isang kamay nya ay nakahawak pa rin sa balikat ni Kyle. Pagkaangat nya...
Jill: Wow. Para akong nasa langit.
*saka nalang napangiti si Kyle habang masaya na dinadamdam ni Jill ang hangin sa kamay nya. Nang dumating na sa crossing nila ang motor nina Kyle at Jill, bumaba na si Jill...
Jill: Yah. Babayaran pa ba kita?
Kyle: Hindi na. Gusto ko rin naman tong gawin araw-araw eh.
Jill: Ah.
Kyle: At pwede ba?
Jill: Ha?
Kyle: Pwede bang ako nalang ang maghatid-sundo ako sa'yo palagi? At pwede ba sa susunod na sakay mo sa motor ko ay yumakap ka nalang sa beywang ko?
Jill: Ha? Anong ibig mong sabihin?
Kyle: Jill...
Jill: Ha?
Kyle: I like you...
(JILL POV: For the first time in my life, ang taong di ko inakala na magmamahal sa akin, ay magkakagusto pala sa akin...)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...