CHAPTER 5

28 3 0
                                    

ACE POV

“Do you believe that a coldhearted person has the sincere heart?”


KASALUKUYAN akong naka-upo habang nakikinig sa lecture ni Ma'am Hermoza, ang science teacher namin. Habang nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ay may bigla na lamang kumalabit sa aking likod at hindi ko tuloy maiwasang mapamura ng tahimik.

Hindi ko na lamang pinag-aksayahan ng oras para tapunan ng tingin ang hayop na kumalabit sa akin. Ayaw kong masayang lamang ang aking oras sa mga patutsada nila.

“Okay class, do you have any question about plate tectonics?” saad ni Ma'am sa klase.

Tsk, napaka-basic naman. E mula pa elementary ay tinuturo na ‘yan.

Walang umimik sa klase, marahil ay kabisado na nila ito. Ang dali lang naman kasi, hindi na required ang logical and analytical thinking.

Dumaan ang ilang minuto ay nanatiling tahimik pa rin ang buong klase at bagot na nakatingin sa kay Ma'am.

She cleared her throat.

I understand her feeling, awkward.

Totoo naman hindi ba? Awkward talaga kapag nagtatanong ka pero walang umiimik sa'yo. Feeling mo tuloy ay nagmumukha ka tanga.

She cleared her throat again.

Pangalawang beses na ‘yan ah.

“Well, my surmise is wala ng magtatanong. Alright, so before I leave this four-cornered room is may individual assignment kayo that should be submitted next week and you assignment will be a video about plate tectonics. Kayo na ang bahala kung paano ninyo bibibyan ng justice ang inyong katha. So, I hope that everything’s clear and fine with you. Goodbye.”

Matapos na magsalita si Ma'am ay walang ano-ano’y kumaripas na siya papalabas ng aming classroom.

I sigh. Well, pangalawa na siya sa teacher na hindi man lang kami nagkaroon ng introduce yourself moment. I think na dapat niya sanang gawin ‘yon sapagkat hindi pa namin siya kilala ngunit halata naman sa kaniya na hindi siya interested sa ganoong mga bagay. Well, who cares? It's her choice anyway.

Nagsimula na namang maghasik nang lagim ng ingay ang aking mga kaklase.

Chismis dito, chismis doon. Halakhak dito, halakhak doon at nagmimistulang fiesta na nga aming classroom.

Bagaman, hindi ko matiis ang ingay kung kaya't minabuti ko na lamang ang makinig ng music.

I sigh at nilabas ang aking cellphone at nagpunta sa YouTube para maghanap ng mga music.

Pinili ko na lamang ang makinig ng solemn piano music at nilagay ko ang aking earpods sa aking tainga.

Nasa kaligtnaan ako ng pakikinig habang hawak-hawak ko ang aking ballpen ng bigla na lamang akong nakarinig ng mga tili ng aking kaklase mula sa aking likod.

“Ah, tingnan mo... ang gwapo niya, sobra. Omg!”

“Yes, at mas lalong tumitingkad ang kagwapuhan niya kapag naka-earphones siya.”

“EarPods ‘yan, bugok!”

“Ace, you are the man of my dreams!”

“Pa-kiss naman bhie!”

Mas lalo pang lumakas ang mga tili nila dahilan para mas lalo akong mainis.

“Naririnig ko kayo.” cold ngunit may halong galit kong na turan.

“Omg, naririnig niya tayo!” sabay-sabay nilang hiyaw na dahilan para mas lalo pang lumakas ang mga boses nila.

Minabuti ko na lamang ang hindi na sila pansinin pa at magpatuloy na mula sa pakikinig ng music ngunit biglang sumulpot ang aming class adviser sa harapan, dahilan para tumahimik ang lahat.

HEY, MR. PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon