*sa loob ng sasakyan, habang nag-uusap pa rin sina Kyle at Jill sa cellphone at patuloy na kumakatok si Niño sa pinto ng sasakyan nina Jill...
(JILL POV: Piste. Hindi ba marunong rumespeto ng privacy ang isang to ha?..)
*sa tawag
KYLE:
Baby, may problema ka ba dyan ha?JILL:
Ah wala babe. Baba ko muna babe ha? May gagawin lang ako saglit. Enjoy the rest of your day okay?KYLE:
Ok, babe. I love you.JILL:
I love you more.*saka na pinatay ni Jill ang kanyang tawag upang pagbuksan ng pinto ng sasakyan si Niño. Sa sobrang inis nito ay agad nyang binuksan ang pinto ng sasakyan at...
Niño: Aray!
Jill: Ah sorry. Hindi ko kasi nakita kaagad na malapit ka pala sa pinto eh. Sorry.
Niño: Ok lang, Jill. Ok lang. Whoo ang sakit eh...
Jill: Ayan kasi eh. Di ka matinag eh...
Niño: Ha?
Jill: Wala. Next time mag-iingat ka.
Niño: Thank you.
Jill: Ano ba kasi ang kinakatok mo? Pasensya na nakaidlip kasi ako eh.
Niño: Ah. Gusto lang sana kitang yayain para sa alumni homecoming sa elementary. Baka naman may time kang pumunta. Sama-sama nalang tayo.
Jill: Ah. Hindi ko sure kung makakapunta ako eh.
Niño: Ha? Bakit naman?
Jill: Busy kasi ako eh. Wala akong time.
Niño: Sus. Pwede ba naman yun? Ikaw? Mawawalan ng time?
Jill: Hindi ko naman kasi hawak ang oras ko palagi eh. Alam mo na, madaming inaasikaso diba?
Niño: Gaya ng?
Jill: Uhmm...my own businesses, that I cannot tell. Alam mo na yun.
Niño: Ah. Okay. But if ever na magbago ang isip mo, kausapin mo lang ako ha? Through chat o personal man.
Jill: Thanks. But I think my decision is final.
Niño: Okay.
Jill: Sige. Babalik na ako sa loob ha?
Niño: Teka. Hindi ka ba makikifacebook dito sa amin? Maganda signal dito. Nakikifacebook nga si papa mo dito eh.
Jill: No thanks. I think I've done myself socializing a lot online.
Niño: Wow English. Grabe hindi na kita maabot ah.
Jill: Talaga?
Niño: Oo naman.
Jill: Sige.
Niño: Sige.
*saka na pumasok si Jill ulit sa sasakyan nito at lumayo na rin si Niño sa sasakyan nina Jill upang bumalik sa kanyang pwesto. Habang si Jill naman sa loob ng kanilang sasakyan...
(JILL POV: Stupid...hay...)
*saka na naidlip si Jill sa sasakyan nila. Habang si Niño naman pagtabi nya sa tatay ni Jill...
Tatay ni Jill: Oh anong sabi ni Jill? Makakapunta daw ba sya?
Niño: Hindi ko sure, tito eh. Madami daw syang ginagawa eh.
Tatay ni Jill: Yung batang yan oo. Basta pag magkataon talaga na pumunta si Jill sa alumni homecoming nyo sa elementary, sa inyo ko na ipagkakatiwala si Jill. Kasi alam kong maasahan ko kayo pagdating sa anak ko.
Niño: Kami na po ang bahala tito. Sana nga talaga ho ay pumayag sya na pumunta.
Tatay ni Jill: Papayag yun. Kukumbinsihin ko nalang sya ulit.
Niño: Thank you po tito.
Tatay ni Jill: Walang anuman. Sige. Aalis na ako. Magbibigay pa kasi ako ng pagkain sa mga alaga kong manok eh. Maiwan muna namin kayo dyan.
Niño: Sige po tito. Mag-iingat po kayo.
Tatay ni Jill: Salamat. Kayo din.
Niño: Salamat din po tito.
*saka na bumalik ang tatay ni Jill sa kanilang sasakyan upang umuwi na sa kanilang bahay. Nang nakaalis na ang sasakyan nina Jill...
Mel: Grabe tol ah. Lakas ng first impression mo sa tatay ng crush mo ah. Mukhang tuloy-tuloy na yan eh.
Niño: Sana nga bro. Napipicture ko na bro. Napipicture ko na botong-boto talaga sina tita at tito sa akin para sa anak nila.
RR: Oo nga pala. Yung sa alumni homecoming nyo, ano daw ang sabi?
Niño: Busy daw eh. Baka malabo pa syang makapunta.
Mel: Ayy! Hindi pwede yan. Dapat makapunta sya.
Niño: Nagbabakasakali lang naman ako eh. Pero sana palarin pa rin.
RR: We wish the best for you bro.
Mel: Ako din bro.
Niño: Thank you mga bro ah. You're the best.
Mel: Sus kami pa.
*saka na tinapik nina Mel at RR ang balikat ni Niño upang bigyan ito ng suporta. Habang si Niño naman...
(NIÑO POV: Hayst sana nga lang Jill ay makapunta ka sa alumni homecoming natin. At sana ako lang sana ang kasama mo sa alumni homecoming natin. Gustoko din sana na mapansin mo ako. Mapansin mo ako bilang ako na nagmamahal sa'yo. Ayaw kong mapunta ka sa kanya. Dehado man, nananalig pa rin ako. Ngayon lang ako susugal, sa'yo pa. Sana ay manalo ako. Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang talaga, mapagbigyan mo sana ako...)
*saka na napangiti si Niño ng husto. Pagkaraan ng ilang araw, habang pauwi na si Jill mula sa kanyang trabaho...
"Jill?"
*agad na napalingon si Jill sa tumawag sa kanya, at nang nakita nya na kung sino ang tumawag sa kanya na nasa loob ng isang tricycle...
Jill: Issa?
Issa: Halika na dito. Sabay na tayo pauwi.
Jill: Sure. Sandali lang.
*saka na sumakay si Jill sa loob ng tricycle upang tabihan si Issa para sa kanilang pag-uwi galing sa trabaho...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...