*sa tricycle, habang magkatabi sina Jill at Issa sa loob ng bumabyaheng tricycle...
Issa: So kumusta na kayo ng pinsan ko? Ok naman kayo hindi ba?
Jill: Ok naman. Bakit mo naman naitanong?
Issa: Wala naman. Baka kasi naglamat na yung relasyon nyo nang dahil sa Mimay na yun eh.
Jill: Sus hindi ah. Hindi sa ganun.
Issa: Buti naman kung ganun. Naku magsumbong ka sa akin kapag sasaktan ka lang o lolokohin ng pinsan ko ah. Kahit na pinsan ko pa yan, hinding-hindi ko sya kokonsitihin kapag sinaktan ka nya. Kaibigan pa naman kita.
Jill: Naku. Sana nga ay hindi mangyari yun.
Issa: Oo nga pala. Nagchat sa akin si Kyle. May pinuntahan daw sya kanina. Blow out daw ni Mimay.
Jill: Ha?
Issa: Ano? Di mo alam na may lakad sya kanina?
Jill: Ah hindi. Siguro nakalimutan nya lang na sabihin sa akin.
Issa: What?! Naku jusko. Andun na sya sa bahay ng pugitang yun tapos hindi nya man lang pinaalam sa'yo na pumunta sya dun?
Jill: Kalma lang. May tiwala naman ako sa pinsan mo eh. Wag mo nang alalahanin yun. Baka busy lang yun.
Issa: Hindi. Pagkadating na pagkadating mo mamaya sa inyo, tawagan mo kaagad sya. Bwiset papatayin ko lang ang pinsan ko pag ganun...
Jill: Naku. Wag mo namang ganyanin ang pinsan mo, Issa. Don't worry. Para mapanatag yang loob mo, tatawagan ko sya mismo mamaya pagdating ko sa bahay okay?
Issa: Ok. Buti naman yun pag ganun.
Jill: Sige.
*saka na natigil ang kanilang pag-uusap. Sa 2nd District naman sa bahay ni Mimay, habang naglalaro si Kyle sa kanyang cellphone, agad syang nilapitan ni Frankie na may dalang baso ng alcoholic drink...
Frankie: Bro, anong ginagawa mo dyan ha? Para ka namang loner dyan eh. Eto tagay mo para hindi ka mabagot dyan.
Kyle: Please, dude. Alam mo naman na magdadrive pa ako ng motor diba? Ayokong malasing ngayon dude. Malayo pa ang uuwian natin. Mabuti sa'yo kasi aangkas ka lang sa motor ko mamaya.
Frankie: Bakit? Sino ba ang nagsabi sa'yo na uuwi ako ha?
Kyle: Ano?
Frankie: Dude, dito ako matutulog mamaya. Magslesleep over kami dito mamaya noh? Ikaw kasi eh. Bakit hindi ka pa kasi nagdala-dala ng damit mo eh? Tingnan mo tuloy, uuwi ka pa mamaya sa pagkalayo-layo nating lugar. Hindi ka ba natatakot dude? Na umuwi ka dun na mag-isa ka lang.
Kyle: Naku, dude. Wag mo kong idamay dyan sa mga katarantaduhan mo. Alam mo naman na hindi ako pwede mag-overnight dito diba?
Frankie: Hayst ganun na talaga siguro kapag-
"Oh, mga iho. Anong ginagawa nyo dito ha?"
*saka na silang napalingon dalawa sa nanay ni Mimay na kumausap sa kanila...
Frankie: Eh tita, pasensya na po kayo sa kasama ko ha si Kyle? Medyo nagiging KJ po sya ngayon eh hindi ko po alam kung bakit.
Nanay ni Mimay: Naku Frankie, hayaan mo na. Andun si Mimay naghihintay sa'yo dun sa loob. Bumalik ka na dun.
Frankie: Eh tita, inaaya ko nga po si Kyle na bumalik dun eh.
Nanay ni Mimay: Ako na ang bahala kumausap kay Kyle. Ako lang ang magpapabalik sa kanya dun sa loob. May pag-uusapan din naman kaming dalawa na importante eh.
Kyle: Ano po tita?
Frankie: Sige po tita. Masusunod po.
*saka na umalis si Frankie. Pero bago sya umalis ay kinindatan pa nito si Kyle na napakunot naman kaagad ang noo sa ginawa nito. Nang nakabalik na si Frankie sa loob ng bahay ni Mimay at tumabi na ang nanay ni Mimay kay Kyle...
Kyle: Ano po tita ang ibig nyong sabihin?
Nanay ni Mimay: Gusto ko sana na pag-usapan ang tungkol sa inyo ng anak ko.
Kyle: Ano po? Ano po ang tungkol sa amin ni Mimay?
Nanay ni Mimay: Iho, nakapagsabi sa akin ang anak ko sa akin na ikaw daw ang mahal nya. At bilang nag-iisa naming anak, gusto ko palagi na naibibigay ko ang gusto nya hanggang sa abot ng aking makakaya. Anak, alam kong ganun din ang gusto mo para kay Mimay diba? Ang maging masaya sya?
Kyle: Ganun na rin po yun. Pero hindi ko po maintindihan. Ano po ba talaga ang gusto nyong ipahiwatig sa akin?
Nanay ni Mimay: Gusto kong hilingin sa'yo na sana ay maging kayo nalang ng anak ko.Kyle: Ano po?
Nanay ni Mimay: Iho, ikaw lamang ang nakikita kong dahilan kung bakit lumalaban ang anak ko sa buhay. Ikaw lang palagi ang kanyang inspirasyon kung bakit nya ito naaabot ang lahat ng ito ngayon. Ikaw rin palagi ang kanyang bukambibig sa amin ng tatay nya. At nalalaman ko mismo kung gaano ka kabait at kagalang sa ibang tao. At yun ang nakikita kong dahilan kung bakit bagay na bagay kayo ng anak ko sa isa't-isa.
Kyle: Tita, pasensya na po kayo. Pero hindi ko po kayang ibigay ang hinihiling nyo para sa amin ng anak mo.
Nanay ni Mimay: Ano? Bakit naman?
Kyle: Tita, may girlfriend na po ako. At kailanman hindi ko sya kayang ipagpalit kahit kaninuman. Dahil sya lang ang minamahal ko mula pa nung dati. Pasensya na po tita. Hindi ko po kayang ibigay ang hinihiling nyo. Excuse me po.
*at doon na umalis si Kyle sa balcony ng bahay ni Mimay at iniwan ang nanay ni Mimay na hindi pa rin makapaniwala sa narinig nya mula sa binata...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
GIVE ME A SIGN
ChickLitMGA TAUHAN: Jill Niño Kyle PROLOGUE: Jill had a big crush on Kyle, which is his elementary classmate and a future electrical engineer. But the whole world turns upside down for her as her family wants her to marry Niño, his childhood friend whom she...