CHAPTER 2: THE DEBUTANT

1 0 0
                                    

*sa isang maliit na bahay, natutulog pa si Abby nang magising ito...

Abby: Hayst...

*tumayo si Abby dahil puyat na puyat pa ito. Pagpunta nya sa may Cr...

Mama: Ayan kasi. Di pa babangon kapag di pa gigisingin.

Abby: Oo na ma.

Mama: Kakapuyat mo yan sa cellphone. Sige. Puro ka KPOP². Yung module mo hindi mo na inaatupag.

Abby: Inaatupag ko na po mama.

*pumasok na si Abby sa Cr. Paglabas nya ay dumiretso na kaagad ito upang magsipilyo...

Mama: Yung harapan ng ngipin mo, linisin mong mabuti. Naku! Masayahin kang bata pero ang ngipin mo. Hay naku!

*umalis na yung Mama nya...

(JILL POV: Nililinisan ko naman to palagi eh.)

Mama: Jill!

*tinapos ni Jill kaagad ang pagsipilyo nito...

Jill: Bakit ma?

Mama: Yung niluto ko dyan ha?

Jill: Bakit mama? Saan po ba kayo pupunta?

Mama: Pupunta lang ako sa kalye.

*umalis na kaagad ang mama ni Jill...

Jill: Hayst alam nya naman na napakabusy kong tao eh.

*nanatili at nanatili si Jill na nagbabantay sa niluto ni mama nito habang nagcecellphone. Maya-maya ay dumating ang mama ni Jill...

Mama: Oh! Musta ang niluluto ko dyan?

Jill: Ayan. Ganyan pa rin.

Mama: Anong ganyan pa rin? Tiningnan mo ba sa loob?

Jill: Hindi. Nilalagyan ko lang yan ng apoy.

Mama: Hay naku!

*binuksan ng mama ni Jill ang kaserola...

Mama: Naku jusko! Padaan nga.

*dali-daling inasikaso ng mama ni Jill ang niluluto nito...

Mama: Hay salamat naisalba pa. At ikaw?

Jill: Ako?

Mama: Di ka naman nagbabantay ng maayos eh. Paano kung nasunog yan? Ano nalang ang kakainin natin?

Jill: Wow! Ako pa ang may kasalanan? Haha! Eh sana naman binilinan nyo ako kung ano ang gagawin ko. Ako pa ang sinisi nyo eh yan lang naman ang itinuro mo sa akin.

Mama: Eh kasi ang aga-aga gumagamit ka na agad ng cellphone. Naku pag magalit talaga ako, itatapon ko talaga yan sa basurahan para di na yan magamit.

Jill: Hayst aalis na po ako dito mama.

Mama: Buti pa. Wala ka talagang nalalaman eh.

(JILL POV: Hayst mabait lang kayo sa akin kapag may kailangan kayo.)

*nang matapos nang kumain ang pamilya ni Jill ng umagahan...

John: Ate, pwede pahiram ng cellphone mo? Mag oonline lang ako.

Jill: Hindi pwede.

John: Bakit naman?

Jill: Gagamitin ko pa.

John: Sinungaling ka. Eh tuturuan mo si Sevie ng modules nya eh.

Sevie: Ate?

*napabuntong-hininga nalang si Jill...

Jill: Ah basta. Wag mong ilolowbat yan ha?

John: Lowbat? Eh 99% pa naman tong cellphone mo eh.

Jill: Ah basta. Ganyan na nga lang ang cellphone ko eh aabusuhin mo pa.

John: Sige.

*umalis na si John dala ang cellphone ni Jill...

Jill: Tara na Sevie. Mag-answer na tayo ng module.

Sevie: Sige, Ate.

*nag-answer na ng module sina Jill at Sevie. Pagkatapos nilang magsagot...

Sevie: Ate, punta na ako kina Lola ha? Thank you.

Jill: Basta wag kang makikipag-away ha?

Sevie: Oo.

Jill: I love you.

Sevie: I love you too, Ate.

*umalis na si Sevie papunta kina Lola nila. Habang nilapitan naman ni Jill si John na gumagamit pa rin ng cellphone nito...

Jill: John?

John: Ha?

*binuksan ni Jill ang kamay nito...

Jill: Akin na.

John: Sandali lang Ate. Ginagamit ko pa.

Jill: Langhiya.

John: Saka nga pala Ate, malapit na ang debut ni Ate Lyn ha? Balita ko magpapaparty sila.

Jill: Ah. Okay.

John: Inggit ka naman.

Jill: Luh bobo. Bakit naman ako maiinggit ha? Alam mo, sa lahat ng mga panahon na busy ako, wala na akong panahon para sa ganyan. Jusko napakabusy na ngayon ng buhay ko.

John: Naku, Ate. Hindi ka pwedeng tumanggi.

Jill: Bakit ha?

John: Pupunta kaming lahat dun.

Jill: Pake ko.

John: Sus! Akala ko ba hindi ka magpapa-iwan.

Jill: So?

John: Lahat daw ng mga kaklase at kaibigan ni Ate Lyn ay pupunta.

Jill: So? Ano naman ang pake ko dun? Gusto nya lang naman ay tingalain sya ng ibang tao at maging engrande ang selebrasyon ng kaarawan nya. Di na ba sya nahihiya? Na kumakayod ng todo ang pamilya nya para mapakain lang sila tapos ito lang ang igaganti nya sa kanila? Ha...

John: 18 candles ka daw eh.

Jill: Hayst...

John: So ano ate? Pupunta ka ba dun?

Jill: Pag-iisipan ko pa. Wag kang ano.

*paalis na sana si Jill pero tumigil ito at tumingin ulit kay John...

Jill: At tsaka...

John: Hm...

Jill: Wag na sanang makapunta kay Lyn ang lahat ng sinabi ko ha? Mahirap na baka tanggihan pa ako ng grasya eh.

John: Sure. Basta dadamihan ko na ang oras na ilalaan ko sa cellphone mo.

Jill: Animal ka talaga. Basta ha? Atin² nalang sana to.

John: Oo na gets ko na.

*tumayo si John at ibinigay ang cellphone ni Jill sa kanya...

John: Ayan na ang cellphone mo. Pupunta na ako dun kina Lola.

*umalis na si John...

Jill: Hoy! Yung module mo.

*di na narinig ni John si Jill...

Jill: Wow! Kahit kailan talaga nakakasira ka ng modo. Hayst mag-isa na naman ako ulit. Totoo ba na isinama ako ni Lyn sa 18 candles? I need to see it personally with my two eyes. I need to see it right away.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now