*sa private island, habang kakadating lang nina Kyle sa island ay pababa na sila sa bangka na sinakyan nila. Andun naman si Mimay na sumalubong sa kanila since sya ang nauna sa island...
Klint: Hi, Mimay. Wow! What a wonderful place. Sa inyo ba itong island na ito?
Mimay: Oo naman. Feel free to enjoy. Ako na ang bahala sa inyo.
Lahat: YEHEY!!!
"Eyy, guys..."
*paglingon ng mga magkaibigan sa nagsalita...
Kyle: Pakitulungan nyo naman si manong bangkero oh. Sya na ang nagbubuhat ng mga gamit natin.
Mimay: Leave that to me. Boys!!
*pumalakpak ng dalawang beses si Mimay bago lumabas ang apat na matipunong lalaki sa likuran nya...
Jade: Wow. Ang hot.
Kiera: Oo nga grabe.
Frankie: Mimay. Wag mong sabihin na pagmamay-ari mo din sila.
Mimay: No. They are my bodyguards. Dinala ko sila dito para sabi daw ni mommy ay may magbabantay daw sa atin.
Frankie: Jeez. Sobrang yaman pala talaga ng mama mo, Mimay. Akalain mo yun, may bodyguards ka na, tapos may private island pa kayo.
Jade: Pero, bessy. Wala ka bang natitipuhan dyan sa mga bodyguards mo? Grabe oh. Ang lalaki ng katawan. Parang mala-wattpad lang hahaha.
Mimay: Sus. Kayo naman. Eh isa lang naman ang gwapo sa paningin ko eh.
*nakasulyap sya kay Kyle pagsalita nito...
Mimay: Ok boys. Maaari nyo nang kunin yung mga bag nila tapos idala sa kani-kanilang mga kwarto.
Bodyguard #1: Opo boss.
*agad namang pinuntahan ng apat na bodyguards sina Kyle at ang manong bangkero na naghahakot pa rin ng mga gamit...
Bodyguard #2: Kami na po sir.
Kyle: Sige salamat. Akin yang blue at black na bag ha?
Mimay: Guys, let's go. Sila na ang bahala sa mga bagahe natin.
Lahat: Okay.
*lahat sila ay pumunta na sa hotel ng island maliban kay Kyle na pinuntahan pa ang bangkero...
Kyle: Kuya, magkano po ang babayaran namin?
Bangkero: Wag na. Binayaran na ako ni Mimay upang ihatid kayo dito.
Kyle: Po?
Bangkero: Oo. Ako din ang naghatid sa kanila kanina. At pinakiusapan nya na din ako na kapag may nakita akong mga barkada nya base sa litratong ibinigay nya sa akin, ay ako na daw ang bahala na maghatid.
Kyle: Litrato po? Ano po ang ibig nyong sabihin?
Bangkero: Eto po oh.
*kinuha ng bangkero ang isang litrato sa kanyang bulsa at ibinigay ito kay Kyle. Agad nya namang tiningnan ang litrato...
Kyle: Wow. Meron pa pala sya nito.
Bangkero: Grabe po pala ang pamilya nya noh? Napakayaman. Parang wala lang para sa kanila ang paggasto ng pera eh.
Kyle: Wow. Mukhang hindi naman po sa ganun.
Bangkero: Sa inyo na po yan boss. Tutal hindi ko naman po kailangan yan.
Kyle: Sige Kuya. Kailan mo nga kami susunduin ulit?
Bangkero: Samakalawa daw. O depende pa kay Ma'am Mimay.
Kyle: Sige Kuya. Salamat ha?
Bangkero: Walang anuman po. Sige po. Alis na po.
Kyle: Sige. Mag-iingat ka.
Bangkero: Kayo din po.
*tinulungan ni Kyle ang bangkero na itulak ang bangka papunta sa dagat. Nang makalayo na ang bangka ay kumaway naman sina Kyle at ang bangkero sa isa't-isa. Nang hindi nya na makita ang bangkero...
(KYLE POV: Wow. This place is so good. How can Mimay's parents afford this private island?..)
"Making friends with the sea?"
*paglingon ni Kyle sa nagsalita ay saka naman sya nilapitan ni Mimay...
Kyle: Wala. I'm just dazzled with what I am seeing right now.
Mimay: Dapat lang. Pag kasi hindi ka pa nagandahan sa private island namin eh ipapainom ko sa'yo tong saltwater lahat.
Kyle: Eto naman. Parang hindi tayo magkaibigan eh.
(MIMAY POV: Bakit? Kaibigan nga lang ba?..)
Mimay: Dali na. Hinihintay ka na dun ni Frankie.
Kyle: Ha? Ni Frankie? Bakit?
*habang naglalakad sa loob ng hotel sina Kyle at Mimay...
Mimay: Magkatabi kasi kayo ni Frankie sa isang kwarto. Si Klint naman, kasama nya si Nicko. Si Jade naman kasama ko sa isang kwarto. Si Kiera, Aya at Jen naman ang magkasama sa isang kwarto.
Kyle: Ah ganun ba?
Mimay: Bakit? May iba ka bang gusto makasama sa isang kwarto? Gusto mo palitan ko?
(KYLE POV: Sya sana eh. Kaso wala sya dito. Tsk! Ano ba tong iniisip ko bwiset?..)
Kyle: Wala. Nasanay kasi ako na mag-isa sa kwarto ko eh. Pero okay na din to. Salamat.
Mimay: Good. Bumaba kayo mga 11:30 mamaya. Kakain tayo ng tanghalian.
Kyle: Sure. By the way, may magluluto ba ng tanghalian natin?
Mimay: Oo naman meron.
Kyle: Sino?
Mimay: Yung mga bodyguards ko. Masasarap sila magluto eh kaya sila nga yung pinili ko na sumama dito. Para di na tayo mahirapan sa pagkain natin.
Kyle: Ah ganun ba?
Mimay: Bakit? Gusto mo ba na ikaw magluto ng pagkain natin? Gusto mong tumulong nalang sila sa'yo sa pagluluto?
Kyle: Hindi na. Hindi din naman ako marunong magluto eh. Thank you nalang.
Mimay: Sige. Bye.
Kyle: Bye.
*umalis na si Mimay sa hotel habang pumunta nalang si Kyle sa kwarto nila ni Frankie sa hotel...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
Chick-LitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...