CHAPTER 1

99 6 0
                                    

ACE POV

“We might be intelligent in our own eyes but there are things out there that we still don't know about.”


“Ace, what is LOVE?”

Direktang tanong ng aming Philosophy teacher sa akin as she looked directly into my direction amid her akimbo.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang pag-alingasa mula sa aking kalooban, gayundin ang kaba na hindi ko mawari kung ba’t naramdaman ko na lamang matapos kung marinig ang mga salitang binitawan ni Ma’am.

Marami akong teorya pahinggil sa aking nararamdaman sa mga oras na 'to.

Una, may kakaibang pag-alingasa sa aking damdamin dahil sa kahit kailan man ay hindi naaayon sa aking pandinig ang salitang love sa Ingles at pag-ibig naman ito kung tawagin sa Filipino.

Pangalawa, kinakabahan ako ngayon dahil sa bukod sa unang araw ngayon ng skwela, ay hindi ko rin alam kung ano nga ba ang sagot sa tanong ng aming guro.

Pangatlo, marahil ay hindi ko lang talaga alam kung ano ang isasagot.

Ano ba nga ba ang pag-ibig?

Kainis.

Sa dinami-dami naming mag-aaral sa apat na sulok na ito, ako pa talaga 'yong tinawag?

Napakamot na lamang ako sa aking batok at bagot na nakatingin sa aming teacher.

Wala talaga akong maisip na sagot.

Pakiramdam ko ay limang minuto na ang nakalipas mula ng tinanong niya ako kanina ngunit wala talaga akong ideya.

Nakakaloka, ano ba ang nangyayari sa akin?

I used to generate quick responses kung may magtatanong sa akin pero ngayon..... fudge!

Pasensya, ngunit iyan lang yata ang tanong na wala akong maisasagot kailan man.

Bumalik ako sa ulirat ng muli kong marinig ang boses ng aming guro.

“Ma'am?” ani ko sabay tayo habang lutang sa kung ano pa ba ang susunod ko na sasabihin.

“You don't have to stand up Salvacion, your time to give your answer is over. Lagpas sampung minuto kaming nakatunganga na parang mga tangang nag-aabang sa pagbukas ng iyong bunganga. What a waste of time!”

Galit na galit ang aming guro habang nakahawak sa kaniyang noo, dahilan para mapahiya ako sa klase.

I shift my sight sa aking mga paa at dahan-dahan na umupong muli sa aking silya.

Kumawala ang isang mabigat na hininga mula sa akin.

Hindi ko lubos maisip at hindi rin katanggap-tanggap ang nangyari ngayon sa akin.

First day of class pa naman sana tapos 'eto 'yong natamo ko.

Ang unang araw ko ngayon sa school year na ito ay nag-remark ng isang kakaibang experience sa akin.

Thus, it embarks a bad memory. Perhaps, this experience is a shame.

Ganito na lamang ako kung maka-react kasi I never experienced na mapahiya sa klase,

ngayon lang.

I am in midst of lamentation when suddenly, a girl from my back offered something na siyang naging dahilan para lumingon ako sa gawi niya.

My brows crossed when I saw that she smiled widely and kitang-kita ko ang gums niya. Tsk, parang aso.

“What?!” inis kong turan.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya at abot na ito hanggang tainga.

“Okay lang 'yon crush, hindi naman nabawasan 'yong feelings ko sa'yo. Anyway, 'eto oh, chocolate. Alam mo ba na manufactured ito galing sa Mars? Try mo 'to baka gumaan ang loob mo kasi ita-transfer nito ang feelings mo sa Mars, hehe.” mahaba niyang lintaya.

Ang corny.

Agad ko namang ibinalik ang aking paningin sa harapan, “no thanks,” tugon ko sabay kuha nang aking notebook at pen para i-kopya ang mga nakasulat sa white board.

Habang nagsusulat ay hindi mawala sa pandinig ko ang mga boses ng aking mga kaklase.

Well, ganiyan naman talaga kapag first day of school eh, hindi talaga mawawala 'yong kumustahan at mga katanungan kung saan ka nagbakasyon.

Hindi rin mawawala sa first day of school ang mga hiyaw at hugs. 'Yong stories ng mga summer vacation experiences at marami pang iba.

By the way, may narinig pala akong maktol ng aking kaklase pahinggil sa kung ba't hindi raw ina-apply ni Ma'am ngayon ang usual na nangyayari kapag first day of class which is ang “self introduction”.

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napatawa ng marinig ang walang kwenta niyang maktol.

Eh sinong tanga ba naman ang mage-employ ng self introduction kung sa simula pa lang ay hindi na nawala sa landas namin si Ma'am Araza?

Mula Grade 7 pa man kami ay naging subject teacher na namin si Ma'am Araza, ang philosophy Teacher namin this school year.

Isa pa, lahat ng mga kaklase ko sa taon na 'to ay naging kaklase ko na rin simula pa no’ng freshmen.

Ngunit, hindi ako sure kung lahat ba talaga kasi malay natin, may transferee pala.

Isang katotohanan na hindi talaga mawawala sa mapa ng bawat school year ang mga transferee.

Baka nga sa'min ngayon ay may transferee. Well, who knows?

Hindi ko kasi ugali ang mag-usisa ng mga bagong mukha sa aming klase at isa pa, hindi ko rin trabaho iyan, wala ‘yan sa landas ko.

Masyado rin kasi akong gwapo para d’yan.

Habang nagsusulat ako ay bigla na lamang nagsalita ulit si Ma’am Araza, “Kahit kailan ay hindi na talaga kayo nagbago, mga ugaling aso. Tahol ng tahol na kahit minsan ay hindi naman talaga necessary ang tumahol, parang kayo na ingay ng ingay kahit hindi naman talaga necessary ang mag-ingay.”

Dahil sa sinabi ni Ma'am ay tumahimik ang lahat.

Strict talaga si Ma'am at pranka.

Well, sanay na rin naman ako sa ugali niya.

Lahat ay tumikom ang bibig and I think na kahit sa paghinga ay nag-iingat ang aking mga kaklase na hindi makagawa ng malakas na ingay.

Matapos ang ilang minuto ay nagpatuloy na kami mula sa pagsusulat.

I heave a sigh, well I hope that this day will end well.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon