CHAPTER 9: LET'S BOND

0 0 0
                                    

*sa bahay ni Niño, habang nag-uusap sina Anna at Jill...

Anna: Bakit? Anong kailangan mo kay Niño, Jill? At bakit nakabihis ka?

Jill: Gusto ko po sana syang isama sa barangay hall. Meron po sanang ibibigay ang SK Chairman natin ng mga school supplies para sa highschool at college. Wala po kasi akong masasakyan papunta kasi may lakad po si mama eh. Nasa kanya po ang motor namin.

Anna: Ganun ba? Eh nagkakape pa sya eh. Hayaan mo at tatawagin ko sya.

Jill: Sige po tita.

*pinuntahan ni Anna si Niño sa kanilang bahay...

Anna: Niño? Niño, anak. May lakad daw kayo ni Jill.

Niño: Po?

*saka naman lumabas si Niño dala ang kanyang kape upang tingnan si Jill sa labas. Pagkakita nya kay Jill ay muntik na nyang mabugahan ng kape ang kanyang ina na si Anna...

Anna: Anak naman. Di pa ako maliligo eh.

Niño: Sorry po talaga, mama. Jill, kanina ka pa ba dyan?

Jill: Hindi. Ngayon lang ako dumating.

Anna: Bilisan mo na. Kasi andyan daw si Ate Norma sasama sa inyo.

Niño: Ano?!

(NIÑO POV: Pag minamalas ka nga naman...)

Niño: Sandali lang Jill ha? Uubusin ko lang muna ang kape ko.

Anna: Naku naman. Mamaya nalang yan ang kape mo at magbihis ka na.

Niño: Mama naman. Edi sana ginising nyo nalang ako kaagad.

Anna: Eh kasi kaka-cellphone mo yan. Kung hindi ka sana nagcecellphone hanggang magdamag, edi sana maaga ka pang nakakagising. Mukha ka talagang señorito eh noh?

Niño: Mama naman. Nakakahiya kay Jill oh. Naririnig tayo.

Anna: Magbihis ka na!

Niño: Opo mama. Magbibihis na.

*natawa nalang si Jill sa pinag-uusapan nina Niño at ni Anna...

Niño: Teka nasaan na nga ba ang boxer ko?

*mas lalo pang natawa si Jill nang dahil sa sinabi na yun ni Niño...

Niño: Mama wala akong pera.

Anna: Aanhin mo pa ba ang pera ha? Bakit? May bibilhin ka dun ha?

Niño: Mama naman.

Anna: Bilisan mo na dyan at may naghihintay na sa'yo.

Niño: Opo, mama.

*maya-maya ay lumabas na din si Niño na nakabihis na at pinaandar nya na ang motor. Nang nakarating na si Niño sa kinaroroonan ni Jill...

Niño: Pasensya na ha? At pinaghintay kita.

Jill: Naku okay lang yun. Di naman ako nagmamadali eh.

Anna: Jill, mag-iingat kayo ha?

Jill: Opo tita.

Anna: Ingatan mo yang anak ko.

Niño: Mama naman...

Anna: Nagbibiro lang.

Jill: Sige tita. Alis na po kami.

Niño: Ma, alis na po kami.

Anna: Mag-iingat kayo ha?

Niño/Jill: Opo.

*nagpaalam na sila kay Anna at sumakay na si Jill sa motor ni Niño. Nang umalis na sila at nagbabyahe...

Niño: Bakit? Ano ba ang meron dun sa barangay hall, Jill?

Jill: School supplies daw. Para sa highschool at college.

Niño: Ah. Bakit? Paano mo nalaman?

Jill: Nagchat kasi sa akin si Kuya Mic² eh. Bad timing kasi may lakad si mama. Kaya inaya nalang kita. Tutal may kukunin ka naman dun kagaya ko.

Niño: Ah. Oo.

Jill: Sana naman ay di ako nakaisturbo ako sa'yo.

Niño: Hindi. Okay lang. Wala namang problema.

Jill: Ah...

*pagdating nila sa isang crossing na pinanggalingan ni Jill ay wala na dun si Norma, ang isa sa mga kasamahan ng mama ni Jill sa barangay hall...

Jill: Ay wala na sya? Tita Jing?

Jing: Bakit, Jill?

Jill: Alam nyo po ba kung saan pumunta si Tita Norma?

Jing: Ah. Kanina pa sya umalis.

Jill: Po?

Jing: Kanina pa sya sumakay kay Merto.

Jill: Ah ganun ba?

*nalungkot si Jill sa narinig nya...

(JILL POV: Aba ang malas naman...)

(NIÑO POV: Aba ang swerte naman...)

Jill: Sige po. Aalis nalang po kami. Pakisabi nalang po kay mama na umalis kami.

Jing: Sige, Jill.

*umalis nalang sina Jill at Niño papunta sa barangay hall. Habang bumabyahe sila...

Niño: May pera din kaya tayong matatanggap dun?

Jill: Bakit? Tingin mo ba meron?

Niño: Oo naman. Sayang naman yung pupuntahan natin dun kapag walang pera diba?

Jill: Hay naku. Ngayon pa lang ay magpapasorry na ako sa'yo if ever na wala tayong matatanggap na pera ngayon.

Niño: Ha? Bakit ka naman magpapasorry sa akin?

Jill: Eh kasi ako ang nagyaya sa'yo dito eh. Baka kasi pati sa akin ay madisappoint ka.

Niño: Hindi. Kahit kailan naman ay hindi ako madidisappoint sa'yo eh.

(NIÑO POV: Never...)

(JILL POV: Sus. Cheesy naman nito. Pero ano na nga ba ang i-eexpect ko? Hahaha kahit kailan talaga...)

*nang dumating na sina Jill at Niño sa barangay hall ay madami nang mga estudyante ang naroroon. Nandoon din si Kyle pero hindi sila nagkatiningnan ni Jill. Kaya hindi nila nakita ang isa't-isa. Maya-maya ay lumabas si Norma...

Norma: Oh sino ang kasama mo Jill na pumunta dito?

Jill: Si Niño po.

Kyle: Jill...

*hinanap at hinanap ni Kyle si Jill dahil narinig nya ang boses nito. At nung nakita nya ito mula sa malayo...

Kyle: Sya nga. Sya nga talaga. Si Jill...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

GIVE ME A SIGNWhere stories live. Discover now