*nang naglalakad si Jill sa kanyang school nung first year sya ay may nagtext sa kanyang cellphone. Kinuha nya ito sa kanyang bulsa at binasa...
*text ni Nana
"Jill, nasaan ka na? Magsisimula na daw ang training natin para sa tactical".*nireplyan ni Jill si Nana...
*text ni Jill
"Papunta na ako dyan."*binalik ulit ni Jill ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimula na para sa tactical. Pagkatapos ng kanilang training ay bumalik sya sa kanilang classroom. Pagbalik nya...
Giselle: Oh, Jill. Andito ka na pala.
Jill: Bakit?
Giselle: Diba magkaklase kayo ni Kyle dati?
*paglingon ni Jill sa katabi ni Giselle na sina Kyle at Ping ay nagulat ito sa kanyang nakita...
Jill: Ano? Andito kayo?
Kyle: Oo. May tactical din kasi kami eh. Ganun ka din?
Jill: Ah. Oo eh.
Kyle: Wow. Anong grupo ka?
Jill: Gulf ikaw?
Kyle: Alpha kami.
Giselle: Wow. Mahiya naman kayo sa amin dito. Magbestfriends tayo diba?
(KYLE POV: Masaya ako na makita sya dito.)
*****REWIND*****
*sa school nina Kyle kahapon, nag-uusap sina Kyle at Ping habang naglalakad at umiinom ng juice...
Ping: Alam mo ba tol, doon daw tayo magtatactical sa school nina Giselle?
Kyle: Talaga?
(KYLE POV: Teka...)
Kyle: Teka?
Ping: Ha?
Kyle: Diba doon nag-aaral si Jill?
Ping: Oo siguro. Ah oo! Magkaklase nga sila eh.
(KYLE POV: Good...)
Ping: I can't wait na doon magtactical. Tapos sabay-sabay tayong kakain. Tapos gala tayo pagkatapos ng training. Maybe mayaya pa natin si Jill for sure.
Kyle: Sana nga...Mmm...Ang sarap ng buhay! Woohoo!
Ping: Ok ka lang? Parang wala ka kasi kanina sa sarili mo eh.
Kyle: Ang sarap ng simoy ng hangin kaya. Langhapin mo.
*nilanghap nina Kyle at Ping ang hangin...
(PING POV: Hindi ako makarelate amp.)
*masayang-masaya si Kyle...
*****PRESENT*****
Ping: Ah, Jill. Gusto pala namin na umuwi sa inyo mamaya ng sabay. Gusto mo ba?
Jill: Sure? Hihihi
Ping: Oh bakit may question mark pa? Di ka sure dyan.
Jill: Eh kasi dadaan kasi ako mamaya sa library. Isasauli ko lang itong mga libro na hiniram ko. Deadline na kasi ngayon eh baka mapabayad pa ako ng husto.
Ping: Ok.
(KYLE POV: Kainis...)
Jill: Sorry talaga.
Kyle: Mahilig ka pala magbasa ng mga libro?
Jill: Hindi naman. Pero nagbabaka-sakali lang kasi magaganda kasi ang mga books namin sa library eh.
(KYLE POV: Pero mas maganda ka...)
Giselle: Oo nga pala. Kumain na kayo? Kain na tayo.
Kyle: Sure. Eh ikaw...
Jill: Doon nalang ako sa labas kakain. I mean, kakain ako kasama ng ibang kaibigan ko sa kabilang room. Sorry talaga ha? Aalis na ako.
*kinuha ni Jill ang bag nya at umalis ng kanilang classroom...
Nel: Anong course mo?
Kyle: Ha?
*saka naman pumunta si Nel sa kina Kyle, Ping at Giselle...
Kyle: Do I know you?
Ping: Ah! Sya yung winner sa badminton. Yung sinabi ng schoolmate natin na mahirap talunin kasi napaka-competitive nya. Diba ikaw yun?
Nel: Ah oo. Pero di naman sa pagiging competitive. Tsamba lang yun.
Ping: Tama ikaw nga! Wow! Lahat ng girls sa school namin, pinagpipiyestahan ang pangalan mo.
Nel: Thank you.
Giselle: You know him?
Ping: Oo. Napakagaling nya sa badminton nung sports fest ng school natin. Nel ang pangalan mo diba?
Nel: Oo. Ako nga.
Ping: Magkaklase pala kayo?
Giselle: Hindi lang magkaklase, boyfriend ko pa sya.
*nagtaka sina Ping at Kyle...
Giselle: Ano ba? Hindi talaga kayo mga supportive friends!
Kyle: Boyfriend mo sya???
*nagsitawanan sina Kyle at Ping...
Giselle: Mga walang hiya talaga kayo!! Pero joke lang yun. Kayo talaga bakit naman kayo naniwala? Mga uto-uto.
(KYLE POV: Naniwala ka dyan...)
Giselle: He's my classmate. And not to brag ha? Crush sya ni Jill.
Nel: Giselle, you don't have to say that.
Giselle: Bakit naman? Masama bang ipakilala ka sa mga taong naging parte na ng buhay ni Jill ha?
Nel: It's not like I'm her boyfriend or something.
Giselle: Makisabay ka nalang kasi. Dami mo pang reklamo eh.
(KYLE POV: What the hell...)
*habang sina Jill naman at Francis na kumakain ng tanghalian sa kabilang room...
Francis: Ano? Si Kyle andyan sa kabila?
Jill: Tumahimik ka na nga lang dyan at kumain.
Francis: My gosh! He's so dreamy.
Jill: Pfft...
*saka naman dumating si Issa dala ang pagkain nito. Umupo sya sa tabi ni Francis. Pagtabi nya...
Issa: Hay naku. Bumabakla ka na naman.
Francis: Totoo naman ah. He's so dreamy I can't even imagine my life without him.
Issa: Hay naku! Nakakabingi ka na talaga bes.
Jill: Issa...
Issa: Ha?
Jill: Diba magpinsan kayo ni Kyle?
Issa: Oo bakit?
Jill: Bakit hindi ka sumama sa kanila na kumain? Imbes dito ka pa sumama sa amin na mga kaibigan mo lang.
Issa: Hay naku. Nagsasawa na nga ako kasi halos ng family gatherings namin ay magkasama kami. Tapos panay pa ang panunukso sa akin. Kaya nakakasawa na.
Jill: Ah...
Issa: Kumain na nga tayo. Wag na nating pag-usapan ang wala dito.
Francis at Jill: Sige.
*kumain na ang tatlo ng kanilang tanghalian...
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...