*sa loob ng sala nina Kyle, nang matapos na kumain si Jill, may tumapik sa kanyang balikat. Si Issa...
Jill: Oh Issa.
Issa: Ok ka lang ba dito? Doon tayo sa labas. Mag-uusap muna tayo saglit.
Tatay ni Kyle: Oh. Saan naman kayo pupunta nyan? Nakikipag-usap pa yang si Jill sa mga barkada ni Kyle eh.
Issa: Sa labas lang po kami. May pag-uusapan lang po kami tungkol sa trabaho namin.
Tatay ni Kyle: Issa naman. Eh hindi pa yan tapos makipag-usap si Jill sa mga kaibigan ni Kyle eh.
Jill: Ok lang po tito. Babalik din po ako kaagad. Sandali lang kami.
Tatay ni Kyle: Sige. Balik kayo kaagad ha?
Jill: Sige tito.
*saka na lumabas sina Issa at Jill sa bahay, habang pinuntahan naman ni Kyle ang tatay nito mula sa kusina...
Kyle: Papa naman...
Tatay ni Kyle: Bakit?
Kyle: Anong asta yun? Bakit mo naman ginanun si Issa?
Tatay ni Kyle: Ginanun? Anong ginanun?
Kyle: Eh parang di po maayos ang pakikitungo sa kanya eh. Parang hindi nyo po pamangkin si Issa eh.
Tatay ni Kyle: Eh alam mo naman yang pinsan mo eh. Nangrereto nang nangrereto. Alam mo naman, madaming lalaki na nakakalantari.
Kyle: Hindi naman ganun si Issa kay Jill. At alam nya na nililigawan ko sya. At alam nya na din kung paano ako magalit pag ginawa nya yun. Kaya hindi. Hinding-hindi nya gagawin yun sa amin ni Jill.
Tatay ni Kyle: Siguraduhin mo, anak. Dahil hindi natin alam ang tumatakbo sa isip ng pinsan mo.
Kyle: Opo, pa.
*saka na lumabas ang tatay ni Kyle ng bahay nila upang asikasuhin ang mga bisita nila sa labas. Habang si Kyle naman...
(KYLE POV: Ano kaya ang nangyari kay Papa ngayon? Bakit kaya napakapraning nya ngayon?..)
*habang sina Issa naman at Jill sa labas...
Issa: Musta na sis? Balita ko nililigawan ka na ni Kyle ha?
Jill: Ah. Oo nga eh. Hihihi
Issa: Congrats ha? Nakajackpot ka pala sa pinsan ko. At hindi lang yan ah. Ang pinakagwapong pinsan ko pa talaga ang nabingwit mo.
Jill: Ikaw talaga Issa. Hindi naman kagwapuhan ang habol ko kay Kyle eh. Alam mo ba Issa nung elementary palang pala tayo nung nagustuhan nya ako. Biruin mo, naitago nya yun ng ilang taon nang walang kakupas-kupas?
Issa: Ah. So that explains yung palagi nyang pag-aantay sa bintana kung absent tapos kung may mangyaring masama sa'yo, ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nya...
Jill: Ano? Nakita mo din yun?
Issa: Oo. Nakita ko din yun. Kaso nagdududa palang ako nun sa nararamdaman nya para sa'yo dahil wala pa akong matibay na patunay. Pero ngayon, napatunayan ko na tama ang hinala ko.
Jill: Ah ganun pala hihihi...
Issa: Oo nga pala. Nakikita mo ba yung isa sa mga kaibigan ni Kyle na babae?
Jill: Kaibigan na babae ni Kyle? Sino sa kanila?
Issa: Yung payat na babae na mahaba ang buhok na may brace. Mimay ata ang pangalan nun sabi ni Kyle.
Jill: Ah. Eh anong tungkol sa kanya?
Issa: You should not let Kyle befriend her. Like she is so creepy.
Jill: Creepy? Teka hindi ko maintindihan. Kaibigan sya ni Kyle, pero bakit pinapalayo mo sya sa kanya? May problema ba, Issa? What's wrong?
Issa: Jill, narinig ko sila sa labas kanina. Nagcacater ako kanina ng mga bisita, nang nakita ko sila kanina na nasa labas at nagcecellphone. Baka naghahanap kasi sila ng signal kaya naman pupuntahan ko na sana sila upang tulungang maghanap ng signal. Kaso hindi pa ako nakakalapit sa kanila, narinig ko na ang kantyawan nila. Kesyo ganito daw, ang hirap na magkasignal dito tapos ang liit-liit ng bahay nina Kyle, tapos hindi daw mayaman yung pamilya nya. Na-offend ako dun sis. Kahit na ganyan lang ang pinsan ko, hindi nya pa rin deserve na pag-usapan ng ganun ng mga taong tinuring nya bilang tunay na kaibigan. Pero ang mas nakakagalit oa, sinabi ng Mimay na yun na yung kagwapuhan lang naman daw at puso ni Kyle ang kailangan nya at wala na daw syang pakialam sa yaman at sa pamilya nito. Kita mo lang yun? Ang kapal naman ng babaeng yun na akala mo naman pagkaganda-ganda. Na akala mo naman lahat ng gwapong lalaki sa mundo ay sasamba sa kanya. Well, wag nya lang talaga idadamay ang pinsan ko. Kung hindi, paduduguin ko talaga yung anit nya ng sabunot ko. Bwiset...
Jill: Ok, Issa. Kumalma ka lang okay?
Issa: Sis, hinding-hindi ako kakalma hangga't hindi ako nakakabawi sa babaeng yun. Sis, alam kong makikinig sa'yo si Kyle dahil malayo ang ugnayan namin sa isa't-isa. Kaya naman sis, tulungan mo naman ako na kausapin si Kyle. Hindi ko talaga kakayanin na makipagplastikan sa babaeng yan pag nagkataon na maging sila ni Kyle. Mas gugustuhin ko nalang na maging kayo ni Kyle kasi mas kilala na kita kaysa sa kanya. Kaya please, sis ha? Gawan mo sana ng paraan yang malayo yan si Kyle sa babaeng yun okay?
Jill: Ok. Para sa ikakatahimik nating lahat at para malinawan na rin tayo, kakausapin ko na sya tungkol dito.
Issa: Yes! Thank you sissy. Thank you.
*saka na napayakap si Issa kay Jill. Pero nagtataka pa rin si Jill sa pinagsasabi ni Issa tungkol sa isang kaibigan ni Kyle na si Mimay...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...