CHAPTER 23: FAMILY'S SUPPORT

0 0 0
                                    

*sa hapag-kainan ng pamilya ni Kyle, nakaupo na silang lahat habang si Kyle naman ang nag-aasikaso ng kanilang hapunan. Takang-taka naman ang lahat sa inaasta nito...

Nanay ni Kyle: Anong nangyari sa anak mo?

Paul: Palagi mo kasing pinagsasabihan na tamad eh at nakababad sa cellphone ma.

Nanay ni Kyle: Oo nga. Eh hindi ko naman hinangad na ganito ang gawin nya. Hindi ko nga din inexpect na ganito sya ngayon eh.

Paul: Naku hula ko. May magandang nangyari sa kanya ngayong araw. Pero di ko lang talaga malaman kung ano yun.

Kyle: Mama naman. Diba dapat ay magpasalamat nalang kayo sa akin ngayon dahil nagsisipag ako? Pasalamatan nyo naman ako kahit ngayon lang oh.

*di nalang nakapagsalita ang lahat sa sinabi ni Kyle...

Tatay ni Kyle: Wag nyo nang abalahin yan. Mabuti nang good mood sya ngayon.

Gab: Oo nga. At baka may kinalaman yan sa jowa nya.

*saka naman napatingin ang lahat kay Gab. Sinamaan agad ng tingin ni Kyle si Gab dahilan upang mapatungo ito...

Tatay ni Kyle: Ano? May jowa na yang kapatid mo?

Gab: Opo. Ata.

Tatay ni Kyle: Yah. Magtino ka nga.

Kyle: Papa naman. Ano tingin nyo sa akin grade school na kailangan pang magtino?

Nanay ni Kyle: Hayaan mo na. Sigurado naman akong magugustuhan mo yung magiging manugang mo eh.

Tatay ni Kyle: Talaga? Bakit? Kilala ko na ba yan ha?

Lahat: Kilalang-kilala.

Tatay ni Kyle: Talaga? Eh sino naman yun?

*saka na napaupo si Kyle sa kanyang upuan sa gilid sa tabi ng mama nya nang tumayo si Gab at may ibinulong sya sa tatay nila. Pagkatapos nyang bumulong...

Tatay ni Kyle: Yah. Legit?

Kyle: Yah. Sino yung sinabi nya sa'yo pa? Baka ibang tao po yung sinabi nya. Masasakal ko talaga yan mamaya eh.

Gab: Sino pa nga ba? Edi yung elementary classmate mo na nakatira dun sa kabilang baryo.

Lahat: Yung pamangkin ni kap.

Kyle: Yah. Nakakahiya sa mga kapitbahay natin oh.

Tatay ni Kyle: Wow. Ang gwapo-gwapo nga talaga ng anak ko. Di na talaga ako magmamana kung kanino nagmana itong anak ko eh.

Paul: Papa naman. Diba kakasabi mo lang kanina na tumino yang si Kyle?

Tatay ni Kyle: Anong sabi mo dyan? Kayo ang tumino. Kayo ang tumino ni bunso.

Paul/Gab: Papa naman. Bakit kami?

Tatay ni Kyle: Alam mo kasi, napangasawa ko lang naman itong mama nyo dahil alam ko at kilalang-kilala ko talaga kung sino ang tunay na sya. Marami man syang kapintasan...

*biglang sumama ang tingin ng nanay ni Kyle sa tatay nito kaya napalunok nalang sa kaba ang tatay ni Kyle...

Tatay ni Kyle: Alam ko, na walang perpekto sa mundo, at isa-isa sa atin ay meron kanya-kanyang mga kapintasan. Pero ang totoo talaga nun, kaya ko pinili ang nanay nyo dahil alam ko at kitang-kita ko na sya talaga ang gusto kong mapangasawa at makasama sa habang-buhay. Hindi sya sinungaling, honest sya sa kanyang sarili. Wala syang tinatagong bahid, lahat lantaran. Pati color nga ng paborito nyang panty dati lantad din eh.

Nanay ni Kyle: Yah. Kumakain ang mga bata eh.

Tatay ni Kyle: Eto naman. Joke lang eh. Alam nyo kasi, yung piliin nyong babae sa buhay ay yung nagsusumikap, may pangarap sa buhay. At yung taong may unconditional love para sa'yo. Yung taong hindi ka bibiguin sa buhay. Katulad ng mama nyo. Ni minsan ba, nakita nyo ba na binigo ako ng mama nyo? Diba hindi.

Lahat: Hindi po.

Tatay ni Kyle: Kaya ayan. Kyle, kahit anuman ang plano mo para sa babaeng yan, andito ako palagi nakasuporta sa'yo. Susubukan ko syang protektahan pag may magpahamak sa kanya. Gusto ko yung gawin para sa magiging manugang.

Kyle: Papa naman. Para naman pong sigurado kayo na magiging asawa ko sya.

Tatay ni Kyle: Gawin mo ang lahat. Kung talagang mahal mo sya, gawin mo ang lahat upang mapa-oo mo sya. Kahit na ipaglayo man kayo ng tadhana at di itadhana sa isa't-isa, alam mo, alam nya at alam ng Diyos na mahal mo talaga sya. Wag kang susuko anak ha? Kayo, walang susuko sa inyo. Wala akong anak na mahina ha? Diba wala?!

Lahat: Wala po.

Nanay ni Kyle: Masyado na naman nagiging sentimental ang papa nyo.

Paul: Ano pa nga ba ang magagawa natin? Matagal nya na palang bet ang babaeng yun para sa anak nya.

Kyle: Papa naman. Totoo ba yun ha?

Tatay ni Kyle: Ano ba naman ang magagawa ko? Ang kyut ng batang yun dati. Eh ngayon di ko pala aakalain na sobra pa pala dun ang nakikita mo sa kanya.

Kyle: Papa naman...

Nanay ni Kyle: Sige na. Kumain na tayo. At baka mauwi pa sa wala itong pagsisipag ng kapatid nyo para sa ating lahat.

Kyle: Mama naman...

Paul: Para sa babaeng napupusuan ni Kyle, hephep!

Lahat: Hooray!

*saka na sila kumain ng masigla at magkakasama nang dahil sa nabalitaan nila tungkol kay Kyle at sa babaeng napupusuan nito...

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now