SHANNAIAH POV
“Sometimes, love approaches in an ironic way.”
KASALUKUYAN akong naglalakad ngayon pabalik ng aming classroom, “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” mahinahon kong turan sa aking adviser nang makarating ako sa aming classroom ngayon dito sa bago kong paaralan.“Yes, Ms. Gutierrez. Pardon me if I forgot to introduce you during on my lecture time kanina.” paumanhin niya habang nakatitig sa kaniyang sariling reflection sa isang maliit at bilog na salamin, kasabay ang pagguhit niya sa kaniyang manipis na kilay.
I smiled kahit hindi niya naman ito nakikita, “Naku, ayos lang po Ma'am, no problem po. Saka isa pa, may bukas pa naman po.”
She seized time to take a gander to me and then afterwards, nod. “Anyway, I want you to know na ipina-cancel ng school principal and lahat ng lecture subjects niyo sa araw na 'to, 'pagkat according to him, ipa-facilitate raw ang mga transferee today. Do you know what that means?”
Umiling ako.
Umiling ako hindi dahil sa hindi ko alam ang sinasabi niya, umiling ako dahil sa bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa tono ng pananalita niya.
Para bang galit siya pagkat cancelled ang class for today at ako ang sinisisi niya dahil cancelled ito.
My lips draw circle and let a breath escaped from my mouth.
“No Ma'am, I don't.” saad ko na lamang at iniwas ko na ang aking paningin sa kaniya sabay kagat sa ilalim na bahagi ng aking labi.
“Well, it simply means na ia-accomodate kayong mga transferee. I would assign one student na matagal na sa school na ‘to para i-tour ka rito sa campus today,” she paused, “And since wala pa naman tayong class president along with the fact na hindi pa tayo nagkaroon ng election para d’yan. I also want you to know na hindi lamang ikaw ang transferee ng section na 'to ngayong taon kun’di 50% of this class is gaya mo rin.”
Ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya at tumango.
Ang dami niya namang sinabi. Hindi ko tuloy matukoy kung ano nga bang ipinapahiwatig niya.
“Anyway, I'm looking forward for a student na maaaring maglibot sa'yo ngayon dito sa campus. Probably, classmate mo ang maglilibot sa'yo ngayon.” she continued at nilibot niya ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng aming classroom.
I sigh, hays first day of school nga naman. Sabi nila, kapag first ay masaya at exciting pero ba't tila hinahabol ng mga kabayo ang puso ko ngayon dahil sa lakas ng tambol nito?
Sigurado ako na hindi na excitement ang nagu-ugat nito kun'di takot at pangamba, attitude pa naman ang mga students sa school na ‘to.
And I'm sure na there's something else more than that— I just don't know what but I'm sure there's something more.
Katahimikan ang bumagabag sa loob ng kinaroroonan namin ngayon ni Ma’am at bukod sa mga gamit ng aking kaklase, mga upuan, tables, at class decorations ay tanging kaming dalawa lamang ni Ma’am ang tao ngayon dito sa loob.
BINABASA MO ANG
HEY, MR. PERFECT
Romance"In a society that see me as the perfect person, who am really I when unnoticed?" [EDITING IN PROGRESS] Credits to Pinterest for the photo that is used on the cover.