CHAPTER 19: ON-THE-JOB TRAINING

0 0 0
                                    

*nang mag-aalas 9 na ng umaga, lumabas muna si Jill saglit sa kanilang opisina at bumili ng kanyang makakain sa isang store na malapit sa kanyang opisina. Nang nakita sya ni Paul ay nilapitan sya nito...

Jill: Oh Kuya Paul, ikaw pala yan.

Paul: Oh. Kamusta naman yung on-the-job training mo?

Jill: Medyo nilalamig pero kakayanin naman.

Paul: Awts. Bakit kasi di ka nagdala ng jacket eh.

Jill: Di ko naman alam kuya na sobrang lamig pala dun. Akala ko nga eh sa Alaska ako nagtatrabaho eh sa sobrang lamig hahaha.

Paul: Naku naman. Next time pag pumunta ka dyan, magdala ka ng jacket. Kasi ang pagkakaalam ko, di biro ang lamig dyan eh. Pero ngayon naconfirm ko na hahaha.

Jill: Sige kuya.

Paul: Eh ano ang ginagawa mo pag sumusobra na yung lamig?

Jill: Eto. Pumupunta muna sa cr o nagpapainit dito sa labas. Nakakahiya man po sa boss ko pero wala naman po akong magagawa eh. Kaysa naman po magkasakit ako sa lamig diba?

Paul: Tama ka nga.

Jill: Sige kuya ha? Alis muna ako. Sapat na siguro itong init na nararanasan ko. Oras na para sumuong naman sa lamig hahaha.

Paul: Sige. Pero wag magkakasakit ha? Susuka lang pero di susuko.

Jill: Ano yun kuya? Lasinggero lang ganun?

Paul: Baliw hahaha.

*saka naman bumalik si Jill sa kanilang opisina. Habang si Paul naman na naiwan sa store...

(PAUL POV: Tiyak na hindi makakapaniwala kaagad itong kapatid ko kung sino ang nakita ko ngayon eh hahaha...)

*sa bahay nina Kyle, habang nakahiga si Paul sa kama ni Kyle at naghihintay sa kapatid nya. Nang pumasok na si Kyle sa kanyang kwarto, agad na napabangon si Paul sa kanyang kama...

Paul: Ano ba? Ang tagal-tagal mo namang maligo. Para kang babae eh.

Kyle: Eto naman si Kuya oh. Para kang nagmamadali.

Paul: Eh kasi nga nagmamadali ako.

Kyle: Bakit? Ano ba kasi ang gustong sabihin ng kuya kong magaling at nagmamadali ha?

Paul: Si Jill, nagtatrabaho sya sa opisina namin.

Kyle: Talaga kuya? Yah. Bakit di mo sinabi sa akin kaagad?

Paul: Eh malay ko ba naman na magtatagal ka dun sa banyo na parang isang babae.

Kyle: Kuya talaga. Teka bakit sya nagtatrabaho dun? Eh magka-batch lang naman kami ah.

Paul: On-the-job training daw sabi nya.

Kyle: Ah.

Paul: Eh kayo? Wala kayong ganyan?

Kyle: Hindi eh. Webinar kasi kami. Mabuti nga sya nakapaghanap sya ng on-the-job training nya. Pero mabuti na rin yun. May board exam sana akong kukunin ngayon eh.

Paul: Ah. Ganun ba?

Kyle: Oo eh.

Paul: Sige. Good luck.

Kyle: Good luck sa ano? Sa exam o sa kanya?

Paul: Hahaha both hahaha

Kyle: Yah. Hindi mo na kailangan pang sabihin yan baliw.

*saka na umalis ng kwarto si Paul na tumatawa habang si Kyle naman sa kanyang kwarto...

(KYLE POV: Ito na ang pagkakataon ko...)

*kinabukasan, habang paalis na sina Jill at ang kanyang mga katrabaho...

Jill: Goodbye, sir. Goodbye, ma'am.

"Goodbye, Jill."

"Hayst salamat tapos na rin."

*nang lumabas na si Jill sa kanyang opisina ay nakita nya si Kyle na kumukuha ng litrato sa park sa harap mismo ng kanilang opisina...

(JILL POV: Yah. Andito rin sya? Wow. Mapuntahan ko nga sya saglit...)

*pupuntahan na sana ni Jill si Kyle nang bigla namang dumating si Niño gamit ang motor nya. Agad syang pumunta kay Jill...

Jill: Ay nagulat ako! Yah. Muntik mo na akong mabangga dun ah.

Niño: Eh ang bilis-bilis mo kasi eh na para bang may humahabol sa'yo. Saan ka naman pupunta ha?

Jill: Ah wala. Ang ganda kasi ng park eh. Gusto ko sanang puntahan bago ako umuwi.

*nang napalingon si Kyle sa gawi ni Jill ay nakita nya ang dalawa na nag-uusap. Agad naman na kumunot ang kilay nito sa nakita nya...

(KYLE POV: Yah. Kailan pa sya dumating dyan?..)

Niño: Tara na. Hatid na kita. Para di ka na rin gumasto ng pamasahe.

Jill: Pero...

"Anong ginagawa mo dito?"

*saka naman dumating si Kyle sa kanilang dalawa...

Niño: Yah. Diba dapat ako ang magtanong nyan?

Kyle: Nandito ako para gumala. Bakit?

Niño: Pwes kung gagala ka lang din naman, sana hindi ka nakikiusyoso sa dalawang tao na nag-uusap diba?

*agad namang hinawakan ni Kyle ang braso ni Niño...

Kyle: Anong sabi mo?

Niño: Ay bingi ka pala. Sayang gwapo mo pa din naman.

Kyle: Jill?

Jill: Ha?

Kyle: Wala nang patutunguhan ang pangyayaring ito. Tara na at umalis na tayo.

Niño: Yah. Hindi mo ba narinig? Gusto nya daw na magpapicture dyan sa park. Bakit mo sya niyayaya pauwi ha?

Kyle: Eh alam mo naman pala na magpapapicture pa sya dyan sa park eh. Eh bakit niyayaya mo sya kaagad pauwi ha?

Niño: Ano? Binabalik mo ba sa akin ang lahat ng sinabi ko sa'yo ngayon lang?

Kyle: Bakit? Yun naman ang totoo diba?

*agad na uminit ang tensyon sa pagitan nina Kyle at Niño...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now