CHAPTER 5: KYLE'S FEELINGS

0 0 0
                                    

*****KYLE POV*****

"All I know is I have loved you ever since".

*sa elementary school, habang nagsusulat sa grade 1 ang mga estudyante...

(KYLE POV: I was just a normal boy. Anak ng isang kagawad at isang elementary teacher na nagtuturo din sa amin. I always have my spot in the top 10. Matalino sa math? Oo. But there is one student na nakakuha ng atensyon ko. Si Jill.)

*habang naglalaro sina Kyle at ang mga barkada nito ay nakita nyang umiiyak si Jill habang pinapatahan ng teacher dahil sinuntok ito ng kanyang kaklase sa mukha...

(KYLE POV: I knew that she has more guts than me. But always spotted sya ng mga bullies noon.)

*pagkagrade-4 nila ay nakita nyang kinukuha ng mga bullies ang baong pera ni Jill. At nakita nyang napaiyak nalang si Jill dahil sa nangyari...

(KYLE POV: Lagi syang nakakaawa dahil sa walang humpay na pangingikil sa kanya ng mga bullies na kung minsan ay mas maliit pa kaysa sa kanya. I don't know why pero parang hindi naman sya nagsusumbong sa parents nya about this. Anyway, even though na sobrang lakas na ng pambubully sa kanya, ay nakukuha nya pa ring maging matalino at maging top 4 sa klase. Kaya naman kinainggitan ko sya ng husto.)

*habang naglalakad si Abby ay nahulog ang ballpen nito sa kanyang bulsa at nakita nyang napulot ito ni Kyle...

Jill: Ah, Kyle. Ikaw pala. Akin na yan.

*pero hindi binigay ni Kyle ang ballpen ni Jill at bagkus ay itinapon pa ito sa malayo. Sobrang nagulat si Jill sa nangyari...

Jill: Kyle, I...Yun nalang ang ballpen ko eh.

Kyle: Sorry. Edi bumili ka. Ay! Nakalimutan ko nga pala. Kinukuha nga ng mga bullies ang pera mo.

Jill: Paano mo nalaman ang tungkol dun?

Kyle: Ah. Who knows? Everyone knows about that famous bullying involving you.

Jill: Ah ganun pala ha?

Kyle: Yes.

Jill: Edi you should have helped me when you got the chance. Hindi na ipagchichismisan nyo lang ako na para bang may iniambag kayo sa buhay ko.

*saka na umalis si Jill at binangga pa si Kyle upang kunin ang ballpen nito. Pagkakuha nya ng ballpen nya...

Jill: Hay. Sira na. Di na gumagana. Saan na ba ako kukuha ng bagong ballpen nito?

*pinahiran na ni Jill ang kanyang luha bago sya umalis. Naiwan si Kyle na nagmamasid sa kanyang pag-alis...

(KYLE POV: That day, I have realized na dapat ay natulungan ko sya. Anak ako ng isang teacher, kaya parang wala na pala akong pinag-iba sa mga batang nambully sa kanya. That's why tumatak talaga sa akin yung sinabi nya. But when kasama ko ang mga kaibigan ko na nambubully din sa kanya, binubully ko na din sya para di rin ako iwanan ng mga friends ko. But when I knew that...)

*sa isang camping ng boy scout at girl scout, bumisita ang isang teacher ng kabilang school sa tent nina Jill at Kyle kasama ang isang boy scout na estudyante...

Jill: Tita Alisa.

Alisa: Pwede bang pumasok saglit?

Jill: Pasensya na po ma'am. Hindi po kasi pwede eh. Sa labas nalang po tayo mag-usap.

Alisa: Sige.

*lumabas sina Jill, Alisa at ang isang estudyante sa tent nina Jill. Nakita ni Ping na lumabas si Jill kasama ang dalawa kaya isinumbong nya ito kay Kyle...

Ping: Tol...

Kyle: Oh bakit?

Ping: Yung si bully girl. Si Jill.

Kyle: Oh anong tungkol sa kanya?

Ping: Lumabas. Kasama ang isang teacher ng kabilang school at ang isang estudyante.

Kyle: Talaga?

Ping: Oo.

Kyle: Tingnan natin.

Ping: Tara.

*sinilip nina Kyle at Ping ang tatlo mula sa bintana ng tent. Nakita nilang sa labas mismo ng tent nag-uusap ang tatlo. Habang sina Jill naman...

Jill: Pupunta po sana ako sa inyo kaagad kaso nauna na pala kayong pumunta dito sa amin.

Alisa: Ay naku pasensya na. Di ko kasi alam eh. Akala ko di ka pupunta dun sa amin.

Jill: Pero ano po ang sadya nyo dito tita?

Alisa: Eto kasing alaga Kong si Jeff. Gusto nya daw na magpakilala sa'yo. Kasi nung pumunta ka kasi dun sa amin kanina, nagandahan daw sya sa'yo. In short, may paghanga sya sa'yo.

Jill: Talaga po?

*habang sina Kyle at Ping sa bintana...

Ping: Hala. May crush daw? Wow. Bulag ba yang lalaki na yan? Pero infairness, maganda din naman si ate ghurl.

(KYLE POV: Ano ba? Akin nga yan eh.)

Alisa: So ano, Jeff? May sasabihin ka ba sa kanya?

*nahiya nalang si Jeff at iniabot ang isang notebook at ballpen sa kay Jill...

Jeff: Isulat mo nalang dito ang pangalan, grade at ang school mo. Para naman di kita makalimutan.

(KYLE POV: Wala ka pala eh.)

Jill: Sure.

*kinuha na ni Jill ang notebook at ballpen kay Jeff pero di sya makasulat dahil wala syang patungan ng notebook...

Jeff: Gusto mo bang sumulat gamit ang likod ko?

Jill: Sure. Thank you.

*pinatong ni Jill ang notebook sa likod ni Jeff at sinulat nya na ang mga hinihingi ni Jeff. Pagkatapos ay binalik ni Jill ang notebook at ballpen kay Jeff...

Alisa: Oh anong sasabihin mo Jeff?

Jeff: Thank you. Sana ay magkita pa tayo ulit soon.

Jill: Sige. Thank you din.

Alisa: Aalis na kami, Jill.

Jill: Sige tita. Punta ako mamaya dyan, tita.

Alisa: Sure. Anytime.

*umalis na sina Alisa at Jeff sa tent nina Jill. Kumaway naman ang dalawa sa isa't-isa...

(KYLE POV: Hay naunahan na ako...)

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now