*nang pauwi na sila kinabukasan...
Mimay: Sigurado na ba kayo na wala na kayong nakalimutan ni isa sa private island na ito?
Lahat: Wala na.
Mimay: Hintay lang tayo sandali. Baka mamaya papunta na dito si manong.
*habang napalingon si Frankie ay nakita nya na may tinitingnan na litrato ng babae si Kyle sa kanyang cellphone at napapangiti ito...
Frankie: Yah. Alam ko naman na may babae na dyan sa puso mo pero wag mo namang ipainggit sa amin yan oh.
Jade: Inggit? Anong inggit?
*agad namang itinago ni Kyle ang kanyang cellphone sa bulsa...
Kyle: Wala. Daldal mo talaga kahit kailan, Frankie.
*maya-maya ay may nakita na silang bangka na papalapit sa private island...
Kyle: Ayan na siguro ang bangka.
Klint: Oh. Ayan na nga.
*dumating na ang bangka sa isla at sumakay na sila isa-isa. Maya-maya, pagdating ni Kyle sa bahay nila ay napahiga ito kaagad sa kanyang kama dahil sa pagod. Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto nya...
Kyle: Pasok.
*saka naman pumasok si Gab, ang bunsong kapatid nya...
Gab: Musta kuya ang bakasyon nyo?
Kyle: Ok naman. Masaya naman. Bakit?
Gab: Nakita ko nga pala yung si Ate Jill kanina kuya.
*agad namang napabangon si Kyle sa kanyang kama...
Kyle: Totoo? Saan? Saan mo sya nakita?
Gab: Kalma lang. Napadaan kasi sila dito kanina.
Kyle: Ha? Bakit daw?
*saka naman pumasok ang nanay nila sa kwarto...
Nanay ni Kyle: Sya ang kumukuha ng modules ng bunso nyang kapatid sa school.
Kyle: Talaga ma?
Nanay ni Kyle: Oo. Napadaan pala sila dito kanina kasi motor ang sinakyan nila pauwi.
Gab: Oo nga pala kuya. Ang ganda pa rin pala ni Ate Jill noh?
Nanay ni Kyle: Bakit ka nga pala nanghihingi ng update sa amin tungkol sa kanya ha? Bakit? Crush mo ba sya?
Kyle: Oo ma eh.
Nanay ni Kyle: Bakit di mo ligawan?
Kyle: Mama naman. Akala ko ba books before girls muna ha?
Nanay ni Kyle: Eh kilala ko na din naman sya eh. Mabait sya, matalino, maalaga, at isa pa wala pa syang nobyo.
Kyle: Totoo ma?
Nanay ni Kyle: Oo nga. Tinutukso nga sya namin na baka may nobyo na sya. Eh ang sabi nya daw wala pa. Wala pa syang balak na magnobyo kasi wala din naman may nanliligaw sa kanya.
Kyle: Sa bagay...
Nanay ni Kyle: Anak, matagal ko na kayong kilala ni Jill. At alam kong hindi man medyo mabuti ang trato nyo sa isa't-isa dati, ay binago na rin yun ng panahon. Kaya anak, fighting lang ha? Follow your heart...
Kyle: Sige ma. Pero hindi ko muna sya liligawan ngayon.
Nanay ni Kyle: Ha? Bakit naman?
Kyle: Saka ko lang sya liligawan kapag may maipagmamalaki na ako sa kanya. Kapag may diploma na ako at kapag nakapasa na ako sa board exam ko.
(KYLE POV: Lalo na at may kakompetensya na ako ngayon...)
Nanay ni Kyle: Ang ganda naman ng plano mo anak. Gab, tularan mo yang kuya mo ha?
Gab: Ano ba yan ma? Lagi nyo nalang akong kinukumpara sa kanya.
Nanay ni Kyle: Magsikap ka kasi sa pag-aaral para mapantayan po yang kuya mo.
Gab: Nagsisikap naman ako ah.
*saka na umalis si Gab at ang nanay ni Kyle sa kanyang kwarto. Napangiti naman si Kyle sa kanilang dalawa habang patuloy pa rin silang nagbabangayan paglabas nila. Napahiga sya ulit sa kanyang higaan at pinuntahan ang facebook ni Jill...
(KYLE POV: Hindi na sya nag-uupload ng pictures. Siguro napakabusy nya ngayon. Ano kaya ang ginagawa nya? Nahihiya man din akong mag-first move sa kanya eh. Hay naku...)
*bagkus ay hindi alam ni Kyle na si Jill ay busy na dahil magsisimula na syang maghanda para sa kanyang on-the-job training na hinanda sa kanya ng kanyang tita bilang requirements ng kanyang kurso...
*****FEW MONTHS LATER*****
*nang magsisimula nang mag-ojt si Jill ay pinuntahan sya ni Paul, ang kuya ni Kyle na nagtatrabaho din sa pinagtatrabahuan nya...
Paul: Oh nandito ka rin pala Jill. Kamusta ka na?
Jill: Ok lang ako Kuya Paul. Ikaw?
Paul: Ok lang din. Anong ginagawa mo dito?
Jill: Ah. Mag-oojt kasi ako dito eh.
Paul: Talaga? Wow.
Jill: Sige Kuya Paul. Pasok na ako.
Paul: Sige.
Jill: Oo nga pala Kuya Paul. Dito ka rin pala nagtatrabaho?
Paul: Oo eh.
Jill: Sige Kuya.
Paul: Sige.
*umalis na si Jill upang pumasok sa kanyang opisina. Habang naglalakad sya...
(JILL POV: Wow. Hindi ko talaga alam na dito pala nagtatrabaho si Kuya Paul. Tapos kahapon nakita ko dito na dito din nagtatrabaho si Ate Wendy. Yung cousin ni Kyle. Hay naku. I don't have to be preoccupied with his thoughts. I need to be productive today, or I may not do it tomorrow. Live like it's last Jill. Live like it's last...)
*at saka na pumasok si Jill sa kanilang opisina upang mag-umpisa ng kanyang on-the-job training...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
Literatura KobiecaMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...