*pagdating ni Kyle mula sa pagkakahatid nya kay Frankie, saka na din dumating ang tatay ni Jill. Nang nakita ito ni Jill...
Jill: Oh si papa andito na.
Kyle: Tito, kain muna dito.
Tatay ni Jill: Oh Kyle. Musta?
*saka na bumaba ang tatay ni Jill mula sa sasakyan nito. Saka ito mahigpit na niyakap ni Kyle...
Kyle: Sana po ay hindi po muna kayo umalis kanina. At para nakapagsabay na rin kayo ni Jill na kumain dito kanina.
Tatay ni Jill: Naku nagmamadali kasi ako kanina eh. May inaaabutan kasi ako kanina eh. Hinatid ko lang sya dito tsaka ako umalis.
Kyle: Kumain ka muna po bago kayo umalis.
"Balae!"
*saka na dumating ang tatay ni Kyle upang salubungin ng yakap ang tatay ni Jill...
Tatay ni Jill: Balae?
Tatay ni Kyle: Ah wala wala. Praktis lang, praktis.
Tatay ni Jill: Praktis?
Tatay ni Kyle: Ah. Hindi mo sinabi sa kanya Kyle?
*napa iling-iling nalang si Kyle sa tatay nito...
Tatay ni Jill: Naku biro lang. Alam ko naman na gustong-gusto ng anak ko itong si Kyle eh. Biruin mo naman, sobrang gwapo at matalino pa ng anak nyo. At mabait pa. At board passer pa. Hindi lang yan, nakadalawang board exam pa ang anak nyo. At pasado lahat.
Tatay ni Kyle: Ano ka ba, balae? Wag mo namang purihing masyado itong anak ko. Kaya lumalaki ang tenga ko eh. At tsaka ganun din naman ang anak mo eh. Maganda, mabait, matalino, board passer din. Pareho na tayo na may mga pinagmamalaking anak, balae. Kaya hindi na ako magtataka kapag sila na ang nagkatuluyan sa huli.
Tatay ni Jill: Ikaw talaga oo.
"Ano ba? Pinaghihintay ang bisita dyan. Kumain ka na dito, balae."
Tatay ni Jill: Sige. Anak, hintayin mo ko dyan ha?
Jill: Opo pa.
*saka na sumunod ang tatay ni Jill sa tatay at at nanay ni Jill upang pakainin ito sa loob ng bahay ni Kyle. Habang sina Jill at Kyle naman...
Jill: Hayst ang sarap lang pagmasdan.
*kinalabit ni Kyle ang balikat ni Jill. Saka naman napalingon si Jill kay Kyle...
Jill: Bakit?
*di na nagsalita pa si Kyle at tuluyan nya nang hinawakan ang kamay ni Jill at hinatak papalayo...
Jill: Sandali lang. Si Papa-
*hindi na nakapanlaban pa si Jill at tuluyan na syang hinatak ni Kyle papunta sa bench sa likod ng bahay nina Kyle. Nang umupo na silang dalawa ni Kyle...
Jill: Bakit mo ako dinala dito? Paano si Papa dun? Baka hanapin nya ako.
*hindi pa rin nagsalita si Kyle hanggang sa may kinuha syang singsing mula sa bulsa nito. Nagulat naman si Jill nang ipakita ito ni Kyle sa kanya...
Kyle: Last night, ibinigay ito ni papa sa akin. This was the engagement ring na ibinigay nya kay mama dati nung nagdesisyon sila na magpakasal.
Jill: What do you mean Kyle? Eh ilang buwan palang tayo naging...ganito diba?
Kyle: It doesn't matter. Matagal na tayong magkakilala, Jill. Oo. I admit it. Hindi ko inamin ang nararamdaman ko para sa'yo noon, because I keep denying it. I was supposed to bully you. I was supposed to hate you. You were supposed to hate me as well. But things like these have exposed. Those feelings inside me had burst out. I can't deny the fact now that I keep falling in love with you.
Jill: Pero Kyle, bakit mo ibinibigay sa akin to? Magpapakasal na ba tayo? But we don't have that stable life yet. Ayoko na maghirap tayo pag magkasama na tayo.
Kyle: No. That's not what I meant.
*saka nya ito isinuot sa daliri ni Jill at nagsabing...
Kyle: I want you to keep it. Kasi ang singsing na yan, ay nagpapaalala ng pagmamahal ko para sa'yo. Hinding-hindi magbabago yan. Sana ay di mo mawala. Sana ay di mo mawala ang puso ko.
Jill: Kyle, I really doubt it. What if hindi pala tayo ang magkatuluyan sa huli? Ano ang gagawin ko sa singsing mo pag nagkataon? Mahalaga pa naman ito sa parents mo.
Kyle: Jill, hindi ko naman ito ibibigay sa'yo kapag hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo eh. This is a sign of my parents' love for each other, kaya napakahalaga nga ito para sa parents ko. Both of you are very important to me. Wag kang mag-alala. Hinding-hindi ako gagawa ng dahilan upang iwanan mo ako. Hinding-hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasira nating dalawa. Because I love you. I really love you. And I am willing to do that over and over again.
*saka na napangiti si Jill kay Kyle at inilapat ni Kyle ang labi nito sa noo ni Jill. At saka ito dumapo sa labi ni Jill at hinalikan nya ng marahan si Jill. Pero di nila namalayang nakabantay pala si Mimay sa kanila. Sa sobrang galit ni Mimay ay napunit nya ang papel na kanyang hinahawakan. Ang titulo ng private island na pinuntahan nila nina Kyle na papapirmahan sana ni Mimay kay Kyle bilang bagong may-ari ng private island...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...