SHANNAIAH POV
“Time tells everything.”
NANG makarating ako sa bahay ay agad akong tumahak papasok sa loob. “Where have you been?” bungad sa akin ni Mommy nang matapos akong makapasok sa loob bahay.I cleared my throat, “Galing ako sa class meeting sa school, Mom.”
She nod and firmly looked at me, “Nasaan si Daddy mo?”
I raised my shoulders as a sign na hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo nakatago ngayon si Daddy.
Her brows arched. Tila may bumabagabag sa isipan niya.
“I thought sinundo ka niya— nagpaalam kasi siya sa akin na susunduin ka niya and that was around 4 PM kanina. Anyway, sinong naghatid sa’yo rito?” bulalas ni Mommy.
“Kaklase ko po.”
Her eyes widened, tila hindi siya makapaniwala sa naging sagot ko. “Where’s your Dad, then?”
Ang tanong ni Mommy ay siyang katanungan ko rin ngayon at pareho kami na hindi alam kung ano ang sagot.
Nasaan nga ba si Daddy? Nasa school ba talaga siya kanina? Sinundo niya nga ba talaga ako? If ever sinundo niya man ako, ba’t hindi ko siya naabutan sa labas ng school kanina?
Confusion started to stir me kung kaya’t minabuti ko na lamang na pumasok sa aking kwarto.
Dali-dali akong nagbihis at saka humiga sa’king kama. I blankly stare at the ceiling of my room kasabay ay ang pag-flashback ng nangyari kanina between sa amin ni Ace.
It made me wonder kung ba’t pinasakay niya ako sa kotse niya.
Hindi ko pa rin mabura sa aking isipan ‘yong unang araw na kasama ko siya. Ang sama niya sa’kin no’n— nilibot niya nga ako sa campus ngunit hindi naman siya nagsasalita, kailangan ko pa’ng basahin ‘yong nakapaskil sa mga buildings ng school para maging familiar ito sa akin. Nagmukha nga akong tanga no’n dahil sa kasusunod sa kaniya tapos out of nowhere ay tinulak ako ng isa sa mga tagahanga niya then wala man lang nag-offer ng help sa akin; matapos niya akong i-tour ang ending ay naligaw ako.
Tapos isa pa ‘yong sinabihan niya ako kanina na daig ko pa ang nauuhaw na kalabaw kung uminom ako ng tubig.
Like for real?!
No’ng sa restaurant naman ay basta-basta niya na lang akong iniwan mag-isa sa parking lot— umabot pa ng ilang minuto ang pag-stay ko sa gitna ng tahimik na parking lot bago dumating ‘yong staff ng mismong restaurant para sunduin ako.
Pero despite sa lahat ay may bright side siya— I wonder kung ilang girls na ba ang pinakitaan niya nang magandang side ng attitude niya.
Hindi ko talaga makakalimutan ‘yong unang kabutihan na ginawa niya at ‘yon ay ang pagsalo niya sa akin— niligtas niya ako mula sa pagkakahulog.
And I wonder…
Will he catch me if fall for him? Or, will he just stare at me, falling for him just like how he usually do?
Alam ko na darating at darating din ang panahon na mahuhulog ako sa kaniya ngunit, kung sakaling dumating man ang araw na 'yon…
Sasaluhin niya kaya ako?
Sa ngayon ay mananatili lamang na katanungan iyan sa akin and surely, time will bring the answer.
Honestly, I belong to the no boyfriend since birth citizen ngunit dahil sa mga nababasa kong nobela at nakikita kong pelikula ay natuto ako.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.