*habang kumakain sina Issa, Francis at Jill...
Francis: Pero alam mo sis, ang cousin mo, mas masarap pa sa masarap.
Jill: Tumahimik ka nga dyan. Nasa harap tayo ng pagkain eh.
Issa: Oo nga. Tsaka diba nga ang sabi ko, wag na nating pag-usapan ang wala dito?
Francis: Sorry para dun, sis. Pero di ko talaga mapigilan eh. Yung mga titig nya, yung mukha nya. Yung katawan nya...
*biglang nabulunan si Jill sa narinig...
Issa: Ang sabi ko sa'yo tama na yan eh. Ok ka lang ba, Jill?
Francis: Sorry talaga bes.
Jill: Hindi...*inubo ok lang.
Francis: Hay naku. Hindi na nga lang ako magtatalak tungkol sa kanya. Nakakainis.
Issa: Kung ako sa'yo sis, wag mo nalang sya hangaan. You'll never knew his bad sides. Baka nga may jowa na yan eh di lang natin alam.
"Sinong may jowa?"
*saka naman pumasok sa room sina Kyle, Ping at Giselle...
Kyle: Jill, diba nasa tactical ka din?
Jill: Oo. Bakit?
Kyle: Di ka pa babalik sa training? Sabay ka na sa amin oh.
Jill: Ah hindi. Kaya ko naman maglakad patungo dun ng mag-isa eh.
Kyle: Ok.
Jill: Saka di pa ako tapos kumain. Kaya mauna nalang kayo.
Kyle: Hindi. Hihintayin ka nalang namin dito.
Jill: Ano?
Kyle: Wala din naman kaming gagawin eh. Kaya hihintayin ka nalang namin dito. Para sabay nalang tayo na pumunta dun ok?
Jill: Oh...okay?
(FRANCIS POV: He's so dreamy...)
*umupo na si Kyle sa upuan malapit kina Jill. Umupo sya sa likod ni Francis...
(FRANCIS POV: My God. Parang pakiramdam ko hina-hot seat ako dito sa likod...)
Jill: Hindi mo naman kailangan na hintayin ako dito. Kaya ko naman maglakad ng mag-isa. Hindi nyo naman ako kailangan na buhatin eh.
Kyle: Ok lang. Gusto ko na maging malapit sa'yo eh.
(FRANCIS POV: Aray ko...)
Issa: Eh kay Francis cous, ayaw mo ba na maging malapit sa kanya?
*lumingon si Francis kay Kyle...
Kyle: Ah. Hi, Francis. Ako nga pala si Kyle.
*umalok ng shake hands si Kyle kay Francis...
Francis: Ako nga pala si Francis. Pero alam mo, parang ayaw ko ng shake hands eh? Kasi baka madumihan itong kamay mo.
Kyle: Ha? Ok lang. Ikaw talaga.
Francis: Gusto ko ng beso-beso...
*magbebeso na sana si Francis kay Kyle pero...
Jill: Tigil!
*nagulat ang lahat kay Jill...
Francis: Bakit?
Jill: Kumakain ka diba? Yung mukha mo oh...
Francis: Ay pasensya na. Naku talaga nakalimutan ko sorry.
Kyle: Hindi ok lang.
Francis: Ok lang na mag-beso ako sa'yo?
(JILL POV: Hay naku...)
Kyle: Hindi...
(KYLE POV: Ano ba ang nararapat kong sabihin nito?)
Kyle: I mean. Hindi mo naman kailangan na mag-sorry. Ok lang.
Francis: Ah. Okay. Bilisan mo na bess. Hinihintay ka na ng dalawang gentleman na ito oh...
Jill: Eto na bibilisan na...
*habang kumakain si Jill ay panay ang tingin ni Kyle at Ping sa kanya...
(JILL POV: Hay naku bwiset...)
*habang naglalakad sina Kyle, Ping at Jill papunta sa training ground...
Ping: Alam ko na si Jill lang ang hinintay natin na matapos kumain, pero bakit andito pa si...
Francis: Hi bessy.
Jill: Pasensya ka na Ping ha? Gusto nya talaga kasi na makilala kayong dalawa eh. Ok lang ba?
Francis: Eto naman. Bakit ka nagpapasorry sa kanila? Eh mukhang okay naman sila eh.
Jill: Ok ka dyan mukha mo.
Francis: Ayy oo nga pala. Nakalimutan kong gawin ang project ko para mamayang hapon.
Jill: Ayan tuloy. Kakalalaki mo yan.
Kyle: Ha? Kakalalaki nya yan?
Jill: Ah. I mean, kakafriend nya yan sa lalaki, kaya nakalimutan nya yung project nya.
Francis: Eto naman si bestfriend. Minsan na nga lang ako makakita ng gwapo...
*napalingon sina Kyle kay Francis...
Francis: I mean, gwapo at mababait na lalaki. Idolo ko sila kaya gusto ko na makipagkaibigan sa kanila. Yun yun..
Kyle: Ah. Ganun pala..
Francis: Sige ah. Gagawin ko pa yung project ko. Bye!
Kyle: Bye. See you soon.
*umalis na si Francis upang gawin ang project. Naiwan namang naglalakad ang tatlo. Habang naglalakad sila...
Ping: Oh. Sina Mimay oh?
*itinuro ni Ping sina Mimay, ang mga kaibigan ni Kyle sa dalawa...
Ping: Punta tayo dun, Kyle.
Kyle: Ayoko. Ayoko naman na mapag-iwanan si Jill eh. Kaya sasamahan ko nalang muna sya.
Ping: Ok. Kung yan ang gusto mo. Pupunta nalang ako dun.
Kyle: Okay.
*umalis si Ping upang puntahan sina Mimay. Naiwan naman sina Kyle at Jill na naglalakad...
Jill: Kyle?
Kyle: Yes?
Jill: Maaari bang magtanong?
Kyle: Oo naman. Bakit? Ano yun?
Jill: Bakit mo pala ako hinintay na matapos kumain para sumabay tayo maglakad? Nalilito kasi ako eh. Hindi ko alam kung bakit?
Kyle: Ah. There's something kasi na gusto kong tanungin sa'yo eh.
Jill: Ha? Tanong? Ano yun?
Kyle: Diba may classmate ka na si Nel ang pangalan?
Jill: Oo. Bakit?
Kyle: Ang sabi daw ni Giselle, crush mo daw sya.
Jill: Ha?
(JILL POV: Walang hiya ka talaga, Giselle. Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan as in...)
Jill: So? Ano naman kung ganun?
Kyle: Inamin ko kasi sa kanya na may crush ako sa'yo. At gusto ko na tulungan nya ako na manligaw sa'yo.
Jill: Ano? May crush ka sa akin?
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...