*sa kusina, habang may ginagawa si Kyle...
Jill: Kyle?
Kyle: Ha? Oh bakit? May kailangan ka Jill?
Jill: Wala naman. Sige. Ipagpatuloy mo muna ang ginagawa mo dyan. Doon lang ako maghihintay sa labas.
Kyle: Hindi. Pwede mo namang sabihin dito eh. Ok lang. Bakit?
Jill: May itatanong sana ako tungkol sa kaibigan mo eh.
Kyle: Ha? Sa mga kaibigan ko? Sino sa kanila?
Jill: Yung payat na babae na mahaba ang buhok. Yung may brace.
Kyle: Ah si Mimay. Bakit? Anong tungkol sa kanya?
Jill: Paano ba kayo nagkakilala?
Kyle: Ah. Wala. Member kasi ako ng dance troupe sa school. Doon ko din naman nakilala ang mga yan eh. Tapos nagtropa-tropa na ganun. Bakit? Interesado ka ba sa kanya?
Jill: Eh kasi...
Kyle: Don't worry. Mababait din naman sila eh. Lalo na si Mimay. Sobrang bait nya. Naku. Wala kang masasabi sa babaeng yun.
Jill: Yun na nga ba sinasabi ko eh...
Kyle: Anong sabi mo?
Jill: Ah wala. Wala. Sige ha? Sa labas lang ako.
Kyle: Sandali lang...
*saka na hinawakan ni Kyle ang braso nito upang patigilin ito sa pag-alis...
Kyle: May problema ka ba? Para kasing may gusto kang sabihin sa akin pero hindi mo masabi sa akin ng diretso eh. Ok ka lang ba?
Jill: Oo. Ok lang ako. Mamaya na tayo mag-usap. Labas lang muna ako.
Kyle: Sigurado ka ha? Sabihin mo lang sa akin kung may bumabagabag dyan sa isip mo.
Jill: I'm fine, Kyle. I'm fine. I'll wait for you in the outside.
Kyle: Sige.
*saka na lumabas si Jill sa kusina. Napakunot-noo naman si Kyle sa inasta ni Jill. Pagdating ni Jill kina Issa...
Issa: Oh ano? Nasabihan mo na ba sya tungkol sa barkada nya?
Jill: Hindi eh. Hindi ako makahanap ng tyempo.
Issa: Hay naku. Girlfriend ka naman nya, pero wala ka namang bibig.
"Bakit? Anong problema?"
*saka na dumating at tumabi kay Issa ang nanay ni Kyle...
Nanay ni Kyle: May problema ba kayo? Ikaw Jill, may problema ba?
Jill: Ah wala Tita. Ok lang po kami.
Nanay ni Kyle: Aba buti naman kung ganun.
Issa: Tita?
Nanay ni Kyle: Hmm?
Issa: Yung mga kaibigan dyan ni Kyle sa loob, kilala nyo po ba sila?
Nanay ni Kyle: Ah. Kinekwento naman sila sa akin ni Kyle, pero ngayon ko palang sila nakita sa personal. Bukambibig nga ni Kyle si Jill eh, kaya maswerte ako na ikaw ang bubuo sa puso ng anak ko.
Issa: Tita naman. Iniiba nyo yung topic eh.
"Guys!"
*saka na lumapit si Ping sa kanila at may dala-dalang pitsel ng inumin at apat na baso...
Ping: Musta? Tagay muna tayo.
Issa: Naku Ping naman. Hindi ka na talaga nahiya kay Tita noh?
Nanay ni Kyle: Tama na yan Ping. Malayo-layo pa ang lalakarin mo baka mapaano ka pa dyan sa daan.
Ping: Ok lang po ako Tita. Hindi pa po ako lasing. At tsaka, minsan ko lang naman makakasama itong si Jill eh. Kaya wala naman syang masama kapag sasabayan nya akong uminom diba?
"Oo nga naman Tita."
*saka na dumating sina Mimay at Frankie...
Mimay: Wala naman sigurong masama Tita kung hihiramin lang namin saglit si Jill diba? Para naman makilala din namin sya lalo dahil nobya sya ng barkada namin.
Issa: Sinasabi ko na nga ba eh.
Frankie: Kung gusto nyo po Tita, pwede po naming isama si Issa. Para naman di naman mahiya si Jill sa amin.
Nanay ni Kyle: Ano sa tingin nyo mga hija? Payag ba kayo na sumama kayo sa kanila?
"Wag na."
*saka naman napalingon silang lahat kay Kyle na ngayon ay nagpupunas ng mga kamay nya habang nakasandal sya sa may pintuan...
Kyle: Wag nyo nang yayain si Jill. Hindi ako papayag na yayain nyo sya.
Ping: Sus gentleman itong partner ko. Isa lang naman Kuys isa lang okay?
Kyle: Ayoko. Responsibilidad ko na sya mula ngayon kaya ayoko.
Issa: Wow. Sana all responsibilidad. Kaya Ping, tumigil ka na. At kayo, pwede nyo namang kilalanin si Jill kahit na walang halong tagay diba? Diba?
Mimay: Hayst gentleman nga naman. Nakakainggit.
Frankie: See you later, Jill. Nakakatakot kasi magalit itong isang to eh.
Kyle: Nakakatakot mo mukha mo.
*saka na bumalik sina Mimay at Frankie sa loob ng bahay ni Kyle. Habang si Kyle naman ay pinuntahan nya sina Jill sa labas...
Kyle: Are you okay, Jill? I hope that I'm not being hard with you on the first day.
Jill: Ok naman. Hindi ko naman trip na uminom ngayon eh.
Nanay ni Kyle: You were way too gentleman for this girl. Hindi talaga ako nagkamali ng pagpapalaki sa'yo.
Kyle: Thanks ma.
Issa: Ikaw Ping, kailan ka kaya makakahanap ng babaeng magiging responsibilidad mo?
Ping: Tumahimik ka nga, Issa. Nananahimik na ako dito eh, binanggit mo pa.
Nanay ni Kyle: Hay naku talaga. Kayo talaga ang kukulit.
*napatawa nalang silang lahat dahil para pa rin silang mga bata kahawig nung nasa elementarya palang sila...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...