CHAPTER 27: POSSESIVE

0 0 0
                                    

*maya-maya lumabas na si Jill kasama ang ibang kasama nya sa opisina. Kasabay nyang lumabas ng opisina ang boss nyang si Kymmy na bakla at napaharap ito sa gawi nina Niño at Kyle...

Kymmy: Owemji. Si crush!

*saka na nagtatakbo si Kymmy sa gawi ng dalawa. Habang si Jill naman na gulat na gulat sa inasta ni Kymmy at nang napatingin ito sa boss nya...

Jill: Oh. Silang dalawa? Present sila?

*maya-maya ay sinundan na ni Jill si Kymmy patungo kina Niño at Kyle. Nagbabangayan pa rin ang dalawa pero...

"Kyle omo!"

*saka naman napatingin si Kyle kay Kymmy na ngayon ay nakarating na sa kanilang dalawa...

Kyle: Oh. Sir Kymmy. Long time no see ah.

Kymmy: Eto naman. Wag mo nga akong tinotomboy. Hanggang ngayon talaga ay manly na manly ka pa rin ah. I like that.

*saka nalang napatawa si Kyle kay Kymmy...

Kymmy: Anong ginagawa mo dito? At sino naman itong yummy na kasama mo? Masarap din ba yung sa'yo? Ayy aw sorry hindi ko talaga sinasadya.

Kyle: Ah. Nandito po sana ako upang sunduin si Jill. Balita ko ay ikaw din ang boss nya.

Kymmy: Hay naku. Akala ko talaga ay ako na ang ipinunta mo dito. Minus 1 ka sa akin ngayon.

Kyle: Sir Kymmy naman. Alam mo naman na maganda ka palagi para sa akin eh.

Kymmy: Che! Wag mo akong rurupukin ngayon ah. Galit ako sa'yo. Porke wala akong matres eh hindi na ako ang lalabs mo.

Kyle: Eh Sir Kymmy naman.

Kymmy: Oh eto na pala sya. Yung babaeng inaantay mo. Jill?

*saka na dumating si Jill sa eksena...

Jill: Yes Sir?

Kymmy: Magpakain ka ng aso natin bukas. Ipakain mo na din yang sarili mo upang ako nalang ang mahalin ni Kyle.

*natawa pa si Kyle sa sinabi ni Kymmy...

Jill: Aso? Eh wala naman po tayong aso sa office ah.

Kymmy: Bulag ka ba? Yung aso na tumutunog at naglalakad gamit ang baterya ang tinutukoy ko. Ipakain mo dun ang sarili mo upang lumaki. At para naman may magbantay dun ng mga gamit natin dun sa office.

Kyle: Sir Kymmy naman. Wag nyo naman pong pahirapan nyang si Jill.

Kymmy: Che! Boss ako at ako ang masusunod dito.

Kyle: Eh baka naman po...

*saka na hinawakan ni Kyle ang balikat ni Kymmy at hinimas-himas. Nagulat naman si Kymmy sa ginagawa sa kanya ni Kyle ngayon...

Kyle: Baka naman po pwede po nating pag-usapan yan?

*saka naman napanganga si Jill at Niño sa ginagawa ni Kyle ngayon kay Kymmy...

Kymmy: Y-yes, my loves?

Kyle: May gusto sana akong ihandog sa'yo.

Kymmy: Yes. Kahit ano, Kyle. Gagawin ko, mapaburan mo lang itong beauty ko.

Kyle: Talaga ba?

Kymmy: Oo.

Kyle: Talagang-talaga ba?

Kymmy: Oo. Oo.

Kyle: Talagang-talagang-talaga...

*di na natapos ni Kyle ang sasabihin nya nang bigla nalang syang kurutin ni Kymmy sa hita...

Kyle: Aray!

Kymmy: Walang hiya ka. Pasuspense ka kasi eh. Excited na excited na ako eh.

Kyle: Sorry, sorry. Naninigurado lang eh.

Kymmy: B*bo ka ba? Sa tingin mo ba, pag nagpa-oo pa ako sa gusto mo eh basta-basta ko nalang babawiin yun ha? Baliw ka.

Kyle: Pasensya na, pasensya na. My bad. So bale, eto ang gagawin mo para sa akin.

Kymmy: Deal. Tell me.

*saka na may binulong si Kyle sa tainga ni Kymmy na ipinagtaka naman nina Jill at Niño dahil siyang-siya ito sa sinasabi ni Kyle sa kanya. Matapos na silang magbulungan...

Kyle: So ano? Deal?

Kymmy: Too much to say "no deal." Pabor ako dyan!

*saka na nag-apir ang dalawa...

Kymmy: Honey, let's go.

*saka na ito umakbay kay Niño...

Niño: What? What the heck.

Kyle: Sige na. Ihatid mo na yan sa kanila. Mahirap ba namang tanggihan ang grasya ngayon.

Niño: Teka anong...

Jill: Hoy. Anong ginagawa mo ha?

Kyle: Trust me. Sige na. Ihatid mo na yan. May pagkakakitaan ka pa dyan.

Niño: Teka. Eh ayoko...

Kymmy: Ayy Kyle. Pumapalag...

Kyle: Kurutin mo sa gitna.

Kymmy: Sa gitna mismo?

Kyle: Oo. Mas malaki yan. Mas malaki pa yan sa 9 inches ko.

Jill: G*go ka baliw ka talaga.

Niño: Anong?

Kyle: Ano? Magpapakurot ka pa o ihahatid mo na sya?

(NIÑO POV: Bwiset! Naisahan nya ako...)

Niño: Hindi pa ako tapos. Hindi pa ako tapos sa'yo.

Kymmy: At hindi rin ako tapos sa'yo, sweetheart ko. Thanks, sweetcakes. Mwah!

Kyle: You're welcome, milady.

Kymmy: Ngayon alam mo na. Dalhin mo ako sa langit dali!

Niño: Hayst...

*saka na umalis sina Niño at Kymmy na nakapangbabae pa kung sumakay sa motor. Habang sina Jill at Kyle naman...

Jill: Baliw ka talaga. Paano mo naset-up yun ha?

Kyle: Bagay lang din naman yun sa kanya.

Jill: Hoy. Anong pinagsasabi mo dyan?

Kyle: Akala mo ba hindi ko nalaman na sinundo ka nya kahapon ha?

Jill: Anong...

*saka na hinawakan ni Kyle ang mga kamay ni Jill at tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata...

Kyle: Do you think I'm too possesive right now?

*saka naman napalunok si Jill sa sinabi sa kanya ni Kyle...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now