CHAPTER 24: DARK SHADOW

0 0 0
                                    

*sa araw-araw na ojt ni Jill sa munisipyo ay palagi syang hatid-sundo ni Kyle. Sinasadya din ni Kyle na hindi sya maabutan ni Niño dahil nakikita nya na rin na may gusto si Niño kay Jill. Hindi din naman nagmamadali si Kyle sa desisyon ni Jill tungkol sa kanilang relasyon kaya naman umabot lang sila ng graduation nila at sabay din silang gumraduate at nagsaya. Sa bar, habang nagcecelebrate sina Kyle at ang mga barkada nya para sa kanilang graduation, may tumawag sa phone ni Kyle. Nang tingnan nya kung sino ito...

Kyle: Guys, labas muna ako ha? May tumatawag kasi sa phone ko eh. Kailangan ko lang sagutin.

Nicko: Sige tol.

*saka na lumabas si Kyle upang sagutin ang tawag sa phone nya. Pero di nya namalayan na sinundan pala sya ni Mimay. Pero tumago si Mimay sa gilid upang hindi sya makita ni Kyle. Habang si Kyle naman...

*sa tawag

KYLE:
Hello?

JILL:
Hey. Congrats pala ha?

KYLE:
Thank you. Congrats din pala sa'yo ha? At nakagraduate ka rin.

JILL:
Thank you din...

*narinig ni Jill na medyo maingay kina Kyle kaya naman nagtanong ito...

JILL:
Nasaan ka? Bakit ang ingay nyo dyan?

KYLE:
Pasensya ka na. Nasa bar kasi kami ngayon ng mga barkada ko. Nagkalate celebration kasi kami para sa graduation namin eh. Pasensya na. Naiingayan ka ba? Hindi mo ba marinig masyado ang mga sinasabi ko? Gusto mo medyo lumayo muna ako dito sa bar?

JILL:
Hindi naman. Naririnig naman kita. Nagtaka lang kasi ako kasi may musika akong naririnig dyan eh.

KYLE:
Eh ikaw, musta yung graduation celebration mo? Ayos ba?

JILL:
Wala namang medyong celebration na nagaganap dito ngayon. In fact, wala pa nga sa isip ko yan eh. Kasi may exam pa ako na kukunin sa Linggo. Kaya wala pa akong masyadong time ngayon para magcelebrate.

KYLE:
Ah yung Licensure Examination mo.

JILL:
Oo. Yun nga.

KYLE:
Awts ah. Sana ay makapasa ka. I'm rooting for you as always.

JILL:
Thank you, Jill. Thank you kasi kung gaano ang pagsusuporta ko sa'yo noon sa exam mo, eh sobra pa dun ang binabalik mo sa akin.

KYLE:
Oo naman. After all, masaya din naman tayo sa achievements ng isa't-isa eh. At para din naman iyon sa future natin eh.

JILL:
Future natin...

KYLE:
Bakit? Ayaw mo ba ako na makasama sa future mo ha? Masayang-masaya nga sina mama at papa na ikaw yung minamahal ko eh...

*habang si Mimay naman na nakatago sa isang sulok at nakikinig sa usapan ng dalawa...

Mimay: Wow. That brat. Mahuli ko lang talaga kung sino ka at hindi ka na kaagad sisikatan ng araw...

*habang sina Kyle at Jill naman na nag-uusap pa rin sa telepono...

JILL:
Oh sige na. Mag-enjoy ka na dyan. Pasensya na at tumawag pa ako. Gusto ko lang naman kitang kamustahin eh.

KYLE:
Ok lang. Masaya nga ako at tumawag ka eh. Good luck sa exam mo ha? Tawagan mo ko after mong kumuha ha?

JILL:
Sure. I'll call you if ever.

KYLE:
See you soon. And I love you.

JILL:
I love you too. And see you soon.

*saka na pinatay ni Kyle ang tawag at bumalik na sya sa loob ng bar. Agad namang nagmamadaling bumalik si Mimay sa bar bago pa sya maabutan ni Kyle sa sulok na pinagtaguan nya. Nang nakapasok na si Kyle sa bar...

Nicko: Wow. Ang haba ng usapang yun ah. Sinong tumawag sa'yo tol? Chicks ba?

Kyle: Wala.

Klint: Ah hindi pwedeng wala. Nicko, Frankie, hawakan nyo sya. Ako ang kukuha ng cellphone nya.

Kyle: Yah! Sandali!

*saka na hinawakan nina Nicko at Frankie si Kyle sa magkabilang braso. Kahit anong pagpupumiglas ni Kyle sa dalawa ay nakuha pa rin ni Klint ang cellphone nya. Agad namang hinanap ni Klint ang huling tumawag sa kay Kyle at nung nakita nya na...

Klint: Oh. My Forever An-jill 😇. Wow...

*saka na nag-ayieehan ang mga barkada ni Kyle sa bar habang si Kyle naman ay namumula na sa hiya...

Kyle: Yow tama na yan. Nakakahiya.

Klint: No.

*kukunin na sana ni Kyle ang cellphone nya kay Klint pero hindi nya ito nakuha nang biglang iniwas ni Klint ang cellphone ni Kyle at pinakita nya ang picture ni Jill na nakalagay sa contact number nito sa iba pa nilang mga barkada, pati na kay Mimay...

Jade: Wow. Ang ganda naman nya.

Aya: At matangkad pa. Nakakainggit naman ang height nya.

Kiera: Tol, matalino din ba sya kagaya natin?

Kyle: Yes. She's unbelievably exceptional.

Lahat: Wow...

Mimay: Well, Kyle. Kailan mo ba sya ipapakilala sa amin?

Kyle: Maybe soon. Dadating din yung araw na ipapakilala ko na sya sa inyo.

Nicko: Well what are we waiting for? Let's do some shots!!!!

*saka na sila nagparty-party para sa kanilang celebration. Habang si Mimay naman...

(MIMAY POV: That sh*t. Kilalang-kilala ko na talaga kung sino ka...)

*saka na sya nagpatuloy sa pagdiwang kasama sina Kyle at ang kanyang mga barkada...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now