CHAPTER 26: NO MORE MR. NICE GUY

0 0 0
                                    

*sa office ni Jill, habang palabas na sya, sinisilip nya sa labas si Kyle pero hindi nya ito makita...

(JILL POV: Wala sya? Pero hindi naman sya nagsabi sa akin na hindi nya ako masusundo ngayon ah...)

*maya-maya ay may dumating na motor sa labas. Agad nya itong nilapitan nang makita nya ang isang pamilyar na mukha...

Jill: N-niño?

Niño: Oo. Ako nga bakit?

Jill: A-anong ginagawa mo dito?

Niño: Wala. Gumagala-gala lang bakit? Out nyo na ba?

Jill: Oo. Kaso may hinihintay pa ako eh.

Niño: Di ko naman tinatanong.

Jill: Bwiset. Nagsasabi lang.

*saka naman natawa si Niño sa sinabi ni Jill. Saka tumingin si Jill sa kanyang relo pero...

Jill: Wala pa rin sya eh.

Niño: Sino?

Jill: Ngayon tinatanong mo na.

Niño: Syempre nacucurious na ako. Anong oras na eh hindi ka pa rin uuwi kasi may hinihintay ka?

Jill: Si Kyle kasi eh.

Niño: Oh. Bakit?

Jill: Wala pa rin sya eh. Kanina pa ako dito naghihintay sa kanya.

Niño: Sheesh. Baka nambababae na yun. Hala ka.

Jill: Edi bahala sya dyan. Wala naman akong pakialam kung mambababae sya eh.

Niño: Wag mo nang hintayin yun. Tara na at uuwi na tayo.

Jill: Ha? Ano?

Niño: Sige na. Ibababa din naman kita pag nakasalubong natin sya sa daan eh. Kaysa naman maghintay ka dito eh malapit nang maggabi. Wala nang tao dito mamaya. Baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa'yo eh.

Jill: Hayst sige na nga. Pero ikaw na ang bahala sumagot kapag pinagalitan nya ako ha?

Niño: Oo na. Sige na. Sakay na.

*saka na sumakay si Jill sa motor ni Niño at agad na pinaharurot nya ito. Nakatingin si Jill sa bawat motor na makasalubong nila, pero nakaabot lang sila sa crossing at hindi talaga nila nakita si Kyle. Pagdating nila sa crossing...

Jill: Sandali lang. Tigil lang muna, Niño.

Niño: Ha? Bakit?

*saka naman may tinawagan si Jill sa kanyang cellphone pero binaba nya din ito pagkatapos...

Niño: Bakit?

Jill: Wala pa rin eh. Naka-off ata cellphone nya.

Niño: Bakit di mo subukang itext? Sabihin mong uuwi ka na dahil malapit nang maggabi.

Jill: S-sige.

*saka naman tinext ni Jill si Kyle sa kanyang cellphone. Maya-maya...

Jill: Tapos na ako.

Niño: Sige. Hawakan mo nalang nang maigi yang cellphone mo at para malaman mo kung nabasa nya na ang text mo.

Jill: Sige.

Niño: Uuwi na tayo.

Jill: Sige.

*saka na tuluyang umuwi sina Jill at Niño sa kanila. Kinagabihan, habang tinawagan na naman ni Jill si Kyle ay saka na ito sumagot...

*sa tawag

JILL:
Oh. Musta?

KYLE:
I'm not okay. Alam kong hindi kita natawagan na hindi ako makakadating kanina at kasalanan ko yun. Pasensya na. May inasikaso lang kasi ako sa school eh. Pasensya na.

JILL:
Ah. Okay lang. Minsan kasi hindi naman ako dapat ang pagtutuunan mo ng pansin palagi eh. At tsaka may pangarap ka din naman para sa sarili mo diba? Kaya ayun naiintindihan kita.

KYLE:
Jill, wag ka nang magalit pasensya na. Pasensya na at hindi kita natawagan. Alam mo naman na mahal na mahal kita eh.

JILL:
Okay lang. Next time, sabihin mo nalang sa akin kapag hindi ka makakadating ha? At para hindi rin ako maghintay sa'yo.

KYLE:
Sige. Sige. Pasensya na talaga ha? I love you.

*saka na pinatay ni Jill ang tawag. Hindi nya na tinanong kung ano ang sadya ni Kyle sa school nito dahil sa sobrang pagod na rin. Kinabukasan, habang dumating na si Niño sa labas ng opisina ni Jill...

"Ikaw na naman?"

*saka naman napalingon si Niño sa nagsalita. Si Kyle pala ang nagsalita at nakasakay ito sa motor nya. Agad namang bumaba si Niño sa kanyang motor upang maghintay kay Jill...

Niño: Oh. Absent ka ata kahapon ah. Bumabawi ka ngayon?

Kyle: Bakit mo alam na absent ako kahapon? Ikaw ang nagsundo sa kanya dito noh?

Niño: Well, I'm just taking the opportunity. Mahirap na at baka hindi na ako magkaroon ng opportunity ulit sa susunod.

Kyle: Nambibwisit ka ata.

Niño: Bakit? Nabibwisit ka na ba ha?

Kyle: Grabe. Taking the opportunity pala ah. Pero 2nd choice ka lang tandaan mo. Ako ang mahal ng taong mahal ko ngayon.

Niño: Bakit? Kayo na ba ha? Baka nakakalimutan mo. Hanggang hindi pa kayo kasal at magkaroon ng pamilya, hinding-hindi ko sya susukuan. Madamot na kung madamot. Basta yun din naman ang dapat gawin ng isang lalaki sa nililigawan nya diba, gagawin nya ang lahat upang makuha ang matamis na oo ng nililigawan nya?

Kyle: Ah. Ganun ba?

Niño: Oo.

(KYLE POV: Bwiset. No More Mr. Nice Guy ang peg ko dito eh...)

Kyle: Sige. Alam ko na hindi ka magpapatalo sa akin kaya ganun din ako sa'yo. Mahal ko si Jill mula pa dati at hinding-hindi na ako papayag na mawala sya sa akin ulit.

Niño: Well, we'll see about that. Made the best man win.

Kyle: Deal.

*at saka na nila hinintay dalawa si Jill na makalabas na sa opisinang ito...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now